Nang makadating kami sa kusina, I was surprised! Naging ala-romantic restaurant ang kusina nila Camille. Napakaganda! Napakaromantic!
"Ahmmm... friend kain na kayo. tapos na kami ni Ramon. Sa sala naman kami ha!" Saad ni Camille na ngiting-ngiti habang papunta na sila ni Ramon sa sala.
Nang matapos akong alalayan ni Eduard sa pag-upo, umupo naman siya sa isang upuang katabi ko.
"Nagustuhan mo ba?" Tanong ni Eduard sa akin habang nililibot ko pa ang aking paningin sa buong paligid.
"Ikaw na naman ba ang may pakana nito?" Ngumiti lang si Eduard saka tumango.
"Napakaganda! Very romantic! Parang naging restaurant tuloy ang kusina nila Camille." Saad ko naman habang hinahain na niya ang pagkain namin sa plato.
"Hindi tayo pwedeng lumabas eh!" Nahampas ko sa balikat si Eduard.
"Kailangan ba talaga na tuwing magkikita tayo, isusurpresa mo ako?"
Nginitian lang ako ng nakakaloko ni Eduard. "Ang sarap kasi sa feeling kapag sinu-surprise kita at ang cute mo pa pagnasu-surprise."
"Paano na lang pala kung hindi tayo nagkaayos ngayon at nag-walk out ako? Masasayang lang ang effort nyo sa pag-aayos dito "
"Edi mas maganda! Kapag nalaman mo naman 'to, makokonsensya ka na naman tapos sasabihin mong babawi ka sa akin at baka sakaling maka-kiss na ako agad-agad!"
"Loko-loko!" Inirapan ko na lang siya.
"Mariel!" Napatingin ulit ako kay Eduard. Tapos na niyang ihain ang pagkain namin sa plato. "Mahal na mahal kita! Ako ba? Mahal mo ba ako?"
"Oo nga Eduard. Mahal kita!"
"Kung mahal mo ako, subuan mo ako." Parang batang paghahamon sa akin ni Eduard.
Agad naman akong sumandok ng pagkain. "Yun lang pala eh!" Nang akmang isusubo ko na sa kanya ang kutsara, hinawakan niya ang kamay ko na may hawak na kutsara at ibinalik sa plato.
"Joke lang!" Ngiting-ngiti ang mokong. Ang sarap batukan! I pouted my lips.
"Alin ang joke doon? Yung mahal mo ako o yung susubuan kita?" Natawa naman si Eduard sa tanong ko.
"Syempre yung subuan mo ako. Totoong mahal kita Mariel."
"Ah! Naninigurado lang ako. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala hanggang ngayon eh."
"Gusto mo ng kiss para maniwala ka na?"Nginitian pa ako ng nakakaloko ng mokong. Ano siya siniswerte?
"Nako! Kumain na tayo. Gutom lang 'yan."
Nang mga sandaling iyon ay naging napakasaya ko at alam kong ganoon din si Eduard. Oo naniniwala na kong mahal ako ng mokong na ito at pakiramdam ko, napakaswerte ko sa kanya. Ayaw ko pa sanang matapos ang mga sandaling ito. Mga sandaling masasabi kong nakaw lang namin dahil nagkita kami ng hindi alam ng mga magulang ko at alam kong ikakagalit nila kapag nalaman nila, kaya ayaw ko din talagang ipaalam sa kanila.
Napag-usapan namin ni Eduard na itago muna ang relasyon namin. Wala naman sigurong masama kung patago. Pero alam kung dadating din sa puntong malalaman at malalaman ng mga magulang ko ang tungkol dito at iyon ang ikinakatakot ko. Basta ang alam ko, hindi na ako mag-isa ngayong lalaban. Kasama ko na ngayon ang lalaking mahal ko na lalaban sa mga pagsubok na susubok sa aming pag-iibigan.
"Ipapahatid na lang kita kay Ramon." Wika ni Eduard nang matapos kaming magligpit ng pinagkainan namin kanina.
"Naku! Wag na! Kaya ko ang sarili ko. Kalapit-lapit lang eh."
"Hindi pwede. Madilim na oh! Kung pwede lang na ako na ang maghatid sa'yo eh, ginawa ko na. Kaso hindi eh. Kaya magpahatid ka na kay Ramon. Mahirap na baka may gwapong dumaan dyan eh agawin ka pa sa akin o kaya baka mauntog ka na lang at makalimutan mo na ako. May tiwala naman ako kay Ramon eh! Mas pogi naman ako doon." Pabulong na wika ni Eduard sa huli para hindi marinig ni Ramon ang sinabi niya.
"Sus! Ito naman nagseselos agad sa ibang gwapo." Pang-aasar ko pa kay Eduard. "Oh sige na po. Aalis na ako at magpapahatid kay Ramon. Bye na! I love you!"
"Teka! Wala bang goodbye kiss?" Kinindatan pa ako ng mokong! Aba! Kabago-bago pa lang namin eh. Batukan ko kaya 'to. Inirapan ko na lang siya.
"Eto naman! Humahaba agad ang nguso! Joke lang 'yon! I told you, gusto kong ituring kang mas espesyal kaysa ibang babae. I'll preserve the best of you. Mag-aantay ako sa tamang panahaon para sa kiss. I love you too Mariel!" Talaga naman! Daming alam ng mokong na 'to! Pero good boy! Marunong maghintay!
AUTHOR'S PAGE
Ayie!!!! Ayan na po ang inaantay niyo! Officially sila na pero hindi legal! Charot! Haha! Sana po magustuhan nyo!
Please VOTE and COMMEND any reaction or suggestion.
Happy reading!
BINABASA MO ANG
Worth Waiting Love (COMPLETED)
RomanceGood day writers and readers! ❤ feel free to read my story. Ginawa ko po itong mas makatotohanan at naaayon sa kasalukuyang ordinaryong buhay ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan para mas makarelate ang mga magbabasa. Di katulad ng mga nababasa k...