"Aray!!!!" Biglang napadaing ng mahina si Mariel nang di sinasadyang nasiko siya ng babaeng katabi niya sa bus.
"Oooopppss! Sorry miss di ko sinasadya. Eto kasing boyfriend ko eh! Napakaharot!" Medyo nahihiya ngunit natatawang paliwanag ng babaeng nakasiko sa kanya. Magkakatabi silang tatlo sa upuan at si Mariel ang nasa tabi ng bintana.
"Okay lang." Tanging nasagot ni Mariel. "Grabe naman 'tong mga 'to! Maghaharutan at magkikilitian nalang, sa bus pa talaga! Tsssk!! Edi kayo na! Kayo na ang may jowa! Ako na ang wala!" Pagrereklamo ni Mariel sa kanyang isip, Napabuntong hininga na lang siya sabay tingin sa bintana ng bus na katabi niya.
"IHay!!!! Ano kaya ang pakiramdam ng may lalaking nagmamahal sa'yo? Yung tipong, mamamatay siya kapag iniwan mo! Haha! Shocks! May mga lalaki bang ganon? Bakit ba kasi ni wala man lang nanliligaw sa akin. Ganoon ba talaga ako kapangit? Ganoon ba talaga ako kahirap mahalin? Di ko ba pwedeng maranasan na may lalaking magmamahal sa'kin? O kahit manliligaw man lang?" Sunod-sunod na tanong ni Mariel sa sarili. "Si Eduard niligawan ka naman niya ah!" Sagot pa ng kanyang konsensya! "Niligawan niya nga ba talaga ako? Sus! Eh mas malabo pa sa maruming tubig yung mokong na 'yun eh! Kung nanliligaw nga siya, eh dapat sinabi niya man lang sa'kin para at least di ako nagmumukhang assuming! Hays! Mag iisang linggo na rin pala simula nung inumpisahan ko nang bawasan ang pagrereply sa mga text at pagsagot sa mga tawag ni Eduard. Mabuti na siguro 'yun! Kung talagang nanliligaw siya, dapat sabihin niya sa akin para mai-reserve ko siya! Chozs!! Ano ba yan Mariel!!!!" Bigla namang naputol ang paglilitanya sa isip ni Mariel ng marinig na tumutunog ang kanyang cellphone.
"Hello Nay!" bungad ni Mariel sa nanay niyang kausap sa kabilang linya.
"Happy Birthday anak! Nasaan ka na ba? Kanina pa kami tumatawag ng tatay mo. Di ka naman sumasagot," usisa ni Glenda na ina ni Mariel.
"Salamat sa pagbati nay! Pasensya na po pala nay dahil di ko nasagot ang tawag nyo kanina. Malapit na ho ako sa bayan nay!"
"Oh sige anak! Mag-iingat ka ha. Aantayin ka na lang namin ng tatay mo dito."
- - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Lalong nag-madali sa pagkilos ang mga taong naghahanda sa bahay nila Mariel ng ibalita ni Glenda na malapit na itong dumating.
Samantala, bandang 5 ng hapon nang nasa tapat na ng gate si Mariel agad niyang sinabing, "Nay! Tay! Nandito na po ako!" Habang sinasarado ni Mariel ang gate, napansin niyang wala pa ding tugon ang nanay at tatay niya ngunit napansin niya ang mabangong amoy ng pagkain. "Nako! Si nanay talaga ang kulit! Sabi kong wag nang maghanda eh! Wala na nga kaming budget! Tsssk!" Wika ni Mariel sa kanyang isip.
Nang buksan na ni Mariel ang pinto, laking gulat niya sa kanyang mga nakikitang mga tao sa loob ng kanilang bahay at sabay-sabay na umawit ng Happy Birthday To You!
Nakangiti ngunit maluha-luha si Mariel habang tinitingnan ang mukha ng bawat taong nandoon ngayon sa kanyang harapan at binabati siya. Nandoon ang kanyang mga magulang, mga kabataan sa simbahan, ang bestfriend niyang si Camille at ang iba pa niyang kaibigan sa university na pinapasukan nito ngayon.
"Ano ba 'yan! Napakabongga naman ng effort nyo! Para namang 7th birthday ko. Grabe! Salamat po talaga sa inyong lahat! Sino ba ang may pakana nito?" Wika ni Mariel habang nagpupunas ng kanyang luha.
Nagtinginan naman ang lahat kay Philip at ang iba ay tinuro pa siya. "Oy! Hindi ah! Ako lang ang nag arrange pero si nanay Glenda ang nakaisip nyan." natatawang pagpapaliwanag naman ni Philip.
"Nako! Ayun naman pala nay eh! Ikaw naman pala ang may pakana eh" Nag-tawanan naman ang lahat sa eksenang iyon.
Bigla namang inilahad ni Camille ang isang cake na may kandila upang hipan ni Mariel ang apoy. Ngunit bago pa mahipan ni Mariel ang kandila, napansin niya kaagad ang magandang design ng cake at nakuha ang atensyon niya ng maliit na sulat na "from ed? Sinong ed? Eduard? No! Imposible 'yon!" Wika ni Mariel sa sarili. Nakaramdam siya ng kilig ngunit di niya na pinahalata ito. Napatingin na lang siya ng makahulugan kay Camille pagkatapos nitong hipan ang apoy ng kandila.
BINABASA MO ANG
Worth Waiting Love (COMPLETED)
RomansaGood day writers and readers! ❤ feel free to read my story. Ginawa ko po itong mas makatotohanan at naaayon sa kasalukuyang ordinaryong buhay ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan para mas makarelate ang mga magbabasa. Di katulad ng mga nababasa k...