Chapter 42

738 17 2
                                    

MARIEL'S POV

AFTER 2 WEEKS

          "Hi hon!" Bati ko kay Eduard ng huminto na ang sinasakyan niyang motor sa tapat ng bahay namin sa Batangas.

          "Hello! I love you!" tugon ni Eduard nang matanggal niya ang suot niyang helmet.

          "I love you too!" Wika ko naman saka halik sa pisngi niya.

          "It would be better if you kiss me on my lips." Kinindatan pa ako ni Eduard at nginitian ng nakakaloko.

          "Tse! Tumigil ka! Oh ano? Ready ka na ba?"

          "Eto naman! Naglalambing lang. Pang pawala ng kaba."  Wika ni Eduard habang nakapout ang lips niya. "Ay hon! Tingnan mo naman ang porma ko ngayon. Bagay ba? Tsaka yung pabango ko, okay lang ba?" Dugtong ni Eduard habang nakatayo na siya sa harapan ko. Natatawa na lang ako sa inaasta niya.

          "Ano ka ba hon. Para kang manliligaw sa chix!" Pinisil ko pa ang ilong niya tsaka inayos ng konti ang buhok niyang medyo nagulo ng helmet. "Just be yourself okay?"

          "Kinakabahan kasi talaga ako eh." Ngayon ang kaarawan ng tatay ko at pinapunta niya dito si Eduard para naman daw mas magkakilala pa sila. Eto namang boyfriend ko, ewan ko ba! May phoebia na ata sa tatay ko kaya kabadong-kabado.

          Niyaya ko na si Eduard na pumasok na sa bahay. Nang maalala naman niyang may mga dala nga pala siya. Doon ko lang napansin na may nakataling karton na nakapatong sa likod ng motor niya at may plastik pang nakasabit sa manubela ng motor niya.

          "Oh! ang dami mo namang dala. Ano ba yang mga 'yan?"

            "Birthday cake para sa tatay mo tsaka pasalubong ko kay nanay Glenda at kay Natnat."

          "Ay sus! Nag-abala ka pa!"

          "Syempre!"

          "Eh sa akin? Wala?" Sinadya kong maging tonong nagtatampo ang boses ko.

          "Pwede ba naman 'yon? May chocolates akong dala para sa'yo."

          Nagkunwari pa akong nagtatampo tapos ay niyaya ko na siyang pumasok sa bahay. Pinaupo ko na siya sa sala at nilapag naman niya ang mga dala niya sa center table.

          "Tay? Tay nandito na po si Eduard."

          "Sige sandali lang anak."

          "Kinakabahan ako whooo!" Pabulong na saad sa akin ni Eduard habang nakahawak siya sa dibdib niya. Natatawa na lang ako sa kanya. Napansin ko ngang hindi siya makaupo ng maayos.

          "Be yourself and relax!" Nakangiti naman ako habang sinasabi ko sa kanya yon at maya-maya nga ay dumating na si tatay sa sala mula sa kusina. Agad naman na tumayo si Eduard at nagmano sa tatay ko.

          "Happy birthday po tit..."

          "Tatay!" Wika ni tatay. "Tatay na lang. Tsaka nagmano ka pa talaga. Masyado mo naman akong pinapatanda." Nagtawanan nalang kaming tatlo.

          "Tay! May dala nga po pala si Eduard na cake para sa inyo."

          "Ganun ba? Salamat hijo!"

          Ilang sandali pa, iniwan ko muna sila tatay at si Eduard sa sala at inayos ko naman ang mga dala ni Eduard sa kusina. Naghanda na rin ako dahil magluluto kami ngayon ni nanay. Si nanay pala, namalengke at si Natnat naman ay mahimbing ang tulog sa kwarto.

          Matapos ang 30 minutes, naisipan kong magwalis muna ng bahay habang wala pa si nanay.

          Malapit na sa sala ang winawalis ko nang mapansin ko si Eduard na nagkukutingting ng videoke. Dumating na pala ang inarkila ni tatay na videoke.

          "Pssst! Mr. Pogi!" Natatawa ako habang pinagtitripan ko si Eduard na seryoso sa kung anong inaayos niya dun sa videoke. Hindi ata narinig ni Eduard ang bulong ko kaya inulit ko.

          "Hi mr. Pogi! Can I get your number?" Marahang lumingon sa akin si Eduard at nang makita niya ako ay sumagot naman siya.

          "Sorry miss! Alam kong pogi ako pero... taken na ako" nagkunwari naman akong malungkot habang patuloy lang ako sa pagwawalis.

          "Ganun ba? Sayang naman! Naghahanap pa naman ako ng textmate."

          "May kilala ako. Naghahanap din siya ng textmate. Gusto mo ba? Pango nga lang yun. Ramon ang pangalan niya." Napahalakhak na lang kami sa sinabi ni Eduard.

          "Hoy!!! Lagot ka kay Ramon! Isusumbong kita!"

          "Shhh!!! Atin atin lang yon!" Natawa na naman kaming dalawa.

          "Teka! Nasaan na ba si tatay? At ano bang ginagawa mo dyan sa videoke? Sinisira mo?"

          "Sinet-up na namin ni tatay itong videoke. Kakaalis lang ni tatay. Nanghiram ng microphone sa kapitbahay. Grounded naman kasi tong kasama ng videoke eh!" Nanibago naman ako nang tawagin niyang tatay ang tatay ko. Well, mas maganda naman 'yon.

         "Weh? Marunong ka bang mag-ayos ng mga ganyan? Baka makasira ka ha. Magbayad pa tayo."

         "Hindi mo naitatanong eh ako ang taga-ayos sa bahay ng mga sirang gamit. Mas mabuti pa nga atang bumili tayo ng sariling atin para magamit kahit araw-araw ng walang upa. Alam ko na! Ganito na lang ang ireregalo ko sa tatay mo sa susunod."

          "Sus! Wag na! Ang mahal kaya nun. Talaga namang nagpapagoodvibes kay tatay eh. Nga pala! Tiyak mag-iinuman na naman yan sila tatay mamaya kasama yung mga tropapips nIya. Tsaka dadating din ata ang mga tito tita at mga pinsan ko kaya ikaw, wag kang iinom ha kundi malalagot ka talaga sa akin." pagbabanta ko kay Eduard.

            "Depende!" tugon ni Eduard na parang nang-aasar pa sa akin.

            "Hay naku! Bahala ka sa buhay mo! Tabi nga dyan! Wawalisin ko muna yang pwesto mo." Kung kanina ay pinagtitripan ko siya, mukhang ngayon, ako naman ang balak niyang pagtripan.

            "Mukhang mas dapat pa ata akong matakot sa future misis ko kaysa kay tatay Greg ah!" Natatawang saad ni Eduard habang tumatayo at lumipat muna siya ng pwesto. Medyo kinilig naman ako sa term na ginamit niya na future misis. Jusko! "Mukhang a-underin mo ako ah!" Dugtong pa niya.

          Naputol na ang usapan namin nang dumating na si tatay. Lihim din ako sumusulyap sa kanila habang may inaayos sila at natutuwa naman ako sa nakikitang kong okay na sila.

Worth Waiting Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon