"SINO siya tol?" tanong ng matipunong lalaki na si Eduard nang dumalo siya sa pagpapraktis ng mga Worship team sa simbahan para sa Sunday Service nila kinabukasan.
"Ah, back up singer siya dito," sagot naman ni Philip na tropa ni Eduard at dancer sa simbahan nila. "Siya si Mariel" dugtong pa nito.
Sa tingin niya ay hindi pamilyar sa kaniya ang babaeng kanina niya pa pinagmamasdan habang nakikipag-kwentuhan sa kapwa niya mga back-up singer din.
"medyo matagal na siya rito. Ikaw naman kasi eh, ang tagal mong bumalik dito," ani Ramon na katropa din ni Eduard at gitarista naman sa simbahan nila.
Halos isang taon na ang nakaraan bago umuwi si Eduard sa Batangas. Nagtatrabaho kasi siya sa isang kompanya sa Bulacan. Nakakauwi lang siya sa tuwing nababakante ang gagawin nila sa trabaho. At sa tuwing umuuwi siya sa Batangas, sumasama naman siya sa mga kaibigan niya sa simbahan tuwing Sabado at Linggo.
"tol 'wag mong sabihing ibibilang mo din si Mariel sa mga babaeng pinaluha mo." Biro ni Ramon.
"Aba! 'wag na huwag mong gagawin 'yan kay Mariel tol. Napakabait nang taong yan. At napalapit na rin siya sa amin ni Ramon," wika naman ni Philip.
Napatawa na lamang siya habang umiiling-iling sa biro ng dalawa niyang katropa.
Magandang lalaki itong si Eduard. Matangkad, mureno ang balat, malakas ang dating at may kaaya-ayang mukha na naging dahilan kung bakit napakaraming babae ang nahuhumaling sa kanya.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - -
NAMANGHA si Eduard sa naririnig niyang tinig ng umaawit mula sa simbahan nang bumaba siya sa kanyang sasakyang motor. Na-late kasi siya ng gising kaya nauna na sina Ramon at Philip sa kanya na pumunta sa simbahan. Patakbo siyang pumunta sa pinto ng simbahan, at nakita niya ang babaeng pinagmumulan ng malamig at napakagandang tinig sa harapan. Saglit siyang natulala. Parang nadadala siya sa ganda ng tinig ng babaeng ito. Nabasag ang kanyang pagkakatulala nang may isang lalaking tumawag sa kanya.
"Eduard! Halika may bakante pang upuan dito." Si Philip iyon.
Nang makaupo na siya sa silya, napatulala na naman siya habang pinakikinggan ang magandang tinig ng magandang babae. "Tama! Hindi lang basta maganda ang tinig ng niya. Maganda din siya at nakakaakit itong tingnan. Makinis ang balat, maputi at sexy pa. Gusto kong malaman ang pangalan niya. Teka! Hindi kaya, siya si....."
- - - - - - - - - - - - - - - - - - -
"MARIEL! Mag-iingat ka ha! Umuwi ka agad pagkatapos ng klase mo. Huwag ka nang mag-gala at 'wag munang magpapaligaw, kundi lagot ka sa tatay mo." sabi ni Myrna, ang nanay ni Mariel habang papalabas na siya sa gate ng bahay nila.
Napatawa naman si Mariel at saka sinabing, "Si nanay talaga oh! Alam nyo naman pong wala pa sa bokabularyo ko ang lovelife lovelife na 'yan eh." Saka siya tuluyang nagpaalam sa nanay niya at umalis na papunta sa unibersidad na kanyang pinapasukan.
First year college na si Mariel. Pero kahit gano'n ay hindi pa rin niya nararanasan ang madalas pagkwentuhan ng kanyang mga kaklase na tungkol sa mga manliligaw o di kaya'y mga karelasyon nila. Sa kabila kasi ng kagandahan ni Mariel ay wala pa ring naglalakas loob na lumapit sa kanya at manligaw. Madalas tuloy siyang binubuska ng mga kaklase niya. Kaya tuloy minsan ay naitatanong niya sa sarili kung ano kaya ang pakiramdam ng nililigawan ng isang lalaki? O kaya naman, ano kaya ang pakiramdam ng may nagmamahal at minamahal? Iyan ang mga tanong na palaging laman ng kanyang isip subalit natatakot naman siyang lumabag sa ipinagbabawal ng kanyang ama't ina na magboyfriend.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - -
"OH! Eto na pala ang mahal kong si Henry" wika ni Camille. Ang bestfriend ni Mariel. "Mauuna na kami friend ah." Sabay angkas sa motor ng boyfriend niya. "Ikaw naman kasi eh. Dapat naghahanap ka na ng gwapong papa na maghahatid at sundo sayo. Haha!" dugtong pa nito.
"hahaha! Oo na, dami mo pang sinasabi. Mang-aasar ka lang din naman." ani Mariel.
Nang makaalis na sila Camille at Henry, si Mariel na lamang ang naiwan sa tapat ng campus nila habang nag-aantay ng masasakyan. Maya-maya, may narinig siyang mga babae na sabay-sabay na tumili at pagkatapos ay nag-tawanan. Nang lumingon siya sa kanan niya, natanaw niya ang isang lalaking may napakagwapong mukha at may malakas at nakakaakit na awra na tila ba kumukuha ng atensyon ni Mariel. Habang nakasakay ito sa kanyang motor ay nilapitan ito ng mga kaibigan niyang lalaki at mayroon ding mga babae. She feels like the time stops and there she felt her heart is beating so fast that it makes her hard to breathe. Hindi niya alam kung kinakabahan ba siya o ano. Basta ang alam lang niya, she was enjoying kahit nakatitig lang siya sa mukha ng lalaki at parang nakapako na ang mga paa niya sa kinatatayuan niya. Nasapo niya ang dibdib, "Jusko! Ano ba 'tong nangyayari sa'kin?!!!" tanging nasambit niya sa sarili.
"Peep......peeeeep!!!!" isang busina ng jeep ang gumising sa kanya mula sa pagkakatulala. "ay! Sasakay na pala ako." At sumakay nga siya sa jeep. Pagkaupo niya, napalingon na naman siya sa kinaroroonan ng lalaki kasama ang mga kaibigan nito habang nagkukwentuhan at nasabi ng kanyang puso, "Sana, Makita ko pa siyang muli."
- - - - - - - - - - - - - - - - - - -
NAPALINGON si Eduard sa jeep. Pakiramdam niya kasi ay may nakatingin sa kanya mula roon. Para namang nakaramdam siya ng kasiyahan nang makita niya ang pamilyar na mukha. "si Mariel 'yon!!!!!" sigaw ng kanyang konsensya at maya-maya ay umiwas na ng tingin ang babae nang mapansin nitong nakatingin siya rito. "so, dito pala siya nag-aaral. ang swerte ko naman!" Dugtong pa ng kanyang konsensya na nag-pangiti sa kanya ng napakaganda.
😉💭
Please Follow me and vote for this story! ❤
Happy Reading! 😃
#iPAHINAsyon
BINABASA MO ANG
Worth Waiting Love (COMPLETED)
عاطفيةGood day writers and readers! ❤ feel free to read my story. Ginawa ko po itong mas makatotohanan at naaayon sa kasalukuyang ordinaryong buhay ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan para mas makarelate ang mga magbabasa. Di katulad ng mga nababasa k...