Kanina pa ako nagpapaikot-ikot dito sa isang kwarto sa ospital kung saan naroroon si Mariel. Pinapasok na ako ng doktor kanina habang inaantay pa daw nila ang mga resulta ng mga ginawa nilang tests kay Mariel.Marahan kong tingnan si Mariel na parang mahimbing lang na natutulog. Sa wakas ay tumigil na rin sa panginginig ang buong katawan niya. Pero lalong nadudurog ang puso ko sa tuwing nakikita ko ang kalagayan niya ngayon. Ako ang dahilan kung bakit siya nandito ngayon sa ospital.
Jusko! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.
Dahil sa matinding emosyong nararamdaman ko ngayon, pinagsusuntok ko ang pader at hindi ininda ang mga sugat na natatamo ko. Hanggang sa sumandal ako sa pader at naupo sa sahig habang lumuluha.
Paano ko na naman lulusutan ang pagsubok na ito sa relasyon namin ni Mariel? Kung kailan nagpapakatino na ako. Kung kailan nakahanap na ako ng babaeng mamahalin ko ng lubos at totoo, saka naman nangyari to! Karma ko na ba ito dahil sa panloloko ko sa mga babaeng dumaan sa buhay ko?
Jusko! Huwag nyo naman po sanang idamay si Mariel dahil sa mga kalokohang ginawa ko.
Ilang sandali pa akong lumuha dahil sa kasalukuyang sitwasyon ko ngayon. Nasa ganoong kalagayan ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Philip na nanlilisik ang mga mata.
Agad niya akong kinwelyuhan at pinatayo.
"Anong katar*ntad*han ang ginawa mo kay Mariel?!!!"
"Philip! Philip hindi ko sinasadya!"
"Akala mo ba hindi ko alam na sinundo mo si Mariel kahapon? Pinaubaya ko siya sayo! Hinayaan ko kayo! Pero anong ginawa mo ngayon? Ha! Kapag may nangyaring masama kay Mariel, tandaan mo! Malilintikan ka sa akin!"
Lalong nag-init ang ulo ko kay Philip. Hindi ko na naalalang nasa hospital kami at nandoon si Mariel na nasa higaan. Nang makawala ako sa pagkakahawak ni Philip ay agad ko siyang sinagot. "Akala mo kung sino ka! Nagmamalinis ka pa! Para sabihin ko sa'yo, matagal na naming alam ni Mariel ang ginagawa mong pakikipagsabwatan sa tatay niya para paghiwalayin kami! Hindi mo ba napapansin? Galit na galit siya sa'yo!"
Halata naman ang pagkagulat sa mukha ni Philip. "Alam mo, kung ako sa'yo, mag-iisip na ako kung anong paliwanag ang sasabihin ko mamaya dahil parating na dito ang mga magulang ni Mariel. Alam na nilang nandito si Mariel ngayon sa hospital."
What the! Kung makaasta si Philip, daig pa ang madaldal na babae at batang sumbungera! Susunggaban ko na sana siya ng marinig naming magsalita si Mariel.
"Ph-philip?" Nanghihinang usal ni Mariel.
"Mariel!" Tawag ko. Agad naman kaming lumapit ni Philip sa kanya pero pinigilan ako ni Philip.
"Huwag na huwag kang magtatangkang lapitan si Mariel!" Malakas na pagbabanta sa akin ni Philip.
Wala na akong magawa kundi tingnan na lang mula sa malayo si Mariel. "Mariel I'm sorry!"
Iniwas lamang ni Mariel ang tingin niya sa akin at ibinaling ang kanyang ulo sa gilid niya. "Umalis ka na!" Salitang mula kay Mariel na unti-unting dumudurog sa puso ko.
"Mariel mahal na mahal kita!"
"Sinabi nang umalis ka na eh!" Malakas na sigaw ni Mariel habang lumuluha. Halata sa kanyang boses ang kanyang panghihina ngunit pinilit niya pa ding sumigaw.
"Hindi mo ba narinig o sadyang hindi ka nakakaintindi. Pinapaalis ka na oh!" Saad naman ni Philip nang hindi pa din ako umaalis sa kinatatayuan ko.
Hindi ko magawang umalis. Hindi ko kayang iwan ang mahal ko. Maya-maya ay pinagtulakan na ako ni Phlip palabas ng kwarto.
Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. Umupo na lang ako sa isang upuan sa labas ng kwarto ni Mariel at isinubsob ang aking mukha sa aking mga palad.
Sobrang sakit para sa akin na dati pinapangarap namin ni Mariel na magkasama pero ngayon, pinagtutulakan niya ako palayo sa kanya. At yung lalaking pinagseselosan ko, hinayaan niyang sila ang magkasama ngayon! Masisiraan na yata ako ng bait dahil sa mga pangyayari.
Maya-maya pa, isang malakas na suntok ang dumapo sa akin dahilan upang bumulagta ako sa sahig at mamilipit sa sobrang sakit. Nasundan pa ito ng ilan pang malalakas na suntok at sipa.
"Jusko! Greg!" Sigaw ni Glenda, ang nanay ni Mariel habang pinipigil ang muling pagsugod sa akin ni Greg, ang tatay ni Mariel.
"Hindi ba binalaan na kita noon?! Ang kapal din naman ng mukha mong suwayin ako at pormahan ang anak ko! Sinasabi ko na nga ba, unang-una pa lang mukhang hinding-hindi ka na mapagkakatiwalaan. Manang-mana ka sa ama mo!" Sigaw sa akin ni Greg.
Saglit naman akong nagtaka sa huling sinabi niya. Kilala niya ang tatay ko? Lumuhod ako sa harapan niya. "I-i'm sorry po talaga. Hindi ko naman po intensyong..."
"Sorry? Walang magagawa ang sorry mo! K.ulang pa yang ginawa ko sa'yo!"
"Eduard hijo please! Umalis ka na lang muna para walang gulo." pagmamakaawa naman sa akin ni Glenda habang pinipigilan ang asawang nagpupumilit na naman akong lapitan para saktan.
Wala na akong magawa kundi lisanin ang lugar na 'yon ng luhaan, duguan at durog ang puso. Habang naglalakad ako, pakiramdam ko ay lumulutang lang ako sa hangin. Wala ako sa sarili ko dahil sa dami ng mga nangyari. Gusto ko nang kitilin ang sarili kong buhay sa mga panahong ito. Wala na akong makitang pag-asa na magkakaayos pa kami ni Mariel.
Hi readers! Salamat po sa suporta ninyong lahat!
Keep on voting
#iPAHINAsyon
BINABASA MO ANG
Worth Waiting Love (COMPLETED)
Roman d'amourGood day writers and readers! ❤ feel free to read my story. Ginawa ko po itong mas makatotohanan at naaayon sa kasalukuyang ordinaryong buhay ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan para mas makarelate ang mga magbabasa. Di katulad ng mga nababasa k...