Chapter 23

643 14 1
                                    


MARIEL'S POV

          Kanina, hinatid pa kami ni Eduard sa sasakyan naming tricycle dahil ang bibigat ng mga pinamili namin. Nakakakilig lang! Parang kahit papano, naranasan naming maging malaya. Yung kahit nandyan si nanay eh, okay lang na magkasama kami ni Eduard. Pero syempre hindi kami nagpapahalata tsaka pabulong lang yung ibang usapan namin. 

          Pagdating namin ni nanay sa bahay, sakto namang paalis si tatay. Mag-aarkila daw siya ng videoke para sa mga bisita namin mamaya at aantayin na lang din daw niya ang mga bisita sa lugar kung saan sila magkikita.

          "Kumain na ho ba kayo tay?" 

          "Oo nak! Baka abutin na rin kasi ng hapon bago ko sila masundo."

          Maya-maya ay tuluyan nang umalis si tatay. Kami naman ni nanay ay naghanda na sa pagluluto para may makain na ang mga bisita namin pagdating. 

          "Nak! Kamusta na kayo ni Eduard?" Tanong ni nanay na naging dahilan ng pagkagulat ko. 

          Paano niya nakilala si Eduard? I mean, parang close sila huh. Hindi ko tuloy alam ang isasagot sa tanong ni nanay.

          "Ahm.... O-okay naman po nay. Bakit nyo ho natanong?"

          "Naalala mo ba nung birthday mo anak? Nakuha ni Eduard ang atensyon ko dahil nakita kong ang kasipagan at pagiging responsable niya. Pagkatapos nilang mag-ayos ng kwarto mo, pumunta naman siya sa kusina para dito naman tumulong. Magaling siya sa kusina anak! Ganoon ang mga tipo kong lalaki." Natatawa tuloy ako sa sinabi ni nanay.

          "Si nanay talaga! Edi kung ligawan kayo nun, sasagutin nyo agad-agad?"

         "Abay! Agawin niya muna ako sa tatay mo." nagtawanan nalang kami ni nanay sa biro niya. "Nililigawan ka ba niya anak?"

          "ho?" nagulat na naman ako sa tanong ni nanay. Hindi ako handa sa mga tanong niya.

          "Anak Mukhang may gusto 'yun sa'yo. Abay magpakipot ka naman muna anak bago mo sagutin." Nakangiti pa si nanay habang inuumpisahan niya na ang pagluluto.

          "Bakit nay? Kapag ba niligawan ako nun, boto po ba kayo?" Panghuhuli ko din kay nanay.

          "Kung ako ang tatanungin, oo pero naku! Mag-aral ka muna anak. Para hindi magalit ang tatay mo." Iyon na nga ba ang sinasabi ko eh. Bakit? Kaya ko namang pagsabayin ang pag-aaral at pakikipag-relasyon gaya ng iba ah.

          Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng pananakit sa ulo ko ngunit di ko na lang pinansin 'yon. Nang magvibrate ang phone ko, agad ko itong kinuha.

          "Mahal ko magtanghalian ka na." si Eduard 'yon.

          "Oo thart. Mamaya kapag natapos na kaming magluto ni nanay." 

          Habang nagluluto kami ni nanay ay nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan habang magkatext din kami ni Eduard. Pero biglang nag-iba ang mood ko sa huling text niya.

          "Thart nandito si Nicole. Kasama niya ang mama niya. Magkaibigan kasi ang mga nanay namin eh." Aray! Ganito pala yung pakiramdam ng nagseselos. Mabuti pa si Nicole, kasama ang boyfriend ko. And take note! Magkaibigan pa ang nanay nila. Kaya pala ganoon na lang kung magselos si Eduard kay Philip. Pero magkaiba kami. Oo, magkaibigan din ang mga magulang namin ni Philip pero si Nicole at si Eduard, dati silang magkarelasyon at si Nicole pa ang unang babaeng minahal ng todo ni Eduard. Tapos ngayon, magkasama sila! Jusko!

          "Ah ganun ba? Okay." Iyon na lamang ang nireply ko.

         "Galit ka ba? Huwag ka nang magalit mahal. Kaya nga ipinaalam ko sa'yo diba? Wait lang mahal ko ha. May aasikasuhin lang ako."

          "Matutulog muna ako. Sobrang sakit ng ulo ko." Pag-iiba ko sa usapan. 

          "Sige! I-enjoy nyo ang time nyo together ha! Aasikasuhin pala ha!" Bulong ko sa isip ko. Nagpatuloy lang kami ni nanay sa pagluluto. Lagi ko namang hinihintay ang reply ng mokong pero isang oras na ang nakalipas ay wala pa rin siyang reply. 

          Arrrgggh! Nakakainis! Mukhang nag-eenjoy talaga ang dalawa ah! Maya-maya nag desisyon kami ni nanay na kumain na ng tanghalian. Nang mahuli ako ni nanay sa pagsambunot ko sa sarili ko, nalaman niyang napakasakit na ng ulo ko kaya sinabi niyang matulog na daw muna ako para makapagpahinga.

           Bago ako matulog, ilang ulit ko pang tiningnan ang phone ko para malaman kung nagreply na ba si Eduard. Pero lalo lang akong naiinis dahil wala pa rin siyang reply. 

          "Ano naman kayang klaseng pag-aasikaso ang ginawa niya at di na niya magawang magreply?" Naiinis kong wika sa sarili. Inilapag ko na lang ang phone ko sa ulunan ko at saka tuluyan nang natulog.

Worth Waiting Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon