MARIEL'S POVPagmulat ko ng aking mga mata, nasa isang kwarto na ako na puro puti at alam ko nang nasa ospital ako. Pakiramdam ko ay hinang-hina ang katawan ko.
Pilit kong inalala kung ano bang mangyari at bakit ako nandito? Muli na namang namuo ang mga luha sa mata ko nang maalala ko kung ano ang pinag-awayan namin ni Eduard.
Ganoon na lang ang pagkagulat ko nang mapansin kong nandito pala si Eduard at Philip na mukhang pareho silang nagkakainitan ng ulo.
Nang mapansin nilang gising na ako ay sabay silang lumapit sa akin ngunit pinigilan ni Philip si Eduard.
"Umalis ka na!" Kahit na sobrang hirap para sa akin na bitawan ang salitang 'yon ay pinilit ko pa din.
"Mariel mahal na mahal kita!" Pagsusumamo ni Eduard.
Please Eduard! Sobra sobra na ang pagpapahirap mo sa akin. Pati ba naman sa pagpapaalis ko sayo ay pinahihirapan mo ako! Gusto ko yung banggitin sa kanya pero wala akong lakas na gawin 'yon.
"Sinabi nang umalis ka na eh!" hindi ko alam kung saan ako nakahugot ng ganoon kadaming lakas ng loob para isigaw 'yon sa taong mahal ko. Oo mahal ko pa din si Eduard pero hindi na tama 'to dahil kailangan niyang panagutan ang magiging anak nila ng ex niya.
Tuluyan na ngang rumagasa ang mga luha ko lalo na nang marinig kong nagmamakaawa si Eduard habang tinutulak palabas ni Philip.
Kasabay ng pagsara ng pinto, naisip kong dapat ko na ring isarado ang puso ko para kay Eduard jusko! Ito na nga talaga siguro ang tuldok ng relasyon namin.
At ako, dapat ko nang umpisahang kalimutan siya kahit ayaw ko. Mahirap pala talagang ibalik yung dating ikaw. Kasi magkaiba noong wala pa siya at yung wala na siya.
Hinayaan lang ako ni Philip na mag-isip isip habang nakaupo siya sa upuang nasa tabi ko.
Maya-maya pa ay nagsalita na siya nang mapansin niyang iyak pa din ako ng iyak.
"Huy! Tama na 'yan Mariel! Ayoko ng pangit na kaibigan." Nakangiting saad ni Philip. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Uyyy!!! Ngingiti na 'yan!" Mas lalo tuloy akong naiinis kay Philip dahil sa pangungulit niya.
"Tsssk! Tigilan mo nga ako. Umalis ka na!"
"Oh! Pati ba naman ako pinapaalis mo na? Hindi naman yata pwede 'yon. Wala kang kasama dito."
Oo nga no! Sabi ko sa isip ko. Pero naiinis pa din ako kay Philip. "Ewan ko sayo!"
"Bakit pati sa akin nagagalit ka?" Pangungulit pa din sa akin ni Philip.
"Philip akala ko ba kaibigan kita. Mga bata pa lang tayo, ikaw na ang lagi kong kasama kaya tiwalang-tiwala na 'ko sa'yo. Pero bakit mo tinulungan si tatay dati na pilit kaming paghiwalayin ni Eduard?" Nanlaki ang mga mata ni Philip. "Huwag ka nang magkaila dahil nabasa ko ang mga usapan ninyo ni tatay." Dugtong ko pa.
"Kaya ba umiiwas ka na sa akin? Gusto mo ba talagang sagutin ko na yang tanong mo?" huminga ng malalim si Philip bago nagsalita ulit. "Okay fine! Sasabihin ko na. Mariel matagal na kitang gusto pero alam ko yung naging pag-aaway ng ate mo at ng tatay mo nung nagkaboyfriend ang ate mo kaya mas minabuti kong huwag munang sabihin sa'yo. Balak ko sanang sabihin sa'yo kapag alam kong okay na ang lahat pero kailangan ko nang sabihin ngayon. But sorry kasi tinake advantage ko yung pagiging close ko sa tatay mo dahil magkakaibigan ang mga magulang natin."
Parang tumigil ang mundo ko dahil sa mga sinabi Philip. So totoo nga? Tama ang hinala ni Eduard
"Uy! Galit ka ba? Huwag kang mag-alala. Alam ko namang mahal mo si Eduard. Handa naman ako mag-hintay." Saad ni Philip nang hindi pa rin ako nagsasalita.
"Hindi lang yung pagiging close nyo ni tatay ang tinake advantage mo! Kundi yung pagiging magkaibigan natin! I'm sorry Philip pero hanggang kaibigan lang talaga." Napansin ko naman ang marahang pagtingala ni Philip na waring nagpipigil ng luha. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita ulit.
"A-alam mo, nabibigla ka lang siguro. Kaya wag na muna nating pag-usapan yan. A-ahmm.. mabuti pa kumain ka na. Baka nagugutom ka na. Sandali bibili lang ako sa labas ng makakain mo."
Akmang palabas na si Philip nang bumukas naman ang pinto at pumasok si nanay at tatay. Bakas sa mukha ni nanay ang pag-aalala at galit naman ang kay tatay.

BINABASA MO ANG
Worth Waiting Love (COMPLETED)
Lãng mạnGood day writers and readers! ❤ feel free to read my story. Ginawa ko po itong mas makatotohanan at naaayon sa kasalukuyang ordinaryong buhay ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan para mas makarelate ang mga magbabasa. Di katulad ng mga nababasa k...