Chapter 18

735 24 2
                                    

MARIEL'S POV


         Ang laki talaga ng pasasalamat ko dahil kay Camille at Philip na tinulungan akong maging masaya naman kahit papaano kagabi kahit sa kabila ng mga pangyayari. 

          Dahil disperas ng Pasko kagabi, dito na naghapunan si Philip at Camille sa bahay namin kasama din ang mga magulang ni Philip na bestfriend naman ng mga magulang ko.

          Masaya akong maalala na Pasko na pala at malamang magkita na ulit kami ni Eduard pero malungkot ako dahil sa nalaman kong may girlfriend na siya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kapag nagkaharap na kami. 

          Gaya ng dati, sabay-sabay kaming nag-umagahan ngayon ni tatay at nanay. At nang matapos kumain, pumunta na sa banyo si tatay para maligo. Samantalang si nanay ay magwawalis daw muna sa bakuran namin at ako naman ay naiwang kumakain sa lamesa. Sa sobrang stress ko kasi ay parang gusto kong kumain ng marami. Ganito ba talaga kapag  broken hearted? Wew! Oo nga noh! Broken hearted na pala ang tawag sa dinaranas ko ngayon. Ganito pala ang feeling. Ang mas malala pa, broken hearted ako pero walang kami.

          Nagulat na lang ako nang mag-vibrate ang cellphone ni tatay na naiwan niya pala sa hapag-kainan. Akala ko ay may tumatawag kaya tiningnan ko kung sino ito pero nalaman kong may nag-text lang pala. Hindi ko na sana bubuksan pero nagtataka ako sa lumabas na notification sa screen. Text message 'yon mula kay Philip at nang basahin ko ang laman ng text message mula sa screen, ang nakalagay dito ay, "tay! Nalaman ko po na mamaya na daw po ang uwi ni...." 


          Putol ang mensahe dahil nasa notification screen lang ito. Naku-curious ako kung bakit magtetext si Philip ng ganoon kay tatay. Gustong-gusto kong malaman kung bakit at ano ba ang gustong sabihin ni Philip. 

          Napagdesisyunan kong buksan na lang ang mensahe ni Philip.

          "tay! Nalaman ko po na mamaya na daw po ang uwi ni Eduard." Iyon ang mensahe ni Philip. 

          Lalong nadagdagan ang pagdududa ko. Napansin kong matagal na ang petsang nakalagay doon sa mga huling usapan ni tatay at ni Philip maliban sa text ni Philip ngayon. Sinimulan kong basahin ang usapan nila simula sa umpisa.



>>>>>>>>>>START OF CONVERSATION<<<<<<<<<<
TATAY: Basta pakibantayan na lang ang anak ko ha! Alam mo namang hindi ko na siya pwedeng bantayan kapag nasa loob ng school.
PHILIP: Oho tay!
PHILIP: Tay! Nakita ko po sila ni Eduard kanina. Nakauniform pa si Eduard para makapasok sa school. Magkasama po sila maghapon.
TATAY: Humanda sa akin 'yang Eduard na 'yan! Hindi niya alam kung paano ako magalit. 
TATAY: Okay na nak! Sinubukan kong magbantay sa gate kanina. Tiningnan ko kung makikipagkita na naman siya sa anak ko at hindi nga ako nagkamali.
TATAY: Binalaan ko lang naman siya at sinabing huwag nang lapitan ang anak ko kung ayaw niyang magkagulo-gulo ang pamilya namin. Mukhang pahiyang-pahiya eh. Sa dami ba naman nang nakakita sa amin. 
PHILIP: Talaga ho tay?
TATAY: Oo pero huwag tayong pakampante. Basta bantayan mo pa rin siya palagi lalo na sa mga aaligid-aligid dyan. Tsaka pakibalitaan mo na lang ako kung kelan ulit ang balik niya dito sa Batangas para maging alerto tayo.

  >>>>>>>>>>END OF CONVERSATION<<<<<<<<<<  

          Natutop ko aking bibig dahil sa mga nabasa ko. Bakit nagawa ni tatay 'yon? Nagawa niya pang ipahiya si Eduard. At pati si Philip na kaibigan at pinagkakatiwalaan ko, kinunsinte pa ang mga pakulo ng tatay ko! Nakakainis!

          Binura ko na ang huling message ni Philip kay tatay upang di na malaman pa ni tatay at binalik kung saan nakalagay kanina ang cellphone ni tatay.

          Nagkunwari akong walang nabasa at tumayo na ako upang magligpit ng pinag-kainan.

          Kaya pala! Kaya pala bigla na lang akong hindi tinetext at tinatawagan ni Eduard.

  - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

          Alas 11 na nang gabi. Kanina pa ako hindi makatulog dahil sa mga nalaman ko tungkol sa mga usapan ni tatay at ni Philip. 

          Dapat ba akong magalit kay Eduard dahil sa pinagpalit niya ako sa iba o magagalit ako kay tatay dahil siya ang may kagagawan kung bakit umiwas sa akin si Eduard at kaya siguro nakahanap na ito ng iba. Arrrggghh! As if naman minahal talaga ako ni Eduard. Hindi naman kami kaya wala akong karapatang magalit. Hays! Ano ba 'to! Ilang araw na akong puyat, ang sakit na sa ulo. 

          Makakatulog na sana ako dahil sa sobrang antok ko, nang mapansin kong umilaw ang phone ko. Inabot ko ito at nakitang may text message mula kay Ramon.

          "Mariel lasing na lasing si Eduard. Kinukulit ako. Gustong-gusto ka na daw niyang makita at makausap pero pinagbawalan daw siya ng tatay mo. Sinabi ko na lang na lapitan niya si Philip dahil ka-vibes nun ang tatay mo." Tila ba nakaramdam naman ako ng pag-aalala kay Eduard na ngayon ay lasing na lasing daw.

          Hindi! Hindi pwedeng kay Philip siya humingi ng tulong. Hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking 'yon.

          "Okay, ganito ang sabihin mo Ramon. Hindi ko siya kakausapin kung ganyan siya. Magpakaayos kamo siya at saka na kami mag-uusap kapag hindi na siya lasing." Iyon naman ang tinugon ko sa message ni Ramon. Hindi ko alam kung tama bang mag-usap o magkita kami kahit ayaw ng tatay ko pero madaming tanong sa isipan ko na gusto kong sagutin niya. Kahit ako, Gusto ko din siyang makausap.

          "Tsaka nga pala, huwag mo na siyang palapitin kay Philip. Sa bahay na lang nila Camille kami mag-usap bukas 5pm. Pero huwag mo nang sabihin sa kanyang idea ko 'to at huwag mo na ding ipaalam ito kay Philip. Please Ramon!"

          "Okay! Copy ma'am!" reply naman ni Ramon.

          "Maka-ma'am ka naman dyan! Uy! Pakibantayan naman si Eduard. Baka mapano siya. Pero mas maigeng ihatid mo na siya pauwi."

          "Uyyyy!!! Concern!" Hindi ko na nireplyan ang message ni Ramon. Totoo naman eh. Concern at nag-aalala ako kay Eduard.

          Readers! Abangan ang muling pagkikita ni Eduard at Mariel sa susunod na chapter!
Please VOTE and COMMENT!
happy reading! :)

#iPAHINAsyon

Worth Waiting Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon