"Uuwi ako dyan sa isang linggo. Birthday kasi ng mama ko. Hindi ako nakauwi nung nakaraang taon kaya babawi ako ngayon. Tsaka gusto na ulit kitang makita." Gulat na gulat si Mariel sa kanyang nabasa. Bigla siyang nakaramdam ng matinding kasiyahan at pananabik. Magkikita na ulit sila ni Eduard. Hindi na napigilan pa ni Mariel ang ngumiti habang binabasa ang text message. Dalawang buwan na ring nakagawian ng dalawa ang mag-usap mapatext o call tuwing gabi.
"I-tag mo yung tropa mong may palabirong cellphone." Pang·gulat na bati ni Camille kay Mariel na nahuli niyang ngiting ngiti habang hawak ang kanyang cellphone. Ngayong gabi, napagkasunduan nila Mariel at Camille na mag-overnight sa bahay nila Mariel dahil may importanteng pinuntahan ang mga magulang nito sa Maynila.
"Nakakagulat ka naman friend eh! Overnight is real! Dito mo nalang ilagay ang bag mo." Tugon naman ni Mariel.
"Friend kelan ka pa natutong ngumiti mag-isa?" Pangungulit ni Camille kay Mariel. Sabay upo sa tabi ng dalaga. "Hmmm....... Friend ah! I smell something fishy! Sino kaya ang may kagagawan ng mga ngiti na yan?" Dugtong pa nito.
"Tumigil ka nga. Anong gusto mong ulamin?" Ani Mariel.
"Friend! Wag mong ibahin ang usapan. Nakoooo!!? Mukang nagdadalaga ka na. Pakilala mo naman sa 'kin yan." Pangungulit na naman ni Camille.
"At sino naman ang ipapakilala ko sa'yo?"
Saglit na napatigil si Camille. Maya-maya pa ay lumaki ang mga mata nito at bumuka ang bibig. "Huwag mong sabihing....... si mr.pogi?" Naghagalpakan ang dalawa. "Friend ang haba ng hair mo! Totoo ba 'yan?" Halos naghahampasan na ang dalawa dahil sa kakiligan. "Huy! Ano friend? Nililigawan ka ba niya? Sabihin mo na!"
Hindi malaman ni Mariel ang gagawin niya. Kahit anong pigil ang gawin niya para hindi siya mahalata ng kaibigan niya ay hindi niya magawa. Hanggang sa napilitan na siyang magkwento, isinalaysay niya ang lahat lahat tungkol kay Eduard pati ang nalalapit na pag-uwi nito.
"Alam mo friend ang masasabi ko lang, base sa mga kwento mo, parang may pagkamayabang siya or bossy. Pero sweet din naman at the same time. Happy ako para sa'yo friend. Pero ito ang tatandaan mo. Dalawa lang 'yan eh. Pwedeng totoo ngang nanliligaw siya sa'yo. Kaya lang parang may pagkamalabo yueg way niya ng panliligaw eh, o kaya naman, ganun lang talaga siya sa lahat ng babaeng kakilala niya." Bigla namang natunaw ang mga ngiti sa labi ni Mariel habang pinakikinggan ang sinasabi ni Camille. "Kaya ikaw friend, huwag masyadong todo bigay ha! Baka naman ikaw lang 'tong inlove na inlove. Gan'to kasi yan e. Kung kakampi mo ang isang tao, kapag may narinig kang mga paninirang balita tungkol sa kanya, hindi mo paniniwalaan 'yon kasi kakampi mo siya eh. Pero kung di mo siya kakampi, kapag may narinig kang mga paninira tungkol sa kanya, kakalkalin mo pa yung buhay niya at magiging madali lang sa'yong paniwalaan 'yon. Gets mo? Baka inlove na inlove ka na kay mr.sogi kaya kahit yung mga ginagawa nyang mga bagay e binibigyan mo ng meaning na nililigawan ka niya." Pagpapaliwanag ni Camille.
"Ang nega mo friend! Ayoko na nga magkwento." Sabay hagis ng unan kay Camille. Natawa na lang si Camille at sinabing, "Friend napagdaanan ko na kasi yan."
Humiga na si Mariel sa kama at sinabi, "May punto ka naman eh. Pero kahit anong pigil ko sa sarili ko, kahit ayokong umasa, ginugusto ko pa din. Haaay!! Friend di ko na maintindihan ang sarili ko Inlove na ba talaga ako sa kanya? Napaka-easy to get ko naman! Arrrgggghhhhh!!!" Seryosong nasambit ni Mariel.
"Ano ka ba! Huwag mong isipin 'yan! Naiintindihan naman kita. Siguro masyado ka lang nag-eenjoy ngayon sa mga ginagawa ni Eduard kasi remember? It's your first time. Pero kung mahal mo na siya, alam na alam 'yan ng puso mo. Sa puso mo itanong. " Salaysay ni Camille sabay tawa na may halong pang-aasar.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Hatinggabi na, pero hindi makatulog si Mariel. Pinagbulaybulayan niya ang mga sinabi ni Camille kanina.
"Paano kung tama si Camille? Paano kung assuming lang talaga ako? Hay! Ang sakit naman no'n." Bigla na lamang nakaramdam si Mariel ng lungkot at kirot sa kanyang puso. Kasabay noon ay ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.
"Siguro dapat, maglaylo muna ako. Dapat umiwas na ako sa kanya. Mas safe ako doon." Dugtong pa niya.
😉💭
DEAR Readers!
Salamat po sa pagbabasa nyo sa story ko. Sana po magustuhan nyo.
Pampa-inspire naman po dyan. Kahit 5 votes and 3 comments. Thanks!
Please Follow me and vote for this story! ❤
Happy Reading! 😃
#iPAHINAsyon
BINABASA MO ANG
Worth Waiting Love (COMPLETED)
RomanceGood day writers and readers! ❤ feel free to read my story. Ginawa ko po itong mas makatotohanan at naaayon sa kasalukuyang ordinaryong buhay ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan para mas makarelate ang mga magbabasa. Di katulad ng mga nababasa k...