MARIEL'S POV
<<<<<<FLASHBACk>>>>>>
Kanina nang matapos akong kumanta, naglalakad na ako pabalik ng backstage.
Habang naglalakad na ako papalapit kay Eduard, nakita kong may kausap siyang mga lalaki at mukhang tuwang-tuwa sila habang nag-uusap. Saglit lang 'yon at nang mapabaling sa akin ang tingin ni Eduard, mababanaag sa kanyang mga mata at sa kanyang mukha ang labis na kamanghaan at kagalakan. Ngiting-ngiti itong lumapit sa akin.
"Mariel! Napakagaling mo!" Tuwang-tuwang bati nito sabay di mapigilang napapalakpak pa ito.
"Ano ka ba? Napaka bolero mo!" Napatingin ako sa mga lalaking kausap ni Eduard kanina at nakatingin din sila sa akin habang nakangiti.
"Sino sila? Mga kaibigan mo?" Tanong ko kay Eduard.
"A... oo. Nakita nila ako kanina kaya pinuntahan nila ako dito. At manghang-mangha sila sa galing mong kumanta." Napangiti na lang ako sa sinabing 'yon ni Eduard.
"Tara! Maghanap muna tayo ng upuan para makaupo ka na."
Sinundan ko na lang si Eduard. Habang kami ay naglalakad, napansin ko pa din ang mga babaeng iba kung makatingin at ngiti kay Eduard. Hindi naman ako nakaiwas sa mga pangbubuska ng aking mga kaklase. Lalo na sa kaklase kong bakla na nag-sabi pang, "hoy Mariel! ang yummy naman nyang kasama mo. Baka naman ipakilala mo pa kami o kahit ako nalang ang ipakilala mo." Sabay tawanan naman ng mga kaklase ko.
<<<<<END OF FLASHBACk>>>>>
Bandang alas 11 ay natapos na ang programa. Naging abala na ang mga estudyante sa pagpapalit ng kanilang suot na damit at pag-wawarm up.
Samantalang kami ni Eduard, matapos naming makipagsiksikan sa cr ng mga girls at boys para makapagpalit ng damit, heto kami ngayon, naglalakad. Ilang beses nya na akong niyayang kumain para magtanghalian pero hindi niya ako mapilit dahil ayaw ko talaga at wala akong ganang kumain. Nang makakita siya ng isang bench, agad nya itong tinuro.
"Ayun oh! Dun tayo."
Nilapitan namin yung bench. Nakaupo na ako ngunit natigilan si Eduard ng may tumawag sa kanya mula sa kanyang likuran. Hinarap niya ito.
"Eduard Hijo kamusta ka na at ang nanay mo? kelan mo balak mag-aral ulit?" Kilala ko na kung sino ang tumawag kay Eduard. Iyon ay si Mrs. Reyes ang nanay ng schoolmate ko na si Nicole. Ngunit mukhang di niya ako napapansin na nakaupo na sa bench.
"Okay lang naman ho ako. Hindi ko pa ho alam kung kelan ako mag-aaral uli. Alam nyo naman ho ang kalagayan ni nanay. Kailangang kailangan ko pa pong masustentohan ang mga gastusin namin at ang mga gamot ni nanay,"
"Oo nga iho. Kailangang kailangan ka ng nanay mo. Hayaan mo, sabihin mo sa kanya na dadalawin ko siya sa bahay nyo."
"Opo mommy! Sasabihin ko po sa kanya. Naku! Siguradong matutuwa 'yon." Nag-ngitian lang ang dalawa, sabay may naitanong si Eduard kay Mrs. Reyes.
"Sha nga po pala, kamusta na ho si......" saglit na natigilan si Eduard "si Nicole?"
"Ayun! Nagkukulong na naman sa kwarto. Hindi na umattend ngayon dahil mukhang masama pa rin ang loob niya dahil dun sa loko-lokong boyfriend niya. Naku! Dapat kasi iho ikaw nalang ang pinili ng anak ko eh. Tsssk!!!!"
BINABASA MO ANG
Worth Waiting Love (COMPLETED)
RomanceGood day writers and readers! ❤ feel free to read my story. Ginawa ko po itong mas makatotohanan at naaayon sa kasalukuyang ordinaryong buhay ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan para mas makarelate ang mga magbabasa. Di katulad ng mga nababasa k...