Chapter 11

838 32 1
                                    

MARIEL'S POV

           "Good morning Mariel! Sabi mo kagabi diba babawi ka? 8:45 a.m. kita tayo sa school.""

          Kanina ko pa paulit-ulit na tinitignan ang text na ito ni Eduard. "Oo sinabi ko lang 'yon kagabi dahil nakokonsensya talaga ako. Pero Mariel! Hindi ba't iniwasan mo siya? Mahirap na kung lumalim pa kung anoman ang nararamdaman mo sa kanya." Nasapo ko na lang ang aking noo dahil sa mga iniisip ko.

            "Magkikita na ulit kami. Ano na lang kaya ang magiging reaksyon ko kapag nagkaharap na kami." Napabuntong hininga ako sabay tingin sa oras na nasa cellphone ko.

          "8:40 na pala!" nakabihis na ako ngayon at nakapaghanda ng aking sarili para sa pag-awit ko mamaya. Nagsuot ako ng pormal na damit na hiniram ko pa kay Camille at minake-upan niya pa ako. Samantalang ang ibang mga estudyante ay naka uniform lang dahil mamaya pang hapon ang mga main event katulad ng mga labanan ng iba't ibang sports.

          Wala pa din akong natatanggap na text mula kay Eduard. Hindi ko alam kung magkikita ba talaga kami o hindi pero mas minabuti ko na ring pumunta sa main gate ng university namin para puntahan siya doon saglit. Mas maige na 'yung dito kami magkita kaysa naman sa labas na pwedeng madaming tao ang makakakita sa'min at magsumbong pa kay tatay.

           Ang lahat ng mga estudyante ay nasa hall na para sa malapit nang mag-umpisang programa ng school namin. Wala nang katao tao dito sa main gate kundi ako at si manong guard.

          "Hays! Dadating pa ba siya? Baka ma-late na ako." Nag-aalalang sambit ko. Nang akmang aalis na ako para bumalik na sa hall, bigla namang may tumawag sa akin mula sa gilid ko.

          Pakiramdam ko, biglang tumigil ang pagtibok ng puso ko nang marinig ko ang boses ni Eduard at makita siyang papalapait na sa akin. Sa awra ng mukha niya ngayon, hindi maipagkakailang napakasaya niya. Ngiting-ngiti itong lumalapit sa akin. Napansin kong nakasuot din siya ng uniform namin at may I.D. pa. Malamang ginawa niya 'yon para makapasok siya sa school namin. Grabe talaga kung mag-effort ang lalaking 'to.

          Napakunot noo na lang ako dahil sa mga naiisip ko.

          "Mariel may problema ba? Bakit nakakunot ang mga noo mo? Hindi ka ba masayang makita ako ngayon?" Nagising ako mula sa pagkakatulala at pag-iisip ko nang magsalita si Eduard na nasa harapan ko na pala. Napakagwapo pala talaga ng lalaking 'to. Napakaswerte naman ng babaeng pakakasalan niya.

          "Galit ka ba dahil late ako? Actually kanina pa ako dito. Nagtatago lang ako sa'yo. Sabi ko naman sa'yo eh! 8:45, magkikita tayo." Pangiti-ngiti pang sambit ni Eduard sabay tingin sa relo niya at pinakita pa sa aking 8:45 na nga.

          "A-ahmmm.... h-hindi naman. Nagulat lang ako na naka-uniform ka din." Pautal-utal kong pagpapalusot.

          Ngumiti lang ito at nag-sabing, "Nasabi ko na ba sa'yong napakaganda mo Mariel. Saka na ako magpapaliwanag sa'yo. Halika na! Baka ma-late ka pa."

          Hindi na halos ako makahinga dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko nang hawakan ni Eduard ang kamay ko para hilahin ako papunta sa hall. Gusto kong magalit dahil sa ginawa niya pero naisip kong baka wala namang malisya sa kanya 'yon. Parang kaibigan lang na hihilain ka para dalhin kung saan.

          Nakahawak pa din siya sa aking kamay habang sinabayan ko na rin siya sa paglakad papunta sa backstage.

          Habang kami ay naglalakad. Napansin kong ang daming babaeng nanlalagkit ang tingin kay Eduard. Parang gwapong-gwapo ang mga ito sa lalaking kasama ko ngayon at inggit na inggit naman sa akin.

          Walang mapaglagyan ang saya ko habang naglalakad kami. Ang sarap pala sa pakiramdam na makasama mo ang taong mahal mo.

          "Shocks Mariel! Ano ba 'yang pinagsasabi mo! Seriously? Si Eduard? Mahal mo? Baka nabibigla ka lang sa mga sinasabi mo." bulong ng isip ko.

           Nang makarating na kami sa backstage, pinaypayan pa ako ni Eduard habang nag-aantay pa akong tawagin ang pangalan ko. Hindi ko alam kung pinagpapawisan ba ako dahil sa init ng panahon o dahil sa kasama ko si Eduard ngayon.

Readers!
Sana po magustuhan nyo ang story.
Any vote or comment? Pang painspire lang for the next update. Thanks!
Happy reading!

Worth Waiting Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon