Chapter 9

873 28 0
                                    

     Napagkasunduan ng mga bisita na magkaroon sila ng isang program kung saan kailangang magbigay ng mensahe ang lahat para kay Mariel!.

     "Ooops! Ano ba 'yan! Bakit kailangang lahat pa!" wika ni Eduard sa kanyang sarili. Dahil doon, mapagdesisyunan niyang palihim na umalis sa kinaroroonan at magtago na lamang sa labas ng bintana at makinig sa programa. Nang makalipat na siya ng pwesto kung saan wala namang nakakakita sa kanya, kitang-kita naman niya si Mariel sa kinaroroonan nito at natutuwa si Eduard na pagmasdan ang dalaga. "Napakaganda talaga ni Mariel. Lalo pa siyang gumaganda kapag nakangiti."

     Unang nagbigay ng mensahe si Glenda sa kanyang anak. "Anak happy birthday! Sana maging masaya ka ngayong birthday mo. Anak pinlano talaga namin ng tatay mo at ni Philip ang event na 'to kasi.... " unti-unti nang napapaluha si Glenda. "Kahit na.... hindi naging maganda ang findings ng doktor sayo nung huling check up naten, Gusto pa rin naming patuloy kang maging masaya. Huwag mong iwawala yung masayahing Mariel."

     "Nay!!!!" Pagpigil ni Mariel sa inang umiiyak, ngunit ipinagpatuloy pa rin ni Glenda ang kanyang mensahe hanggang matapos ito.

     Gulong-gulo naman at gulat na gulat si Eduard sa mga nalaman at narinig niya, May brain tumor pala si Mariel at lumalala na ito. Sumunod na nagbigay ng mensahe si Greg, ang ama ni Mariel.

     "Unang-una anak, gusto ko munang itanong kung sino ba yung ed? Yung slice kasi ng cake na kinain ko kanina, may nakasulat pang from ed." Pabirong wika ni Greg sa anak at nagtawanan naman ang lahat. Lihim namang napapangiti si Eduard habang pinapanuod ang lahat ng mga nangyayari.

    "Hindi anak! Pinapatawa lang kita. Ayaw nga namin ng nanay mo na malungkot ka. Pero ito namang nanay mo, pang-MMK ang mga banat eh!" Hinampas ni Glenda ang braso ni Greg at nagtawanan na naman sila. Saka inumpisahan na ni Greg ang sasabihin.

     Nang si Philip na ang magmemensahe para kay Mariel, para bang nakaramdam si Eduard ng kairitahan at dahil doon ay umalis muna siya at pumunta sa lugar na hindi niya maririnig ang mga sinasabi ni Philip. "Arrrgggh!!!! Ano bang nangyayari sa'yo Eduard? Ang weird!"

     Bandang mga alas 7 nang makita ni Eduard na naghahanda na ang mga tao para kumain, bumalik na siya sa loob ng bahay nila Mariel. Sa likod ng kusina siya dumaan upang di mapansin ni Mariel.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - -

     "Mar......" hindi na naituloy ni Eduard ang pagtawag kay Mariel na kasalukuyang nakatayo sa likod ng mga bisitang abala sa pagkuha ng pagkain sa bilog na lamesa. Aabutan sana niya ito ng plato, kutsara at tinidor upang makakain na ito dahil nagkakagulo na ang mga tao sa pagkuha ng pagkain at nagsisiksikan na ang mga ito. Ngunit kasabay ng pagtawag ni Eduard sa pangalan ni Mariel, nagsalita din naman si Philip at sinabing "Oy kain kayo ng kain! Yung birthday girl hindi pa nakakakain." Sabay abot ng plato, kutsara at tinidor kay Mariel. Malakas ang pagkakasabi ni Philip kaya malamang hindi narinig at di napansin ni Mariel si Eduard,.

     Napatingin na lang si Eduard kay Philip. Mukhang di rin naman nito napansin na nandun din pala siya. Pero minabuti nalang niyang manatili sa likod ng kusina para mag asikaso ulit ng mga iniinit na pagkain, maghain pa ng mga ulam at paghugas ng mga pinag-kainan.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - -

     Habang abala pa din sa pagkain ang iba, nagkayayaan namang tumambay sa tambayang nasa bakuran nila Mariel sila Camille, Mariel, Philip at Ramon. Masaya silang nagkukwentuhan at nagkakatawanan doon habang si Eduard, lihim nalang na nakamasid sa kanila.

