CHAPTER 31

743 13 0
                                    

EDUARD'S POV

Matapos kong magluto ng umagahan namin ni Mariel, gigisingin ko na sana si Mariel para makakain na nang sakto namang dumating na si nanay mula sa pamamalengke . Tinulungan ko siyang ilagay sa lamesa ang mga pinamili nya.

Napansin ko ngang medyo matamlay si nanay.

"Nay, may problema po ba?"

Umupo si nanay sa upuan at pinaupo niya rin ako sa upuang nasa harap niya. Kinakabahan ako sa mga kinikilos ni nanay.

"Anak, kausap ko ang tito Arman mo kanina." Matamlay na wika ni nanay. "Anak bakit naman ganoon? May Mariel ka na pero magkakaanak na pala kayo nung Daphnie!" Ilang segundo din akong hindi makagalaw dahil sa matinding rebelasyon ni nanay.

Nginitian ko na lang si nanay ng malabnaw, "Nay naman oh! Ang aga-aga, pinagtitripan nyo ho ako."

Mas lalo lang naging malungkot ang awra ng mukha ni nanay. "Sana nga trip lang ito. Pero totoo 'to." Huminga ng malalim si nanay saka ulit nagsalita. "Huwag mo namang gayahin ang tatay mo!" Dahil sa sinabi ni nanay, unti-unti nang nagsisink-in sa akin na totoo pala talaga ito. Pero paano na?

"Sino ba yung Daphnie na 'yon?"

"Nay ex ko po siya. Pero nay, hindi ko po mahal si Daphnie. Lasing lang po ak..." di ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita ulit si nanay.

"Anak ganyang-ganyan ang nangyari sa amin ng tatay mo. Gusto mo bang maranasan ng magiging anak nyo nung Daphnie na 'yon ang naranasan mo ha? Na lumaki siyang walang ama? At alam mo naman kung anong hirap ang dinanas ko nung iniwan tayo ng tatay mo. Ganoon din ang mararanasan ni Daphnie kung iiwan mo siya," tuluyan ng rumagasa ang mga luha sa aking mga mata. Alam ko kung gaano kahirap ang lumaking walang ama at maging ang hirap na dinanas ni nanay pero paano na si Mariel? Paano na ang babaeng mahal ko? Hindi ko siya kayang iwan at lalong hindi ko siya kayang ipagpalit kay Daphnie.

"Nay si Mariel ho ang mahal na mahal ko."

"Anak sa ayaw at sa gusto mo, Kailangan mong mamili ng isa sa kanila. At sa tingin ko, 'yun ay si Daphnie dahil magkakaanak na kayo!"

"Nay hindi po pwed..." hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko ng makarinig ako ng malakas na pagsara ng pinto. Agad kong naalala si Mariel na nasa kwarto ko kaya mabilis ko din siyang pinuntahan.

"Mariel!!!" Isang malakas na sampal ang inilahad sa akin ni Mariel. Pagkatapos ay napahagulgol na siya.

"Paano mo nagawa sa akin 'to Eduard?!!! Paano???"

"Mariel lasing ako noon."

"Akala ko ba wala kang nararamdaman sa kanya? Bakit mo hinayaang mangyari 'yon?"

"Mariel lasing nga ako noon!"

"Ganon lang? Ganon lang kadali sayong magdahilan! Pero wala ka ng magagawa! Nagbunga na ang ginawa nyo! Aalis na ako!" Akmang tumalikod na si Mariel saka ko naman hinawakan ang kamay niya upang pigilan siya.

"Mariel please! Huwag mo akong iwan! Mahal na mahal kita! Pag-usapan muna nat..."

"Ano ba? Wala na tayong dapat pag-usapan! Wala na tayong dapat ayusin dahil kahit kailan, hindi mo na mabubura ang katotohanan na may anak na kayo ng ex mo! Tapos! Magpakasaya kayo! Goodbye!"

"Mariel wait!!!" Muli ko na namang pinigilan si Mariel. Tumigil siya sa paglakad habang nakatalikod siya sa akin ng mapansin kong nanginginig ang buong katawan niya at unti-unti na siyang pabagsak sa sahig.

"Mariel? Mariel!!!!!!!" Sigaw ako ng sigaw ng saluhin ko siya at mapansin kong tumitirik ang mga mata niya at patuloy na nanginginig ang buong katawan niya.

Agad ko namang sinugod si Mariel sa pinakamalapit na hospital.

Worth Waiting Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon