Chapter 41

734 25 8
                                    

MARIEL'S POV

           Madilim na ang paligid nung umupo kami sa damuhan. Tumingala na lang ako sa kalangitan at tiningnan ang mga bituin.

           "Di mo pa pala nasagot ang tanong ko kanina. Para saan yung paghingi ng tawad ng tatay mo?"

           "Sa mga nagawa niya daw sayo dati. Ibinilin niya kasi sa akin na kapag nagkita tayo, ihingi ko daw siya ng tawad sayo."

           Napangiti lang si Eduard sa sinabi ko saka tumingala sa langit. "Mariel kahit noon pa man, naiintindihan ko kung bakit ganoon ang tatay mo. Gaya ko, sobrang mahal ka namin ng tatay mo kaya poprotektahan ka namin hanggat maaari. Pero dahil ako ang nakikitang panganib ng tatay mo kaya ayun! Huwag kang mag-alala, kahit kailan maman, hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa tatay mo."

           Nao-awkwardan talaga ako kapag pinag-uusapan namin ang nakaraan namin. Kaya nang makakita ako ng fireworks, iniba ko ang usapan.

           "Uy! Ang ganda ng fireworks oh!"

          "Mas maganda ka Mariel!" Bulong ni Eduard sa tenga ko. Nagulat ako sa ginawa niyang pagbulong sa akin kaya mabilis akong napalingon sa kanya at mas nagulat ako ng aksidenteng magtama ang aming mga labi.

           Mabilis na nakaresponse si Eduard sa nangyari kaya nagawa niya na agad na umpisahan akong halikan habang ako ay tulala pa din. Hindi ko alam pero dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko at gumanti sa halik niya. Parang nawala na ako sa katinuan dahil sa ginagawa niya. Siya lang ang lalaking nakakagawa sa akin ng ganito.

           Nang mauubusan na ako ng hangin, saka lang bumalik sa realidad ang isip ko. Marahan kong naitulak si Eduard. Bakas sa mukha ni Eduard ang pagtatanong kung bakit.

           "E-eduard! Hindi na tama 'to! May asawa ka na!" Nag-iwas ako ng tingin sa kanya tsaka ko narinig ang paghinga niya ng malalim.

            "Mariel... eto yung gusto kong sabihin sayo kanina pa..... Hindi naman kami nagkatuluyan ni Daphnie." marahan akong lumingon sa kanya. Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi niya.

           Ikinuwento ni Eduard ang lahat ng nangyari sa kanya matapos kaming magkahiwalay noon. Halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon.

           "You mean, hindi mo totoong anak si Eman?"

           Tumango-tango si Eduard. "Ganon na nga. Pero napamahal na rin siya sa akin kaya tinuring ko na din talaga siyang anak."

           "Oo nga. Hindi naman maipagkakailala 'yon dahil kahit ako, akala ko anak mo talaga siya."

           "Mariel hindi ko inakalang dadating pa sa punto ng buhay ko yung ganito. Yung muli kitang makausap, yung malaya tayong magsama kahit alam ng tatay mo at masabi ko sayong.... mahal pa rin kita Mariel!" Di ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Unti-unti nang umagos ang mga luha ko. "Hindi mo ba nararamdaman?" Dugtong pa niya.

          "A-ang alin?"

           "Yung spark sa mga halik natin at kapag magkahawak ang kamay natin kahit sa tagal ng panahong nagkahiwalay tayo, nandoon pa din. Tell me Mariel! Do you still love me?"

           "Eduard kahit noon naman, mahal kita pero kinailangan lang nating maghiwalay and yes, pagkatapos ng lahat ng nangyari sa atin I still found myself dreaming of you and.... and loving you." Marahang hinaplos ni Eduard ang aking pisngi at pinahid ang mga luha ko.

           "Talaga Mariel?" Nakangiti niyang saad habang tumutulo na rin ang kanyang mga luha.

           Niyakap ko si Eduard at ganoon din naman siya. "Ikaw naman ba ngayon ang nagdudududa kung mahal talaga kita?" Wika ko habang magkayakap pa rin kami.

           "No, it's just.... hindi ako makapaniwala. Sorry sa lahat ng mga pagkakamali at pagkukulang ko sayo. Siguro nga nagkakilala tayo at nagmahalan sa maling panahon dahil mga bata pa tayo noon. And I think, ito na yung tamang panahon para sa atin. I love you hon!" Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at hinarap siya.

           "Who's hon? Is it a name or an endearment? Baka may iba ka pang mahal ah?" Pinisil naman ni Eduard ang ilong ko.

           "Ikaw lang honey! Palitan na natin yung thart. Huwag nating kailimutan yung pangit na nakaraan kasi yun ang nagpatibay sa atin pero let's start a new beginning. Shall we?"

           "Yes! I love you too hon!" Nakangiting kong wika habang tumatango.

          Marahang inilapit ni Eduard ang mukha namin sa isa't-isa. At nung malapit na malapit nang magdiikit ang aming mga labi, inilagay ko ang daliri ko sa gitna saka siya nagmulat ng mata at nagtataka na naman kung bakit ko pinigil ang kiss namin. Napangiti na lang ako sa kanya. He's so cute!

          "New beginning palang, may kiss agad?" di ko na mapigilang matawa nang kumunot ang noo niya. Nabitin ata!

            "Sabi ko, wag nating kalimutan yung nakara...." hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Eduard dahil isang mahabang paliwanag na naman ang gagawin niya. Ako na ang naunang humalik sa kanya at hindi naman niya ako binigo. Ginantihan niya rin ako ng isang maalab na halik.

READERS!
Wala akong masabi. Haha! Happy reading!
Keep on voting!
Exam is done

Worth Waiting Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon