Chapter 36

668 14 1
                                    

MARIEL'S POV

AFTER 1 YEAR AND 11 MONTHS

          Madaming bagay ang nangyari sa loob ng halos dalawang taon.

          Halos dalawang linggo akong nanatili nun sa ospital pagkatapos naming maghiwalay ni Eduard. Nung mga huling araw ko sa ospital, namomroblema na kami dahil ang laki na ng babayaran namin at wala kaming mapagkuhanan ng mapangbabayad. Sa kagandahang palad, isang araw nagulat na lang kami nang sabihin ng nurse sa amin na fully paid na daw kami at ayaw magpakilala ng taong 'yon na nagbayad para sa amin. Pero kung sinuman siya, napakalaki ng pasasalamat ko sa kanya.

          Nung makalabas na ako ng ospital, sobrang nanibago ako. Unang-una, dahil wala na kami ni Eduard at pangalawa, galit pa rin ang tatay ko sa akin. Hindi niya ako pinapansin na parang wala siyang nakikitang Mariel sa paligid. Si nanay naman, palagi akong dinadamayan at sinasabihang intindihin ko na lang si tatay.

          Mga ilang buwan pa ang lumipas, biglang dumating ang ate ko kasama ang asawa niya at ang cute na anak niyang si baby Nathaniel. Nakunan pala si ate sa unang anak niya dahil daw sa sobrang stress. Pero ito ngayon, may 3 years old baby na ulit siya.

          Habang nilalaro ko si baby Nathaniel, nag-usap naman si nanay, tatay, si ate at ang asawa niya sa kusina.

          "'You're my auntie Mariel right?" Tanong sakin ni Nathaniel. Nagulat na lang ako dahil may pagka-englishero pala ang pamangkin ko.

          "Yeah baby and you are Nathaniel right? So can I call you Natnat!"

          "Oh! Auntie it sounds good! Sure!" Ngiting-ngiti ang bata na nakapagpagaan ng loob ko.

          "Aunt, where is my lolo and lola? Bakit hindi ko po sila nakikita? Does it mean, they don't love me?"

          "Baby don't think like that okay! Let's just wait. Mamaya, lolo and lola will be happy to see you and will hug you very thight cause they love you so much!" nagtatalon naman sa tuwa si Natnat dahil sa sinabi ko. Napakabibo niya talaga.

          ilang sigawan pa ang narinig ko mula sa kusina pero nilaro ko nalang si Natnat para hindi niya ito mapansin.

          Maya-maya pa, nagulat na lang ako nang dumating na sila nanay, tatay, ate at si kuya Erick sa sala. At nang mapansin ni Natnat sila nanay at tatay, bigla nalang siyang tumakbo at mukhang siguradong-sigurado siyang yun nga ang lolo at lola niya. Agad namang kinarga ni tatay si Natnat. Nakita ko ang matamis na ngiti ni tatay. Ngiti na nakikita ko lang noong bata pa kami ni ate. Napansin ko na lang na tumutulotna ang mga luha naming lahat.

          "Hey lolo and lola why are you crying? Aren't you happy to see me?" Nagtatakang tanong ng bibong si Natnat habang pinapahid ang luha sa mata ng lolo niya.

          "Hindi apo. Napakasaya nga ni lolo at lola dahil nakita na namin ang napakagwapo naming apo. Manang-mana ka pala kay lolo."

          "Yeah lolo! I think we have the same eyes! We're like kambal." Napangiti na lang kami sa kadaldalan ni Natnat.

          "Ganon? Eh paano naman ang lola?" Tanong ni nanay.

          "Oh lola! You have the same nose with mom! I think she is your kambal!" Nagtawanan na lang kami sa sinabi ni Natnat.

          Nakaramdam ako ng kasayahan ngayon dahil sa nakikita kong okay na sila ate at si tatay. Napagpasyahan nilang dito muna titira sa amin si Natnat. Lagi daw kasi niyang hinahanap ang lolo at lola niya. Si ate naman at si kuya Erick ay may trabaho sa Maynila kaya umuuwi lang sila ditn tuwing sabado ng gabi at aalis ulit kapag lunes na ng madaling araw.

          Simula nang dumating dito si Natnat, ay naging masayahin na si tatay at ramdam ko ang saya palagi sa bahay namin. Pinapansin na rin ako ni tatay pero hindi namin napag-uusapan yung tungkol sa lovelife ko.

          Ilang buwan pa ang nakalipas, sa wakas ay nakagraduate na ako. Si Philip naman ay walang tigil sa pangungulit sa akin kung kelan ko daw siya sasagutin kahit sinabihan ko siyang hindi pa talaga ako handang pumasok sa ganyang relasyon ngayon matapos ng naranasan ko kay Eduard.

          Speaking of Eduard, december na naman ngayon. Nakita ko si Eduard nung December last year. Saktong anniversary sana namin noon kung hindi kami naghiwalay. Nagsimba ako tapos nakita ko siya sa likod ng simbahan dahil  iyak ng iyak yung karga niyang baby. Naiinitan siguro. Hindi ko na siya matitigan ng matagal dahil sobrang sakit para sa akin na yung lalaking mahal ko, ayun tatay na at wala na kaming pag-asa. Pero kahit ilang sandali ko lang siyang tiningnan, nakita ko pa rin ang pagiging responsable niya. Karga-karga niya ang baby at pinapatahan ito habang ang kabilang kamay naman ay hirap na hirap sa pagtitimpla ng gatas. Nagtataka lang ako dahil mukhang wala ang asawa niya. Siguro, nagpunta lang sa banyo saglit.

          Matapos ng paghihiwalay namin sa ospital ay wala na akong naging balita sa kanya hanggang ngayon. Ito na sana ang pangalawang anniversary namin. Hays! Bakit ba kasi hanggang ngayon ay nagbibilang pa din ako ng buwan. Hindi ko mapigilan ang sarili kong masaktan kapag naaalala ko ang tungkol sa amin ni Eduard.

Worth Waiting Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon