AFTER 2 WEEKS
EDUARD'S POV
2 weeks, 2 weeks of being inlove! Wew! 2 weeks nga lang ba? Masyado nang okupado ni Mariel ang isip at puso ko kaya ganoon na lang ang saya sa puso ko. Nandito pa rin ako sa Batangas dahil nga sa wala pa kaming maaasahang trabaho ngayong january. Anyway, yung naipon kong pera na inihahanda ko para sa pagtungtong ni Eunice sa college ay isinugal ko muna sa negosyo. Matagal pa naman bago mag-college ang kapatid ko. Nagtayo kami ng isang sari-sari store at sa kagandahang palad, kumikita naman ito at napakadaming bumibili sa amin.
Alas 5 na ng hapon. Kasalukuyan akong nandito sa kapitbahay namin. Binyag kasi nung anak ng kapitbahay namin at kinuha na naman akong ninong. Kasama ko ngayon si Philip at si Ramon na nakikipag-inuman sa iba pang bisita. Kaklaruhin ko lang, hindi naman ako lasingero. Umiinom lang ako kapag sobrang stress ako o kaya naman Kapag may handaang katulad ngayon at di ako makatanggi sa pang-aalok nila. Speaking of Philip, naiirita talaga ako sa kanya. Alam kong wala naman akong dapat ipagselos sa girlfriend ko dahil may tiwala ako sakanya pero kay Philip, arrrggghh! siya ang dapat na bantayan ko.Kanina pa kami nandito at sa tingin ko, medyo may tama na rin ako. nang biglang nag-ring ang phone ko. Si Mariel ang tumatawag. Wait! Hindi ko pa ba nasasabi sa inyong may cellphone pa ding gamit si Mariel dahil pinahiram sa kanya ni Camille ang phone niya. Yun nga lang, naging patago na rin ang paggamit niya ng phone.
Napatingin naman sa akin si Philip kaya iniwas ko ang aking tingin saka pumunta sa malayong pwesto kung saan hindi niya maririnig ang pag-uusapan namin ni Mariel.
"Hello mahal"
"Hello thart! Nasa binyagan ka pa rin ba?"
"Ahmm oo eh."
"Huh! Kanina ka pa dyan ah! Di pa rin tapos?"
"Actually kanina pa tapos."
"Great! Thart sunduin mo na ako dito sa bahay. Umalis si nanay at tatay. Lumuwas sila paMaynila at bukas pa ang uwi nila. Mag-isa lang ako dito sa bahay. And I think, eto na yung right time para mapakilala mo na ako sa nanay at kapatid mo." Bigla naman akong nakaramdam ng saya. Sa tingin ko, magkakaroon na naman kami ng kalayaan ni Mariel na makasama ang isa't-isa. Gustong-gusto ko mang ako muna ang magpakilala sa mga magulang ni Mariel bago ko siya ipakilala sa nanay ko pero hindi pwede dahil alam nyo na, very strict ang mga magulang ni Mariel and as far as I know, kilala na ako ng mga magulang niya at mainit ang dugo ng tatay niya sa akin.
Sa tingin ko, hindi ito ang perfect time. Nakainom ako pero sabik na sabik na ulit akong makita si Mariel at maipakilala siya kay nanay. "Okay mahal! Antayin mo ako dyan."
Matapos naming mag-usap ni Mariel, umuwi muna ako sa bahay namin. Ipinaalam ko na din kay nanay at kay Eunice na susunduin ko si Mariel para maipakilala ko na din siya sa kanila. Yun naman ang gusto nila. Makilala ang isa't-isa. Hindi lang kami makahanap ng magandang timing ni Mariel.
"Behave Eunice ha! Huwag kang mag-alala, magkakasundo kayo ng ate Mariel mo." Paalala ko kay Eunice bago ako umalis.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - -MARIEL'S POV
"Thart? Nakainom ka?" Bungad ko kay Eduard matapos ko siyang pagbuksan ng gate nang maamoy ko kaagad na amoy alak siya.
Napakamot na lang siya sa ulo sabay nginitian ako ng sorry na mahal wag ka nang magalit smile. "Nagkayayaan mahal eh." Paliwanag niya. nang makapasok na kami sa bahay saka ko siya sinagot uli mahirap na, baka may mga mata at tenga na naman ng mga tsismosa na nakatune-in sa amin eh.
"Oh! Hindi ka naman tumanggi!" Mataray ko namang saad dito.
"Tumanggi naman ako mahal! Sa isip ko lang." nadagdagan pa ang inis ko dahil sa sinabi niya. Mukhang may tama na talaga ng alak.
"Ano?! Are you kiddin..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong hinapit sa aking bewang para maglapit ang aming mga mukha at siniil ako ng halik.
OMG! Eto ang first kiss namin! Saglit akong natigilan dahil sa gulat ko sa ginawa niya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pero hindi ko magawang magalit dahil sa paghalik niya sa akin sa halip ay namalayan ko na lang ang aking sarili na gumaganti din sa kanyang halik. I love this man so much!
Grabe! Ganito ba siya pagnakainom? Kanina lang ay inis na inis ako sa kanya pero ngayon, nadadala ako ng mga halik niya. Pero in fairness! Mukhang expert na siya sa paghalik samantalang ako, baguhan lang kaya kung ano ang ginagawa niya sa akin ay 'yon din naman ang ginagawa ko sa kanya.
Naputol na lang ang aming halikan ng pareho na kaming makaramdam na mauubusan na ng hangin. Pareho kaming hingal na hingal nang matapos kaming maghalikan.
"Sorry na mahal!" Nakangiting sabi niya. Hindi na ako makapagsalita dahil sa hiya ko. Bakit ba? First time ko nga eh diba!
"Don't you like it mahal?" Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya nang hawakan niya ang aking pisngi.
"A-ano bang sinasabi mo dyan?" ramdam kong pinamumulahan na ako ngayon ng pisngi,
"You're blushing!" Nginitian pa ako ng nakakaloko ni Eduard.
"Hay naku! Kukunin ko na nga ang gamit ko para makaalis na tayo. Sayang ang oras oh." Agad na akong pumunta sa kwarto ko para kunin ang gamit ko.
Nang paalis na kami, di ko na naman maiwasang mainis.
"Gosh! Huwag mong sabihing magmomotor tayo."
"Bakit mahal? May problema ba?"
"Akala ko magtatricycle tayo. Paano kung matsismis tayo kapag nakita nilang nakaangkas ako sa motor mo tsaka kaya mo pa bang mag-drive?"
"Don't worry! Nakarating nga ako dito ng ligtas diba?"
Hay naku! Kung makikipagtalo pa ako sa kanya, masasayang lang ang oras namin. Bahala na. Sana lang makarating kami ng ligtas sa bahay nila.
BINABASA MO ANG
Worth Waiting Love (COMPLETED)
RomanceGood day writers and readers! ❤ feel free to read my story. Ginawa ko po itong mas makatotohanan at naaayon sa kasalukuyang ordinaryong buhay ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan para mas makarelate ang mga magbabasa. Di katulad ng mga nababasa k...