Chapter 34

649 14 0
                                    

MARIEL'S POV

"Mariel kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo?"

"Walang hiya talaga ang lalaking 'yon." Magkasabay na wika ni nanay at tatay habang papalapit sa akin si nanay.

"E-ehem!" Si Philip 'yon. Tsaka siya nagpaalam na lalabas na muna para makapag--usap kami ng mga magulang ko.

"Mariel kailan ka pa natutong sumuway sa akin ha? Siya ang naghatid sa'yo dito kaya ibig sabihin, magkasama kayo kanina! Bakit magkasama kayo ng lalaking 'yon?" Galit na galit na tinig ni tatay. Sa pagkakataong 'yon ay takot na takot ako dahil muli kong naalala ang mga panahong galit na galit din si tatay sa ate ko. Yumakap lang ako kay nanay.

"Ito ba? Ito ba ang igaganti mo sa paghihirap namin ng nanay mo na palakihin ka?"

"Greg ano ba! Kailanman hindi ko tatawaging paghihirap ang pagpapalaki ko sa mga anak natin dahil ginagawa ko 'yon ng dahil sa pagmamahal. At tsaka huminahon ka nga. Tingnan mo ang anak mo oh. Nandito na nga sa ospital eh pinapagalitan mo pa! Ano bang meron at bakit ka nagkakaganyan kay Eduard ha?"

"Natural Glenda! Sinuway ako ng lalaking 'yon at ng anak mo gaya ng ginawa ng ate niya. Walang kadala-dala! At yung lalaking 'yon, habang buhay ko siyang hindi matatanggap dahil anak siya ni Marco."

"Ano? Hanggang ngayon ba galit na galit ka pa din kay Marco?"

"Oo! Dahil pati ikaw ay tinangka niya ding ibilang sa mga babae niya noon. Kaya wala akong tiwala sa Eduard na 'yan dahil alam kong pareho lang sila ng ama niya!"

"Greg matagal na panahon na 'yon! At pwede ba, wag mong idamay si Mariel at si Eduard sa away ninyo ni Marco!"

Matagal-tagal pang nagsagutan si nanay at tatay at maya-maya ay dumating naman ang isang doktor. Ipinaliwanag niya sa amin na convulsion ang nangyari sa akin kanina at parte 'yon ng sakit ko. Maaaring sobrang stress daw ang dahilan kung bakit ako nagkaganon.

Siguro nga, sobrang na-stress ako sa nangyayari sa amin ngayon ni Eduard. Sobrang sakit isipin ng katotohanan na yung taong minahal mo ng sobra-sobra ay dadaan lang pala sa buhay mo. At ang masakit pa, may nangyari na sa amin.

"Simula ngayon ayaw ko ng marinig ang pangalan ng lalaking 'yon" muling saad ni tatay.

"Hanggang kelan mo ba balak na itali ang mga anak mo? Mas gusto mo bang magrebelde sila dahil sa sobrang kahigpitan mo? At isa pa, pinahirapan ka ba ng tatay ko nung nililigawan mo pa lang ako? Hindi naman diba. Pero kung paghigpitan mo ang mga anak mo, ganun-ganun na lang! Ang gusto mo palagi ang nasusunod. Pati ba sa pag-ibig ay didiktahan mo pa ang anak mo! Greg ayoko nang mangyari kay Mariel ang nangyari sa ate niya na lumayas dahil sa kahigpitan mo."

Saglit na nanahimik si tatay bago nagsalita. "Glenda huwag na huwag mo akong pangunahan sa paghihigpit ko sa mga anak natin. Tatay ako!" Malakas na wika ni tatay bago tuluyang umalis.

Worth Waiting Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon