MARIEL'S POV
Kagaya ng napag-usapan, sinamahan muna namin si Eduard. Nag-taxi na lang kami para daw hindi kami mahirapan dahil may mga bitbit kaming bata. Walang patid sa pangungulit si Natnat kay Eduard at kay Eman. Natatawa na lang si Eduard sa pagiging bibo niya.
Huminto kami sa isang 3 story house na napakalaki at napakaganda. May malaking gate ito at may guard pa.
"Dito na ba 'yun?" Wala sa sariling naitanong ko. Kung kay Eduard nga ito, maswerte siguro siya sa napangasawa niya. Siguro kung nagkatuluyan kami ni Eduard, baka nasa isang maliit na bahay lang kami. Wala pala akong panama sa asawa niya.
"Yeah! So, pasok na tayo?" Parang nag-aalangan naman akong pumasok dahil ngayon ko lang naisip na baka nandito ang asawa niya tapos, awayin at paalisin kami nung asawa niya, san kami pupulutin ni Natnat?
"Don't worry! Wala naman ang asawa ko." Pabulong na wika ni Eduard sa tenga ko para siguro hindi marinig ni Natnat ang sinabi niya pero dahil sa ginawa niya, lumakas lalo ang kabog ng dibdib ko. Iba talaga kapag may ibubulong siya sa akin at mararamdaman ko ang init ng hininga niya. Idagdag mo pa yung amoy niyang mabango na mas nalalanghap ko dahil sa paglapit niya. Tumango na lang ako sa kanya at maya-maya nga ay nakapasok na kami sa magandang bahay.
Ikinagulat ko pa nang makita ko doon si nanay Maria, ang nanay ni Eduard. Agad niya kaming sinalubong.
"Happy New Year lola!" Wika ni Eduard sa boses na parang bata habang inaabot niya sa nanay niya yung si Eman.
"Naku!! Napakagwapo talaga ng apo ko!" Wika ni nanay Maria saka hinalikan yung si Eman. "Mariel! Ikaw pala yan! Hindi kita agad nakilala. Mas lalo kang gumanda!" Masayang bati ni nanay Maria.
"Naku! Hindi naman po." Nakangiting wika ko.
"Sayang nasa school pa si Eunice eh. Matutuwa 'yon kapag nakita ka."
"Okay lang nay. Hindi naman ito yung huling pagkakataong pumunta dito si Mariel eh. Diba Mariel?" Wika ni Eduard tapos ay kinindatan pa ako. Tumango na lang ulit ako.
Ilang sandali pa kaming nag-usap at maya-maya ay nagpaalam na si Eduard sa nanay niya na ihahatid niya muna kami. Pumayag naman ang nanay niya at iniwan na namin si Eman kay nanay Maria.
Sumakay kami sa isang magandang sasakyan at si Eduard ang nagmamaneho. Kanina nga ay hindi ko maiwasang kiligin nang pagbuksan niya pa ako ng pinto ng kotse niya. Hays! Ang landi ko na ba mga friend? Pagbigyan nyo na ko! Ngayon lang naman 'to at sa susunod, hindi na dapat ako sumama kay Eduard dahil baka mapatay na talaga ako ng asawa niya. Saka ko na ulit poproblemahin ang pagmu-move on. Ieenjoy ko na lang muna ang moment na ito.
"Big timer ka na pala ah! Dati nakamotor lang tay... nakamotor ka lang, ngayon naka 4 wheels na agad!" Panimula ko sa usapan habang nasa biyahe na kami at si Natnat ay abala sa panunuod ng movie niya sa tablet. Nakaearphone pa siya kaya mukhang hindi siya mangungulit sa amin ngayon.
"Syempre, delikado kasing magmotor kung may baby ka ng isasakay diba? Kahit pa kargahin pa ng asawa mo yung anak nyo, delikado pa rin ang motor" Oo nga naman. Tama naman siya doon. Iba na talaga mag-isip si Eduard ngayon. Napakamatured at di maipagkakailang pamilyadong tao na. Aray!
"Nga pala Eduard, bakit parang wala ang asawa mo?" Huminga ng malalim si Eduard.
Sumulyap pa siya sa akin saglit bago humarap ulit sa kalsada. "I'm still single Mariel!" Nakangiting sambit ni Eduard.
BINABASA MO ANG
Worth Waiting Love (COMPLETED)
RomanceGood day writers and readers! ❤ feel free to read my story. Ginawa ko po itong mas makatotohanan at naaayon sa kasalukuyang ordinaryong buhay ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan para mas makarelate ang mga magbabasa. Di katulad ng mga nababasa k...