Dahil sa pagod ng halos maghapon na byahe, nakatulog si Eduard sa bahay pagdating niya sa Bulacan.
"Babe! Gising na!" Nagising si Eduard ng yakap at malambing na tinig ni Daphnie.
"Whoooooo! Gabi na pala! Napasarap ang tulog ko." Bungad ni Eduard.
"Araw-araw kong tinatanong si tito Arman kung nandito ka na. Sabi niya kanina, nandito ka na kaya pinapasok niya na ako dito sa kwarto mo. Babe! Happy Monthsary!" Mainit na bati ni Daphnie sa bagong gising na si Eduard.
"Naku! Anong date na ba ngayon? 23 na pala. Monthsary pala namin ngayon. Patay! Nakalimutan ko." bulong ni Eduard sa sarili. "Ahmmm.... Daphnie pasensya na ha. Alam mo namang kagagaling ko lang sa Batangas diba? Naibigay ko na lahat kay mama yung naipon ko, kaya wala akong maibibigay sa'yo ngayon." Pagpapalusot ni Eduard.
"Okay lang yun babe! Ang mahalaga, nandito ka sa araw ng monthsary natin diba? Ang sweet mo nga eh. Talagang sinakto mo pa ang uwi mo sa monthsary natin. Kahit yun lang sapat na." Paglalambing ni Daphnie.
Napangiti na lamang si Eduard. "Ayos! Nakalusot!" sigaw niya sa kanyang isip.
"Namiss nga kita nang sobra eh, Nakakapagtampo ka kasi. Magdadalawang linggo ka nang di nagrereply sa mga text ko, at di mo rin sinasagot ang tawag ko." biglang nagbago ang mood ni Daphnie. Tumalikod siya kay Eduard.
Yumakap naman si Eduard mula si likuran. "Huwag ka nang magtampo. Masyado lang akong naging abala doon kasi ngayon ko lang ulit nakasama sila mama. Pero nandito na 'ko diba?"
Humarap si Daphnie kay Eduard at sinabing, "Hmmmmp! Kung di lang kita mahal eh. Baka meron ka nang iba doon ha!"
"Wala syempre!" Mabilis na tugon ni Eduard.
"Mahal mo 'ko?"
"Oo. Huwag ka nang magduda." tugon ulit ni Eduard.
Napangiti naman sa kilig si Daphnie at saka sinabing, "Sige na nga. Tara na! Nagluto ako ng paborito mong sinigang. Nakahain na sa lamesa." Sabay tayo nito.
"Sige susunod na ako." Pag sang-ayon naman ni Eduard. Pagkaalis ni Daphnie sa kwarto, agad niyang dinampot ang kanyang cellphone.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Pagkasara ni Mariel ng pinto ng kwarto, agad siyang humiga sa kama. Masyado siyang napuyat kagabi at hindi siya sanay sa ganoong sistema.
"Yung mokong na 'yon, hindi na nagparamdam! Siguro pinagtitripan lang talaga ako nun. Hays! Dahil tuloy sa kanya kaya puyat na puyat ako." iyon ang nasambit ni Mariel sa kanyang sarili. Naisipan niya ulit basahin ang text message ni Eduard kagabi.
"Hi Mariel! Maybe you're already asleep. Gusto ko lang magpasalamat kasi pinagtakpan mo ako sa tatay mo kanina. Haha! Grabe! Ang bilis mong makaisip ng paraan. By the way, isesave ko na 'tong number mo ha! Sana i-save mo rin ang nahuhulog kong puso sa'yo. Tulog ka nang mahimbing pero sana ang puso mo ay gumising. Good night!"
Muli siyang nakaramdam ng kilig at siya'y napangiti.
"Ano ba yan Mariel! Walang kayo! Huwag kang mag-assume." Sabi niya sa sarili.
"Replyan ko kaya siya ngayon?"
"Pero ano ang sasabihin ko? Or itext ko nalang kayj siya ng Good evening! O kaya magha-hi ako tapos sasabihin ko, wrong send ako."
"Haaaay!!!?? Nababaliw na ata ako!" sabay tabon ng unan sa kanyang mukha,
"Huwag! Hindi Mariel! Hindi mo gawain yan! Maria Clara ka diba? Hindi dapat ikaw ang maunang lumapit sa kanya." Sunod-sunod na salaysay niya sa sarili. Maya-maya pa, biglang nag-vibrate ang phone niya. Nabuhayan ng loob si Mariel. Mabilis siyang umupo sa kama.
"Baka siya na'to!" Nakangiting sambit ni Mariel habang nakatingin sa kisame na waring humihiling pa na sana ay si Eduard na nga ang nag-text sa kanya.
"Hi Mariel! Kamusta ang araw mo? Nandito na nga pala ako sa Bulacan. Hindi kita tinetext kanina dahil baka maistorbo kita sa pag-aaral mo." Dahan-dahang pagbasa ni Mariel na animoy ninanamnam ang bawat nilalaman ng text message.
"Ayos lang naman. Sus! Ok lang naman kung itetext mo........ ay hindi! Delete! Delete!"
"Ayos lang naman. Ikaw? Arrrggh!!! Wag 'yon."
"Ayos lang naman. Yan! Pwede na yan!" wika ni Mariel sa sarili habang nirereplyan niya ang text message ni Eduard.
"Salamat naman! Nagreply ka rin! Kumain ka na ba? Kumain ka ha! Huwag kang mag-pagutom." Reply naman ni Eduard sabay ngiti ni Mariel habang binabasa ito.
"Oo. Tapos na. Patulog na nga kami eh!" Tugon naman ni Mariel.
"Ay! Ganun? Patulog na pala kayo. Sorry sa abala. Sige pahinga ka na para lalo kang gumanda." Tugon ulit ni Eduard.
"Ngek! Mali ka ata ng reply Mariel! Pinapatulog ka na tuloy!" Bulong ng kanyang isipan. "Ahm.... hindi ok lang naman. Text pa tayo. Di pa naman ako inaantok eh. Aw! Huwag Mariel! Ang pangit! Delete! Delete! Hay! Ano kayang irereply ko?" Pagtatalo ng isipan ni Mariel. Hanggang sa napagdesisyunan niyang huwag nalang mag-reply kahit gustong-gusto niya pang makatext ang binata.
😉💭
Pampa-inspire naman po dyan. Kahit 5 votes and 3 comments. Thanks!
Please Follow me and vote for this story! ❤
Happy Reading! 😃
#iPAHINAsyon
BINABASA MO ANG
Worth Waiting Love (COMPLETED)
RomanceGood day writers and readers! ❤ feel free to read my story. Ginawa ko po itong mas makatotohanan at naaayon sa kasalukuyang ordinaryong buhay ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan para mas makarelate ang mga magbabasa. Di katulad ng mga nababasa k...