Epilogue

1K 36 3
                                    

EDUARD'S POV


          Mabilis na lumipas ang tatlong buwan matapos na makalabas si Mariel sa ospital. Pinatigil ko na siya sa trabaho at nagsasama na kami sa unit ko. 

          "Hon? Ano ba yang surprise mo? Ikaw talaga, nag-abala ka pa." Tanong ko kay Mariel habang nakatalikod ako sa kanya. Pinatalikod niya kasi ako habang kinukuha niya pa daw ang surpresa niya.

          "Okay hon! Pwede ka nang humarap." Dahan-dahan ko naman siyang hinarap. Masayang mukha niya ang bumungad sa akin habang nakalahad ang kanyang kamay sa harap ko. Ganoon na lang ang tuwa ko nang kunin ko ito at malamang positive ang pregnancy test niya.

          "Sorry hon! Nagduwal na naman ako kanina at nanghihina ako pero nung maayos na ang pakiramdam ko, saka ko sinubukang magPT dahil kinukulit ako ni Camille. Yan talaga ang dahilan kung bakit ako na-late sa kasal natin kanina." 

          Tama ang narinig nyo. I mean nabasa pala, Kasal na kami ngayon ni Mariel at honeymoon namin ngayon. Laking takot ko pa nga kanina dahil halos mag-iisang oras na siyang late sa oras ng kasal namin. Ito pala ang sinasabi ni Camille na huwag daw akong mag-alala dahil may inaayos lang daw na kaunting problema. Sa lahat ng problema, ito ang gustong-gusto kong marinig.

       Ngumiti ako ng ubod ng tamis kay Mariel.

          "So, ito pala 'yon. Akala ko hindi mo na ako sisiputin sa kasal natin." Niyakap ko nang mahigpit si Mariel. "Hon napakagandang gift nito! Magkaka-baby na tayo! Magiging daddy na ako at magiging mommy ka na! I'm so glad! Thank you Hon! I love you so much!"

          "I love you too hon!" Niyakap din ako ng mahigpit ni Mariel. At pagkatapos ay kumalas ako ng yakap saka iniharap ko ang aking mukha sa tiyan niyang magdadala ng little version naming dalawa at hinaplos ito.

          "Hello baby! Ako si daddy Ed! Sobrang tagal kitang hinintay. Huwag mong papahirapan si mommy ha! We love you so much and we're excited to see you soon." wika ko sabay dampi ng halik dito.

          Inayos ko ang aking pagkakatayo at sa puntong ito, tinitigan ko si Mariel ng may buong pagmamahal. Unti-unting naglapit ang aming mga mukha at saka ko siniil siya ng maalab na halik. Halik na lumalim nang lumalim at nagdudulot ng pag-init ng aking katawan.

        "Ayyy!!!!" tili ni Mariel ng buhatin ko siya. Maingat ko siyang inihiga sa kama. 

         "I love you so much my wife!" Wika ko at pagkatapos ay muli ko siyang hinalikan ngunit marahan niya akong tinulak. Tiningnan ko siya ng may pagtataka at tinawanan pa ako ng makulit kong asawa.

         "Diba sabi mo, unan kita?" marahan akong tumango sa kanya.

        "Aha!"

         "Ibig sabihin, pwede kitang tulugan?" nginitian pa ako ng nakakaloko ng makulit kong asawa. Napapangiti na lang ako sa kanya.

          "Naughty and smart wife! Marunong ka nang gumanti ngayon ha!" tumango-tango naman si Mariel habang nakangiti. "Well, pwede mo akong tulugan in a way na matutulog ka sa lap ko o sasandal ka sa balikat ko pero yung tutulugan mo ako sa mga ganitong oras at pagkakataon? I won't let you  sleep naughty wife."

          "Let's make love tonight hon!" bulong ko sa kanya saka ko siya muling siniil ng maalab na halik at ipinaramdam sa kanya ang pagmamahal ko sa kanya. 

          Sino nga bang mag-aakala na yung taong nakita at nakilala ko lang sa simbahan ay yung tao din pa lang pakakasalan ko sa simbahan. Sinong mag-aakala na pagkatapos kong mabigo ay may tao pa palang kayang gumamot sa sugatan kong puso. 

          Naisip ko tuloy, buti pa ang deodorant, nakakapagroll-on samantalang tayo, hindi makapag move-on. Eh mas mahirap pa naman ang mag-roll kaysa mag-move. Minsan kailangan nating bumitaw para tumanggap ulit ng bago. 

        Basta ngayon, napatunayan kong hindi dapat mag-madali dahil mahalagang nasa tamang panahon ang lahat ng mga bagay. Kaya masaya na kami ngayon ni Mariel na nahintay namin at nakamit na namin ang aming WORTH WAITING LOVE!

THE END...............

HAPPY READING MGA FRIENDS!
SALAMAT PO SA SUPORTA! I LOVE YOU SO MUCH!
#iPAHINAsyon

Worth Waiting Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon