EDUARD'S POV
Nagmamaneho ako ngayon papasok sa trabaho. Ito na ang routine ko ngayon. Sa umaga, pumapasok ako sa trabaho para may ipangbayad naman kami sa ospital. Sa gabi, ako ang nagbabantay kay Mariel sa ospital at uuwi lang ako para magbihis at papasok na ulit sa trabaho.
Dahil sa sobrang pagkalungkot ko, tinigil ko muna ang sasakyan ko sa isang lugar at wala sa sariling nahampas ko ang manubela.
"While the patient is in the process of healing, iexpect po natin na tulog lang siya within a week or in a couple of weeks." Naalala kong sabi ng doktor sa amin.
"My goodness! Limang buwan na Mariel! Bakit hindi ka pa rin gumigising?" Wala sa sariling nasambit ko nang mag-isa.
Sabi ng doktor, hindi na raw normal 'yon. Comatose daw si Mariel ngayon at ang mga aparato na lang ang bumubuhay sa kanya.
Bakit ganoon? Tuwing magiging masaya na sana kami ni Mariel, lagi na lang may hadlang? Hindi ba talaga kami para sa isa't-isa?
Marahan na lang akong napapikit at dahil sa puyat ay di ko namalayang nakatulog na ako.
Nagising ako nang may nangbato sa akin ng unan.
"Hoy unan! Gising na!" Gulat na gulat ako nang makita ko si Mariel na nakatayo sa gilid ng kamang tinutulugan ko. Nakangiti ito at masigla.
"H-hon? A-anong ginagawa mo dito? Diba nasa ospital ka?" Tinawanan lang ako ni Mariel.
"Anong ospital? Wala akong sakit noh? Tingnan mo, ang lakas-lakas ko."
Litong-lito ako sa sinabi ni Mariel pero hindi ko na 'yon inisip. Ang gusto ko lang ngayon ay yakapin siya ng mahigpit. Pero nung papalapit na ako sa kanya, agad niyang iniharang ang mga kamay niya sa akin.
"Op! Op! Op! Dyan ka lang! Huwag kang lalapit!" Napakunot-noo ako sa kanya.
"Hon! Sobrang namiss kita! Gustong-gusto na kitang yakapin at gusto ko din yung yakap mo. Hindi mo ba ako namiss?"
"Oo nga pala, pinapasabi ni Daphnie na sobrang nagpapasalamat daw siya sa'yo dahil itinuring mong tunay na anak si Eman at inalagaan mong mabuti."
"Matagal nang patay si Daphnie. Hon you're acting weird!"
"Bye! I have to go now. Kailangan ko pang gawin ang trabaho ko." Wika ni Mariel sabay talikod sa akin at palabas na ng pintuan.
"Sandali hon! Kagagaling mo lang sa ospital, magtatrabaho ka kaagad?" Parang walang naririnig si Mariel at tuluyan nang isinara ang pinto.
"Hon!!!! Hooon!!!!" Halos mapatid na ang lalamunan ko sa kakasigaw. Hindi ko na rin mabuksan ang pinto. Lungkot na lungkot ako. Pakiramdam ko hindi ko na makikita si Mariel.
Nagising ako nang may masipa akong isang bagay. Isang panaginip lang pala 'yon.
Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon dahil sa panaginip ko.
"Si Mariel! Kailangan ko siyang puntahan." Wika ko sa sarili.
BINABASA MO ANG
Worth Waiting Love (COMPLETED)
Storie d'amoreGood day writers and readers! ❤ feel free to read my story. Ginawa ko po itong mas makatotohanan at naaayon sa kasalukuyang ordinaryong buhay ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan para mas makarelate ang mga magbabasa. Di katulad ng mga nababasa k...