Chapter 10

920 21 0
                                    

MARIEL'S POV

          Mag-aalas 10 na ng gabi, nang makauwi na ang lahat ng bumisita sa birthday ko. Nang matapos kami ni nanay na maglinis ng bahay, nag-good night na ako sa kanila ni tatay.

           "HALA!!!!" Natutop ko ang aking bibig nang pumasok ako sa kwarto at binuksan ang ilaw, Maluha-luha ang aking mata dahil sa mga nakikita ko. Nagkalat ang mga lobo sa paligid, may mga tarpaulin at may mga sticky notes na nakadikit sa buong dingding na sa palagay ko ay may mga nakasulat doon na mga mensahe para sa akin.

          Isinara ko ang pinto at pinagmasdang maigi ang buong kwarto. Niminsan sa buhay ko, hindi ko na-imagine na may mga taong mag-eeffort na gawin ito para sa akin. at kung sinuman ang nag-ayos ng aking kwarto para sa surprise na ito, sigurado akong napagod sila ng sobra.

          Nilapitan ko ang mga sticky notes at isa-isang binasa ang mga nakasulat doon. Di ko mapigilang mapaluha sa mga nababasa ko dahil sa galak.

          Marahang humiga na ako sa aking kama. Pumwesto na ako upang matulog na subalit nang-iipit ko ang aking kamay sa pagitan ng aking unan at kama, may nakapa akong isang bagay na sa aking palagay ay isang papel ito. Nang hugutin ko ito, binuksan kong muli ang ilaw upang tingnan ang papel. Di ako nagkamali, may mensahe din na nakasulat dito.

          "Happy Birthday Mariel! Hindi ko alam kung makikita mo ba ang sulat kong ito o mapupulot ng nanay mo, o kaya naman akalaing basura at madiretso lang sa basurahan. Pero susugal na ako. Hindi ko alam na birthday mo pala ngayon. Sorry if I am not invited pero nandito ako ngayon sa kaarawan mo. Ako talaga ang nag prisinta kela Philip at Ramon na sumama sa pag-hahanda ng surpresa nila para sa'yo. Ito nga ngayon, ako ang inassign ni Philip dito sa pag-aayos ng kwarto mo samantalang nandoon sila ni Ramon sa kusina at naghahanda ng pagkain. Wala akong ibang hiling kundi ang maging masaya ka sa kaarawan mo, magustuhan mo ang mga ginawa namin para sa'yo pati na rin yung cake na binigay ko sayo. Sana dumating din ang araw na matanggap mo ako at matanggap mo ang nararamdaman ko para sa'yo. -----Eduard"  

         Nag-uumapaw na saya ang nararamdaman ko ngayon dahil sa aking nabasa. "Ibig sabihin, nandito siya kanina?! Pero bakit di man lang siya nagpakita sa akin?" Tanging naitanong ko sa aking sarili. 

          Bigla kong naalala kanina, habang nagkakainan ang mga bisita ko, narinig kong may tinawag si nanay mula sa kusina. Sabi ni nanay "hijo, kumain ka na muna at magpahinga. Kanina ka pa nag-aasikaso dito sa kusina. Alam kong pagod ka na rin." pero di ko na napansin kung sino ang kausap ni nanay dahil sa mga bisita kong kinakausap ako. Naalala ko din nung may tumawag sa pangalan ko pero di niya naituloy ang kanyang pagtawag sa akin dahil nag-biro si Philip sa mga bisita sabay bigay sa akin ng plato, kutsara at tinidor. Nang lumingon ako sa pinagmulan ng boses ng tumawag sa akin, wala naman akong nakitang tao doon kaya di ko na lang pinansin. 

          "Oh my! Sa kanya pala talaga galing yung cake at siya ang nanguna sa pag-aayos ng kwarto ko!" Halo-halo na ang aking nararamdaman ngayon. Natutuwa, kinikilig pero nakokonsensya naman ako na hindi ko man lang napasalamatan, nakita o na-entertain man lang si Eduard na nag-effort din naman ng todo-todo sa kaarawan ko.

          "Hays ano ba 'yan! Nakakahiya tuloy. Teka, siya din kaya ang nakita kong lalaking tumakbo palabas ng gate namin kasunod ni Camille? Ayaw niya ba talagang magpakita sa akin? Pero bakit?" Sunod-sunod na tanong ko sa isipan ko.