     "Hindi na muna siguro ako magpapakita kay Mariel. Masyado pa siyang abala. Hays!" Nagtatampong wika ni Eduard habang nakatanaw sa napakagandang si Mariel. Ngunit nakuha ang atensyon ni Eduard ng may marinig siyang umiiyak na babae. Nang lingunin niya ito, nakita niya nga ang isang babaeng pamilyar sa kanya ang mukha na nakatayo di kalayuan mula sa kanyang pinagtataguan. Hawak nito ang cellphone habang may kausap sa kabilang linya at umiiyak.

     "Yun ba talaga ang gusto mo? Okay fine! Magmula ngayon, di mo na talaga ako makikita dahil ito na ang huling gabi ko." Sobrang napahagulgol na ang babae at dahil di na niya mapigil ang luha, di na nito nagawang magpaalam kay Mariel. Dali-dali na itong tumakbo papalabas ng bakuran.

     Napansin naman ito ni Mariel. "Si Nicole ba yun? Naku! Mukhang nag-away na naman sila ng boyfriend niya." Wika ni Mariel sa sarili. Ngunit nakita niya pa ang isang lalaking tumakbo at mukhang hinahabol si Nicole. Sa bilis ng pagtakbo ng lalaki, di na ito namukhaan pa ni Mariel.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - -

     "Nicole wait!" Pigil ni Eduard sa hinahabol niyang babae. Nang huminto ang nga ito, nagpunas muna ito ng luha sa mata at pagkatapos ay hinarap ang kung sinumang humahabol sa kanya.

     "Eduard?" Gulat na sabi ni Nicole.

     "Nicole bakit ka umiiyak? Huwag ka nang umiyak. Alam mo bang mas lalo ka pang gumanda ngayon." Pag-alo ni Eduard.

     "Of course Eduard. I should! Hindi ko naman pwedeng hayaan ang sarili kong pumangit ng pumangit. Wait nga bakit ka ba nandito? At bakit mo ako hinahabol?" usisa ni Nicole.

     "Sorry pero narinig ko ang mga sinabi mo kanina sa kausap mo at nag-aalala ako sa'yo, sa binabalak mo." Pagpapaliwanag naman ni Eduard.

     "And so? Hayaan mo na ako! Tutal wala naman nang silbi ang buiay ko eh!" Patakbo na sana ulit ito ng hawakan siya ni Eduard sa braso.

     "Nicole bakit mo kasi ako ipinagpalit sa lalaking...."

     "Tama na Eduard pwede ba! Matagal nang panahon 'yon! Pabayaan mo na lang akong mamatay!"

     "Tama! Matagal na ngang panahon 'yon! Napakatagal na mula noong iniwan at pinagpalit mo ako sa lalaking yan na naging dahilan ngayon kung bakit gusto mong magpakamatay. Napakasakit nun Nicole! At ayaw kong maranasan mo rin kung anong naranasan ko. Ayokong mapariwara ang buhay mo!" Linya ni Eduard habang pinipigilan pa rin ang gustong kumawalang si Nicole.

     Pinangaralan at binantayan ito ni Eduard dahil baka gawin nga nito ang binabalak. Hanggang sa kumalma na si Nicole at tuluyan na lang idinaan sa hagulgol ang matinding emosyong nadarama nya. Minabuti namang inihatid na lang ni Eduard si Nicole sa kanilang nito.

  Si Nicole na kauuna-unahang babaeng minahal niya noon. Minahal niya ito ng sobra sobra kaya ganun na lamang ang respeto at pagiging tapat niya kay Nicole. Ngunit sa isang iglap, nakipaighiwalay si Nicole sa kanya at nabalitaan na lamang niyang may iba na ito lalaki. Iyon ang naging dahilan kung bakit hindi na nagpapaka-seryoso si Eduard sa mga babae,

P.S. DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! Pangpa-inspire lang for the next update. Thanks!
Happy reading! :-)

Worth Waiting Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon