Chapter 44

675 14 0
                                    

MARIEL'S POV

          "Philip? Nandito ka pala!" Nginitian lang ako ng nakakaloko ni Philip.

         "Kailan ba nawala ang mga magulang ko sa birthday ng tatay mo at kelan ba ako hindi sumama sa kanila kapag pupunta sila dito." Wika ni Philip na mukhang lasing na.

         "Oy Mariel! Baka magselos ang boyfriend mo kay Philip ha!" Sita ng isang pinsan ko. Iyon din ang iniisip ko kaya kanina pa ako napapatingin kay Eduard na mukhang iba na ang awra ng mukha dahil sa nakikita niya. Ilang beses ko nang pinaalis si Philip ngunit ayaw niya talaga. Lasing na siya at natakot naman akong baka umeksena pa ito kapag pinagtulakan ko siyang umalis at nahihiya ako sa mga bisita namin kung mangyari 'yon kaya hinayaan ko na lang siya at nagpatuloy lang ako sa pakikipagkwentuhan sa mga pinsan ko.

          Ilang sandali pa, naramdaman ko na ang pag-akbay sa akin ni Philip.

          "Philip ano ba!" pagsita ko sa kanya.

          "Hoy Philip hindi ka na nahiya may boyfriend na si Mariel noh at nandyan siya ngayon." Sita naman ng pinsan ko. Kilala na nila si Philip dahil nga bata pa lang kami ay lagi na kaming magkasama ni Philip,

          "Kailan mo lang ulit nakita yung lalaking 'yan tapos sinagot mo na agad samantalang ako, ilang taon akong nag-antay at nanligaw sayo pero hindi mo man lang ako sinagot! Mariel I love you!" mas lalo pang hinigpitan ni Philip ang pagkakaakbay sa akin. Akbay na parang nauuwi na sa yakap. Akmang hahalikan pa ako sa pisngi pero inilayo ko ang mukha ko sa kanya.

          "Ano ba Philip! Lasing ka na!" inawat na rin siya ng mga pinsan ko at nang malaya akong makatayo, nagpaalam na lang ako sa mga pinsan ko. "Pupunta na lang muna ako sa kwarto. Mag-iimpake pa ako ng mga gamit ko."

           Habang naglalakad na ako papunta sa bahay, ramdam kong sinusundan ako ni Philip kaya mas binilisan ko ang paglakad. Nang malapit na ako sa kinaroroonan nila tatay dahil doon malapit ang pintuan papasok sa bahay namin, saka lang napansin ng tatay ko si Philip na nakatayo sa likod ko.

          "Oh Philip! Napadpad ka na pala doon. Hindi ko man lang napansin. Tara na tumagay ka na ulit."

           Parang natauhan naman si Philip nang punahin siya ni tatay at parang nakahinga naman ako ng maluwag. Bago ako tuluyang makapasok sa bahay, nilingon ko muna si Eduard na titig na titig kay Philip at mukhang galit na galit. Nakakatakot pala magalit ang boyfriend ko. Hitsura pa lang yan! Maya-maya ay lumingon siya sa akin at dumiretso na ako papasok ng bahay. Ramdam ko ang mga mata ni Eduard na nakasunod lang sa akin hanggang sa tuluyan na akong makapasok sa bahay.

          Nag-impake na nga ako ng mga gamit ko dahil bukas, luluwas na kami ni Camille sa Maynila. Nakahanap na kasi kami ng trabaho at ng dorm doon.

EDUARD'S POV

          Kung kanina ay masaya pa akong nakikipagkwentuhan sa mga kainuman ko, ngayon ay tahimik na ako nang dumating si Philip kasama ang mga magulang niya.

          "Uy pare! Andito ka pala! Hindi ka ba naligaw ng bahay?" bati ni Philip na mukhang sinasadyang painitin ang ulo ko.

          "Sila na ni Mariel!" Saad naman ni tatay Greg. Natutuwa ako sa kung paano ko naramdamang tanggap na talaga niya ako at ipinagmalaki niya pa ako sa mga bisita at kamag-anak niya.

          Gulat na gulat pa si Philip at ang mga magulang nito sa sinabi ni tatay Greg. Maya-maya pa ay sumalo na sila sa inuman namin samantalang ang nanay ni Philip ay pumasok na sa bahay dahil nandoon ang mga kananayan. Tumabi pa talaga sa akin si  Philip at lalong kumulo ang dugo ko dahil sa ibinulong niya.

         "Anong gamot ang pinainom mo kay Mariel para sagutin ka niya ng ganun kadali?"

          Hindi ko na lang pinansin ang sinasabi niya at nakinig  na lang sa mga usapan ng mga kasama kong nag-iinuman.

         Makalipas ang dalawang oras, napansin kong mapungay na ang mga mata ni Philip tanda na may tama na ito. Ikinagulat ko pa ang dahan-dahan niyang pagtayo at tinapik pa ang balikat ko.

          Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa kinaroroonan nila Mariel at tinabihan pa ang girlfriend ko. Bagay na mukhang hindi napansin ni tatay Greg. Mula noon ay hindi ko na inalis ang tingin ko sa kanila.

         Naikuyom ko ang aking mga palad dahil sa pagtitimpi ko nang akbayan ni Philip si Mariel. Pigil na pigil ko ang sarili ko dahil ayaw kong gumawa ng gulo sa kaarawan ng tatay ni Mariel. Pero mukhang sinasadya talaga ni Philip na pagselosin ako.

         Oo. Nagtagumpay siyang pagselosin ako. Nagseselos ako at parte yon ng pagmamahal ko kay Mariel.  Dahil para sa akin, ang pagseselos ay ang ipagdadamot mo ang taong mahal mo, hindi sa pamilya niya kundi sa mga taong nagtatangkang agawin siya sayo! Dahil ang relasyong kagaya ng mayroon kami ngayon ni Mariel ay binubuo lang dapat ng dalawang tao. Hindi tatlo o higit pa!

          Hindi ko man lang sila magawang lapitan dahil baka hindi ko na mapigil ang sarili ko at mag-iskandalo pa ako. Pero naiinis ako dahil sa tagal kumilos ni Mariel para umalis. Dahil sa tindi ng nararamdaman ko, ilang baso agad ng alak ang sunod-sunod na nainom ko.

         Tatayo na sana ako para sugurin si Philip dahil sa nakita kong may balak pa siyang halikan si Mariel ngunit mabuti na lang ay nakaiwas agad ang girlfriend ko at umalis na!

         "Damn you Philip!" Wala sa sariling naibulong ko nang makita kong sinundan pa din ni Philip si Mariel.

         Laking pasasalamat ko nang mapansin na ni tatay Greg si Philip at pinaupo na ulit ito sa kung saan kami nag-iinuman saka tuluyang nang pumasok sa loob ng bahay si Mariel.

Worth Waiting Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon