MARIEL'S POV
Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ng banyo, masayang mukha agad ni Eduard ang bumungad sa akin.
"Ano hon? Magkaka-baby na ba tayo? Magiging daddy na ba ako?" Masiglang tanong niya sa akin. Wala akong maisagot sa kanya.
Ilang minuto din akong nakatitig sa kanya na walang imik. Napansin ko naman ang unti-unting pagkatunaw ng mga ngiti sa labi ni Eduard. Wala akong magawa kundi yumakap na lang sa kanya.
"Hon, hindi pa eh." Malungkot kong tugon sa tanong niya. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin at ang paghaplos niya sa buhok ko habang nakayakap pa rin ako sa kanya.
Ewan ko ba pero nalulungkot ako dahil pakiramdam ko, nadismaya ko si Eduard. Kahit na alam kong hindi pa ito yung tamang panahon na magbuntis ako dahil hindi pa kami kasal, gusto ko pa ding pasayahin si Eduard at alam kong magiging masaya siya kapag nagkaanak na kami.
"Paano nangyari yon?" Matamlay na saad ni Eduard. "Pero hon okay lang 'yon. Ano ka ba. Wag kang malungkot. Pwede pa naman tayong gumawa ng baby. Ilan ba ang gusto mo?" pang-aalo sa akin ni Eduard. Umalis na ako sa pagkakayakap ko sa kanya sabay hampas sa braso niya.
"Nakakainis ka naman eh!" Hindi naman nakawala sa kanyang paningin ang mga butil ng luha sa mata ko. Marahan niyang hinawakan ang aking pisngi saka pinunasan ang luha ko gamit ang kanyang daliri.
"Hon! Nag-aalala na ako sayo. Bakit ka nagduduwal kung hindi ka pala buntis. Kailangan na siguro kitang dalhin sa doktor. Malay mo nagkamali lang ang pregnancy test diba?"
EDUARD'S POV
Ngayon ang araw ng operasyon ni Mariel. Ilang beses din namin siyang pinilit na magpaopera. Napag-alaman kasi namin na isa pala sa sintomas ng sakit ni Mariel ay ang pagduduwal.
Ngayon lang siya nagkaganito kaya hindi namin akalaing konektado pala ito sa sakit niya. Iyon ang dahilan kung bakit ipinayo sa amin ng doktor na kailangan na niyang magpaopera. Ang kinakatakot ko lang, 50/50 ang labanan. Maaaring magising pa siya o hindi pagkatapos ng operasyon niya. Ayaw naming mamilipit siya sa sakit kaya ginusto na naming magpaopera siya.
Matapos kausapin ni Mariel ang nanay at tatay niya na kararating lang dito sa Maynila kanina, lumabas muna sila ng kwarto dito sa ospital para makapag-usap daw kami ni Mariel.
"Hon! Mas mabuti pa sigurong maghanap ka na ng iba kesa mabyudo ka kaagad o kaya naman mabuhay akong alagain na pagkatapos nito." Wika ni Mariel habang patuloy na lumuluha
"Hon ano ba! Wala akong planong gawin 'yon." Hindi ko na din mapigil sa pag-agos ang mga luha ko. Maisip ko pa lang kasi na wala si Mariel sa buhay ko, hindi ko na kakayanin.
"Eduard gwapo ka at mabuting tao. Maraming babaeng nagkakandarapa sa'yo. Bago pa man tayo magkakilala eh inaasam ka na nila. Hindi mo deserve ang isang katulad ko."
"Hon naman eh! Magpakatatag ka nga! Alam mo namang hindi namin kailangan ng mga ganyang bilin mo ngayon. Ang kailangan namin ay ang katatagan mo okay." wika ko at pagkatapos ay hinawakan ko ang kanyang kamay. "Diba unan mo ako? Nandito lang ako palagi para sa'yo at hindi kita iiwan. Tandaan mo 'yan. Kaya magpagaling ka ha. Alam kong matapang ka! Alam kong kakayanin mo yung operasyon na 'yon." Dugtong ko pa.
"Sir excuse me po! Pero kailangan na pong dalhin sa operating room ang pasyente. Patutulugin na rin po namin siya." Wika ng isang nurse sa amin. Muli kaming nagkatitigan ni Mariel at mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
"Hon! Lumaban ka ha! Kayanin mo. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka pa. Marami pa tayong pangarap na aabutin. I love you so much!" Wika ko sabay halik sa kanyang kamay. Marahang hinaplos ni Mariel ang pisngi ko.
"I love you too hon."
Matapos icheck ang vitals niya ay dinala na nga siya sa operating room. Samantalang naiwan kami sa labas ng kwarto kasama sina tatay Greg, nanay Glenda at si Natnat.
BINABASA MO ANG
Worth Waiting Love (COMPLETED)
RomanceGood day writers and readers! ❤ feel free to read my story. Ginawa ko po itong mas makatotohanan at naaayon sa kasalukuyang ordinaryong buhay ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan para mas makarelate ang mga magbabasa. Di katulad ng mga nababasa k...