Chapter 17

738 29 2
                                    

EDUARD'S POV


          Pagmulat ko ng aking mga mata, napadaing ako sa sakit ng aking ulo. Malamang dahil 'yon sa dami ng nainom ko kagabi. 


          Napabalikwas ako ng bangon nang pumasok sa isip ko ang mga huling naaalala kong nangyari kagabi. Napalingon ako sa tabi ko at nakita ang bagong gising na si Daphnie. Pareho kaming nakatapis lang ng kumot at walang saplot. Nanlaki ang aking mga mata sa nakumpirma kong totoong may nangyari sa amin kagabi.


          "Shocks babe! Ang weird mo. Daig mo pa ang virgin na babae na sinuko ang bataan." Natatawang bungad sa akin ni Daphnie.


          Sa kabila ng matinding sakit ng ulo ay pinilit ko nang tumayo at agad na nagbihis. 


          "Babe thank you for the last night. I love you so much." wika ni Daphnie habang nakangiti nang hindi ko pa rin siya kinikibo.


          At nang matapos na akong magbihis, magsasalita pa sana si Daphnie ngunit pinutol ko na kung anumang sasabihin niya. "Magbihis ka na. Umuwi ka na sa inyo dahil baka sugurin ako dito ng mga magulang mo at hanapin ka sa akin." 


          "Wait babe! Pinili kong dito na matulog dahil alam kong sasakit ang ulo mo paggising mo kaya kailangan kitang ala...." sambit ni Daphnie habang nagbibihis na rin siya ngunit pinutol kong muli ang sasabihin niya.


          "Daphnie this is all a mistake!" Di ko na napigilang magtaas ng boses. Oh God! Kung kailan gusto ko nang magbago. Kung kailan magtatapat na ako kay Mariel kung anong nararamdaman ko para sa kanya. Kung kailan may gusto akong patunayan sa tatay ni Mariel, saka pa ba ako sasablay! Hays! Napakahina ko talaga. 


         Wala sa sariling napahilamos ko ang aking mga palad sa aking mukha at napaupo nalang ako sa sahig dahil sa pagkadismaya ko sa aking sarili.


          "Babe okay ka lang?" Tanong sa akin ni Daphnie habang nakatingin ako sa kawalan.


          Nang akmang lalapitan niya ako, mariin na akong napasigaw. "Daphnie please!!! Umuwi ka na! Yung nangyari sa atin kagabi, hindi dapat nangyari 'yon!" Naikuyom ko pa ang aking mga kamao dahil sa tindi at halo-halong nararamdaman ko ngayon.


          "Pero babe!" narinig ko na lang ang malambot na tinig ni Daphnie habang humihikbi.


          "I said umuwi ka na!" Nang hindi pa rin umaalis si Daphnie, tumayo na ako at nagsabing, "Okay! kung ayaw mong umalis, ako ang aalis." sabay lumabas na ako ng aking kwarto.


          Napansin kong wala nang katao-tao sa bahay ni tito Arman. Tanghali na pala at kapag ganitong oras, nasa trabaho na silang mag-asawa at nasa school o nasa trabaho  na ang mga pinsan ko. Dumiretso ako sa kusina upang makainom ng kape nang biglang sumulpot na naman si Daphnie sa likuran ko.


          "Si Mariel ba?" saglit na napatigil si Daphnie bago nagsalita muli. "Si Mariel ba ang dahilan kung bakit ka nagkakaganito?" 

Worth Waiting Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon