EDUARD'S POV
Masaya ako habang katext ko si Mariel pero hindi ko inaasahan ang dadating na bisita namin. Si Nicole 'yun kasama ang mama niya.
"Hey! Happy New Year!" masayang bati ng dalawa at napalingon na lang si nanay at si Eunice sa bisita namin.
"Ate Nicole!!!!" masayang bati ng makulit kong kapatid sabay takbo at yakap pa kay Nicole. Ang nanay naman ni Nicole ay dumiretso na sa kusina kung saan nakaupo si nanay at saka nagkwentuhan. Kanina pa siguro alam ni nanay na dadating sila.
"Oh hi! Ang laki mo na ah!" bati naman ni Nicole at pagkatapos ay umupo sila sa tabi ko. Nagkwentuhan muna ang dalawa samantalang ako, nagfocus sa panonood ng tv at pagrereply sa text ni Mariel. Sinabi ko na rin sa kanyang nandito ngayon si Nicole sa amin.
"Uy Eduard!" pagtawag pansin sa akin ni Nicole kaya nilingon ko siya. "Hindi mo man lang ba ako babatiin" dugtong pa niya.
"Magandang tanghali!" pilosopong pagbati ko na lang sa kanya dahil ayaw ko sana siyang kausapin.
Marahang hinampas naman ako sa braso ni Nicole. "Ikaw talaga, hindi ka pa rin nagbabago." wika niya sabay sandal sa braso ko.
"Ah ganun ba? Okay." Iyon lang ang tanging reply ni Mariel. Mukhang galit ata ah. Hindi naman kasi siya ganoon mag-reply.
Naiirita na ako sa pag-sandal sa akin ni Nicole. Alam kong kaya siya ganyan dahil may kahulugan 'yon. Nung isang araw, bigla na lang akong nakatanggap ng text mula sa kanya na nagsasabing namimiss niya na daw ako at gusto niyang makipagbalikan sa akin. What The! Pagkatapos ng lahat ng sakit na naranasan ko dahil sa ginawa niya at hirap ko sa pagmu-move matapos niya akong itwo timer at iwan ay ganoon nalang siya kadaling makikipagbalikan sa akin! No way!
Mahal ko si Mariel at mayroon akong gustong patunayan sa kanya at sa tatay niya. Pilit ko nang binabago ang sarili ko at nagtatapat sa girlfriend ko. Oo aaminin ko, mahirap pero kung hindi ako magbabago, paulit-ulit ko lang masasaktan ang babaeng mahal ko.
Nakaisip ako ng ideya!
"Pre nasan ka? Tara magbasketball!" Tinext ko si Ramon. Hay! Sana nga nandyan siya. Okay lang kahit mainit magbasketball ngayon, basta makaalis lang ako dito.
"Galit ka ba? Huwag ka nang magalit mahal. Kaya nga ipinaalam ko sa'yo diba? Wait lang mahal ko ha. May aasikasuhin lang ako." Tinext ko naman ang girlfriend ko. Bahala na kung wala si Ramon dyan. Basta gagawa ako ng paraan para makaalis ako dito.
Maya-maya, biglang dumating si Ramon sa pintuan namin.
"Pre wala akong load. Tara na magbasketball!" bungad kaagad ni Ramon na mukhang di napansin na nandoon si Nicole dahil di na siya pumasok sa bahay.
"Oh yeah! You're my savior Ramon! I love you pre!" nakangiti kong saad. Saka nagpaalam muna ako kela nanay. Bahala na kung isipin ni Nicole na bastos ako dahil bisita ko sila at di ko man lang siya inentertain tapos aalisan ko pa pero nagpapaka-goodboy lang naman ako sa girlfriend ko eh.
Nasa court na kami nang maalala kong naiwan ko pala ang phone ko sa upuan. Gustuhin ko mang balikan pero huwag na lang at baka di na ako makaalis ulit.
Hapon na nang magdesisyon akong umuwi. Wala na pala ang mga bisita namin. Hinanap ko agad ang phone ko at nakita kong may text si Mariel. "Matutulog muna ako. Sobrang sakit ng ulo ko." agad naman akong nakaramdam ng pag-aalala dahil sa nabasa ko.
Rereplyan ko na sana siya nang biglang makita kong tumatawag naman si Tito Arman sa phone ko at agad ko namang sinagot ito.
"Hello tito! Happy New Year po! Kamusta naman po kayo dyan?"
"Happy New Year din Eduard. Naku eto! Kaya nga rin ako napatawag dahil ibabalita ko sa'yong umurong ang kliyente natin. Kaya mukhang tengga tayo ngayong January. Maghanap-hanap muna tayo ng ibang mapagkakakitaan. Ikaw ang bahala kung dyan ka muna o dito." magkahalo ang naramdaman ko sa balita ni tito Arman. Malungkot na wala akong maaasahang trabaho ngayong january pero masaya dahil sa naisip kong may mas malaking posibilidad na madaming beses pa ulit kaming magkita ni Mariel. Siguradong matutuwa 'yon kapag binalita ko sa kanya 'yon.
Saglit pa kaming nag-usap ni tito Arman at pagkatapos ay sinabi niyang babalitaan na lamang niya ako kapag may kliyente na ulit.
Matapos ang usapan namin, bigla ko namang naalala ang huling text ni Mariel. Muling nanumbalik ang pag-aalala ko. Dahil sa sobrang pag-aalala ko, hindi na text ang ginawa ko kundi tawag.
"The number you have dialed is either unattended..." Hindi ko na tinapos ang pagsasalita nung operator at ilang beses ko pa ulit sinubukan siyang tawagan pero ganoon pa rin ang sagot ng operator.
"Oh God! What's happening? Galit ba siya o Lowbat ang phone niya?" mahinang sambit ko sa sarili. Wala sa sariling naihilamos ko ang aking mga palad sa aking mukha. Sobra na akong nag-aalala.
BINABASA MO ANG
Worth Waiting Love (COMPLETED)
RomanceGood day writers and readers! ❤ feel free to read my story. Ginawa ko po itong mas makatotohanan at naaayon sa kasalukuyang ordinaryong buhay ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan para mas makarelate ang mga magbabasa. Di katulad ng mga nababasa k...