Chapter 3 "kabang dulot ni ama"

1.2K 33 0
                                    

        Dahil desidido si Eduard na makuha ang atensyon ni Mariel, nakagawa siya ng paraan para makakuha ng kopya ng schedule ng klase ni Mariel. Kinabukasan, maagang umuwi sila Mariel dahil lumiban ang professor nila sa huling klase nila.

        "whooo! Mag-iisang oras na akong nag-aantay kay Mariel ah. Bakit kaya hindi pa lumalabas 'yon?" wika ni Eduard na nag-aantay kay Mariel sa tapat ng campus habang hawak-hawak ang isang papel na naglalaman ng mga impormasyong tungkol kay Mariel.

        "Tama naman ang pagkakabasa ko dito sa schedule niya." Dugtong pa niya at maya-maya ay napatingin siya sa contact number na nakasulat sa papel.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - -

            Kasalukuyang bumibili si Mariel ng cake dahil kaarawan ngayon ng kanyang ina. Maya-maya, ay narinig niyang tumutunog ang cellphone niya. Ang akala niya ay ang tatay niya ang tumatawag sa kanya. Pinag-planuhan kasi nila ang surpresang para sa kanyang nanay. Pero nang makita niya ang nakaregister sa cellphone niya......

        "Unknown number? At sino naman kaya ito?" nagtatakang sabi ni Mariel sabay sagot sa tumatawag sa cellphone.

            "Hello! Sino po sila?" bungad na tanong ni Mariel.

            "Hi Mariel Santos!" tinig iyon ng isang lalaki.

            Napakunot noo siya. "Hindi ako nagkakamali. Boses ni Eduard 'yon. Pero paano niya kaya nakuha ang contact number ko? Hinding-hindi naman ako basta-bastang nag-bibibgay ng number ko at lalong hindi ko binigay sa kanya 'yon!" wika niya sa kanyang isipan. "Eduard?....... Ho-How did you get my number?"

        "Oh! Beautiful Mariel. Ang galing mo naman. Nakilala mo agad ako." napangiti naman si Eduard. "Madali lang 'yon. Sabi nga nila, kapag gusto, palaging merong paraan." pag-papaliwanag ni Eduard.

        "So? Gusto niya ako?" bulong niya sa sarili. Napapangiti siya at parang gustong tumalon sa tuwa ng puso niya. "ay! Assuming ka masyado te! Di ba pwedeng gusto ka lang niyang matawagan at mapagtripan?" pangbabara naman ng kanyang konsensya. "ah!.... gano'n ba?" sagot niya sa kausap na nasa kabilang linya.

            "oo gano'n na nga. Teka! Nasa'n ka ba ha?"

            "huh! At bakit mo naman kailangang malaman?"

            "ahmmmmm...... wala! gusto ko lang. Asan ka nga?"

            "Hindi ko sasabihin. Ayaw mong sagutin ang tanong ko eh."

            "okay fine! Kitakits na lang sa bahay nyo mamaya ah. Payag ka ba?"

            Napatawa si Mariel, "As if naman alam mo ang address ng bahay namin. Haha! Sige! Pumunta ka pero ingat ka, baka ibang Mariel ang mapuntahan mo." Pang-aasar ni Mariel.

            "Okay! Pumayag ka ah. Sige bye na."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - -

        Medyo natagalan si Mariel sa pagbili ng cake at ng iba pang pagkain na isu-surpresa nila sa kanyang ina. At nang makababa na siya sa tricycle na sinakyan niya sa tapat ng bahay nila, May narinig siyang nagsalita sa likosd niya, "Hi Mariel!"

        "Ay! Ano ba 'yon!" gulat na sabi ni Mariel pero mas nagulat pa siya nang tumalikod siya at nakita si Eduard na ngiting-ngiti sa kanya.

Worth Waiting Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon