EDUARD'S POV
After 5 months
Laking kawalan para sa akin ang pagkawala ni Eman sa puder ko. Sobrang napamahal na siya sa akin kaya ganoon na lang ang lungkot ko nang kunin na siya ng nanay ni Daphnie. Pero nagpapasalamat ako dahil sa kabila ng lahat, hindi ako iniwan ng nanay at tatay ko, ni Eunice at ng mahal kong si Mariel.
Simula nang mawala na sa piling ko si Eman, hindi nagkulang si Mariel sa pag-aalaga sa akin at pagpapasaya lalo na kapag nalulungkot ako.
Napagdesisyonan din namin na tuwing sabado ng gabi hanggang lunes ng umaga ay doon kami tutuloy sa unit na pinag-ipunan ko para magkaroon pa rin kami ng panahon sa isa't-isa kahit sa kabila ng pagiging abala namin sa trabaho.
"Hon pwede bang matulog muna ako saglit?" Tanong sa akin ni Mariel habang kumakain kami ng agahan. Linggo ngayon kaya pareho kaming walang pasok.
"Sure! Ako na ang bahala dito."
"Masakit kasi ang ulo ko eh!" Nag-alala naman akong bigla kay Mariel.
"Bakit?.... dahil pinuyat kita kagabi? Sorry!" Biro ko sa kanya para mawala naman ng kahit konti ang pag-aalala ko at maialis ko naman ng kahit papaano ang atensyon niya sa sakit na nararamdaman niya.
"Tongeks! Ilang araw na talagang sumasakit ang ulo ko" natawa na lang ako dahil sa pamumula ng kanyang pisngi.
"Hay! Hon baka sa sobrang pagtatrabaho mo na 'yan. Tingin ko kailangan mo nang tumigil sa trabaho mo. Tutal malapit na matapos ang contract mo."
"Sus! Wala to! Hindi ako pwedeng tumigil sa trabaho noh. Wala akong maipapadala kela nanay pag nagkataon."
"Alam ko, pero iniisip ko lang naman ang kalagayan mo." Wika ko. At susubo na sana ako ng pagkain ko nang mapansin kong kumaripas ng takbo si Mariel sa banyo.
"Hooon!!!!" Malakas na pagsigaw ko dahil sa takot ko nang makita ko siyang dumuduwal. Wala akong ibang magawa kundi haplusin ang likod niya.
Matapos niyang maghilamos, kitang-kita ko sa kanya ang panghihina niya,
"Hon? Dadalhin na kita sa ospital!"
"No hon! I just want to rest sobrang sakit ng ulo ko!" Wika ni Mariel habang inaalalayan ko siya sa paglalakad.
"Bubuhatin na kita." Binuhat ko na si Mariel dahil ramdam kong hinang-hina siya.
"Hon ayoko sa ospital! Please!" pakiusap sa akin ni Mariel kaya wala akong magawa kundi inihiga ko na lang siya sa kama. Kilala ko si Mariel. Ayaw na ayaw niyang mapunta sa ospital. Hanggat kaya niya ay tinitiis niya pero kapag hindi na niya kaya ay siya na mismo ang magsasabing dalhin siya sa ospital.
Agad na nakatulog si Mariel. Isinarado ko pa ang mga kurtina sa bintana para hindi masilawan ang kanyang mata.
Ilang oras ko din siyang tinitigan habang natutulog. Sobra akong nag-aalala sa kanya. Maya-maya pa, naisipan kong buksan ang laptop ko.
"Causes of vomiting" agad kong tinype ito sa google nang mabuksan ko na ang laptop ko.
"1 food poisoning" imposible!
Namangha ako sa pangalawang nakalista "PREGNANCY" Marahan kong natampal ang noo ko at napangiti akong mag-isa.
Buntis si Mariel? Magiging daddy na ako! Gusto kong mapasigaw sa tuwa pero pinigil ko ang sarili ko dahil baka magising si Mariel. Hindi na ako nag-abalang basahin ang mga sumunod na nakalistang causes of vomiting dahil sa pangalawa pa lang, kumbinsido na akong posible 'yon.
MARIEL'S POV
Nagising ako dahil sa mga haplos sa aking buhok at halik sa aking mukha. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.
"Hon! Kamusta na ang pakiramdam mo?" Muli kong pinikit ang mata ko dahil inaantok pa rin ako.
"Mas okay na."
"That's good! Ilang araw ka na bang nagduduwal?"
"Pangatlo na ata ngayon."
"Hmmm.... Tapos hindi mo man lang sinabi sa akin. Kain na tayo hon. Mamaya ka na lang ulit matulog. Bawal kang magpalipas ng gutom dahil magugutom din si... si baby." Nakangiting saad ni Eduard. Minulat ko na ang aking mga mata.
"Anong pinagsasabi mo dyan?"
"Hon nagmadali akong bumili ng pregnancy test kanina. Itry mo para makasigurado tayo." ngayon ko lang naunawaan ang gustong sabihin ni Eduard. He's trying to tell me that maybe I am pregnant? Wow!
"Ibig sabihin ba nito may posibility na buntis ako at magkakaanak na tayo?" Nakangiting wika ko kay Eduard.
"Yes hon! Pero bago ka magPT kumain ka muna okay?" Marahan ako tumango at para bang nakaramdam ako ng pananabik na magPT na para makasigurado kami.
Matapos ang ilang minutong pagkain namin ng tanghalian at pagpunta ko sa banyo para magPT, dahan-dahan kong tiningnan ang resulta.
IT'S NEGATIVE! Bakit???
Happy reading!
#iPAHINAsyon
![](https://img.wattpad.com/cover/118739789-288-k774083.jpg)
BINABASA MO ANG
Worth Waiting Love (COMPLETED)
RomanceGood day writers and readers! ❤ feel free to read my story. Ginawa ko po itong mas makatotohanan at naaayon sa kasalukuyang ordinaryong buhay ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan para mas makarelate ang mga magbabasa. Di katulad ng mga nababasa k...