"Uy tol! Nakauwi ka na pala! Kelan pa?" Masayang bati ni Philip kay Eduard nang bumisita ito sa bahay nila Ramon.
"Kanina lang. kanina ko pa kayo hinahanap eh. Wala daw kayo." Sabi ni Eduard sabay upo sa upuan,
"Eh.... namalengke kami kanina kasama yung ibang kabataan ng simbahan." paliwanag naman ni Ramon.
"Ah! Kaya naman pala." Tugon naman ni Eduard. "Pero ano nga bang meron? Bakit abalang-abala kayo?" Dugtong pa nito.
"Birthday kasi ni Mariel. Nakilala mo na ba siya? Ay! Oo nga pala! Kilala mo na 'yun!" Wika ni Philip.
Nanlaki ang mata ni Eduard dahil sa gulat niya sa kanyang narinig. "Birthday ni Mariel? Kelan?"
"Wow tol! O.A. ah! Feeling close? Teka! Huwag mong sabihing nakuha mo na ang number niya at pinopormahan mo na siya!" Pang-aasar ni Ramon kay Eduard na may kasamang mapang-asar na tingin at ngiti sa kanya.
Napangiti lang din si Eduard.
"Alaman na pre!" Natatawang sambit ni Philip kay Ramon.
Nagtawanan nalang silang tatlo.
"Kelan ba birthday niya? Diba nasa Cavite siya ngayon dahil may inaasikaso siya doon?" Pagpapatuloy ni Eduard sa kanilang usapan.
"Wow! Ibang klase ka 'tol! Updated!" Natatawang wika ni Philip. "Bukas na ang birthday nya. Ang balak nga ng mga kabataan sa simbahan ay isu-surprise namin sya bukas. Pupunta kami sa bahay nila para lagyan ng mga design yung kwarto nya at magluto na rin para pag-uwi niya sa hapon, magugulat na lang siya sa makikita niya." Paliwanag naman ni Ramon.
"Oh?" Manghang tugon Eduard. "Sama ako mga 'tol!" Dugtong pa nito.
Sumang·ayon naman ang dalawa sa gusto niya.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Alas 11 na nang tanghali ng dumating si Eduard sa bahay nila Ramon, sang-ayon sa napagkasunduan nilang tatlo na doon sila magkikita-kita upang magsabay-sabay na sila papunta sa bahay nila Mariel.
"Oh! Pare, may dala ka pang cake. Para kay Mariel din ba 'yan?" Pag-usisa ni Ramon.
"Oo eh!" Tugon naman ni Eduard.
Nagkatinginan si Ramon at Philip. Sabay ngiti at nag-apir pa ang mga ito, "Ayos pre! Talagang nagpapalakas ka ah." wika ni Philip. "Baka may gayuma 'yan ah!" Dugtong pa ni Philip.
"Mga s*ra! Tara na para matapos natin ng maaga ang mga ihahanda," Pag-aya naman ni Eduard sa dalawa.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Habang naglalakad sina Eduard, Philip at Ramon papalapit sa bahay nila Mariel, biglang may napansin si Eduard.
"Teka lang pare! Bakit parang tayo palang ang tao. Nasaan na yung mga kasama nyo na mga kabataan?" wika ni Eduard.
"Naku! Asahan mo yung mga 'yun! laging late dumating yung mga 'yon." Sagot naman ni Ramon.
Nang makarating na sila sa tapat ng gate nila Mariel, agad namang nagsalita si Philip. "Tao po! Tao po! Nay Glenda nandito na po kami." At maya-maya, lumabas ng bahay ang isang babae na nagngangalang Glenda, at 'yon ang ina ni Mariel.
"Oh! Philip! Nandyan na pala kayo. Pasensya na sa pag-aantay. Kanina pa ba kayo?" Masayang pagbati ni Glenda sabay bukas ng gate at pag-anyaya sa'min na pumasok na sa kanilang bahay.

BINABASA MO ANG
Worth Waiting Love (COMPLETED)
RomansaGood day writers and readers! ❤ feel free to read my story. Ginawa ko po itong mas makatotohanan at naaayon sa kasalukuyang ordinaryong buhay ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan para mas makarelate ang mga magbabasa. Di katulad ng mga nababasa k...