          Hindi ko mapigilang makonsensya. Ilang araw na din mula nung iniwasan ko nang makipag-usap sa kanya sa text o sa call dahil ayaw ko nang mas mapalapit pa ang loob ko sa kanya, pero nag-effort pa din talaga siya nang bonggang bongga sa birthday ko. 

          Nakita ko nalang ang aking sarili na inabot ang aking cellphone at tinatawagan  si Eduard.

  - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

EDUARD'S POV

          Matapos kong ihatid si Nicole sa kanilang bahay, umuwi na rin ako upang makapag-pahinga na din ako. Nang makahiga na ako sa kama, naramdaman ko na pangangailangan kong mag-pahinga dahil sa pagod ko sa maghapong paghahanda sa birthday ni Mariel. 

          Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. 

          "Eduard! Ganoon na ba talaga ka tindi ang tama mo kay Mariel? Siya lang ang babaeng pinaglalaanan mo nang matinding effort bukod kay Nicole." wika ko sa aking isipan. Napabuntong hininga na lang ako nang maalala ko si Nicole. "Hay! si Nicole, si Nicole na pinakaunang babaeng inibig ko. Naging tapat ako sa kanya at pinaglaanan ko talaga siya ng maraming oras at pagod, mapasaya lang siya. Pero anong ginawa niya? Mas pinili niya pa ang lalaking walang kasing yabang!" 

          Sobra kong minahal si Nicole dati kaya ganoon na lang katindi ang sakit na naramdaman ko sa ginawa niyang pagpalit sa akin. Simula noon, Ayoko na ng seryosong relasyon. 

          Bigla na lamang akong nagmulat ng aking mga mata nang marinig kong nagri-ring ang cellphone ko at may tumatawag. 

          "SI Mariel!" Nasambit ko nang mabasa ko sa screen ng cellphine ko kung sino ang tumatawag, Agad ko naman sinagot ito.

          "Hi Mariel! Namiss kita ah. Di mo na kasi sinasagot ang mga text at tawag ko eh." pambungad na bati ko.

          Narinig kong marahang huminga ng malalim si Mariel bago sumagot. "Eduard, salamat ha! hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya. Maging sila na kasama mo sa paghahanda para sa birthday ko."

          "Alam na pala niya na nandoon ako kanina sa birthday niya. Pero paano? Nabasa na kaya niya ang sulat na iniwan ko sa ilalim ng unan niya?" Tanong ko sa aking isipan.

         "Sobrang na-appreciate ko ang mga ginawa mo. Nabasa ko na nga pala ang sulat mo. Salamat sa effort mo sa pag-aayos ng kwarto ko. Napakaganda! Salamat sa mukang mamahaling cake na binigay mo." dugtong pa niya.

          "Ahmmm.... Wala 'yon Mariel! Deserve mo talagang ang lahat ng 'yon."

          "Salamat talaga pero alam mo. Nakokonsensya talaga ako. Ni hindi man lang kita na-entertain kanina o di kaya eh napasalamatan. Hindi ko naman kasi alam na nandito ka pala."

          "Okay lang 'yun Mariel! Hindi mo pa kasi alam na nandoon ako kanina kaya huwag kang malungkot o makonsensya. Tsaka, eto nga diba? Nagpapasalamat ka na."

          "Hayaan mo! Babawi ako sa'yo"

          "Hindi na kailangan Mariel."

          "Ah basta! Babawi ako sa'yo tandaan mo 'yan!"

          Napangiti naman ako sa sinabi ni Mariel. "Talaga? At paanong bawi naman ang gagawin mo?"

          "Wala pa akong naiisip pero babawi talaga ako kapag may pagkakataon."

          "Ikaw ang bahala! Magpahinga ka na Mariel. Bawal sa'yo ang magpuyat." Nalungkot naman ako nang maalala kong may sakit si Mariel.

          "Sige matutulog na rin ako kasi maaga pa ako bukas sa school. Pinakakanta kasi ako ng dean namin para sa doxology bukas. Sana nga nandoon ka para mapanuod mo rin ako. Kaya lang mahigpit ang mga security doon eh. Hayaan mo. Ipapavideo ko nalang tapos ipapanuod ko sa'yo."

          "Sige, Galingan mo ha. Anong oras ba?"

          "Mga 9 a.m. ang simula eh!"

          Pagkatapos ng  usapan naming iyon, nakaramdam ako ng tuwa na sa wakas unti-unti nang lumalapit ang loob namin ni Mariel sa isa't isa. 

Worth Waiting Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon