Chapter 19

708 20 0
                                    

          "Pasok ka na friend. Kanina pa siya nandoon sa loob." Saad ni Camille sa akin pagdating ko sa gate na naging dahilan upang madagdagan ang kaba sa aking dibdib sa muli naming pagkikita.

          Pagpasok namin sa sala, nakita kong tumayo na si Eduard habang nakatingin sa akin.

           "A-ahmn.... sige mag-usap lang kayo dyan. Doon na muna kami ni Ramon sa kusina." Wika ni Camille sabay lakad patungo sa kusina.

          Nanatili kaming nakatayo ni Eduard habang nakatitig kami sa isa't-isa na para bang nagpapakiramdaman kami kung sinong unang magsalita.

          "Mariel!" Bungad ni Eduard na mukhang tensiyonado na ngayon. Nang marinig ko ang tinig na 'yon muling bumalik sa alaala ko ang mga oras na hindi niya alam na pinupuno niya ng saya ang puso ko. Kay tagal ko ding inasam na marinig ulit kahit yung boses nya lang sa phone. Pero nasa harap ko na siya ngayon.

          "E-eduard!" Nauutal kong tugon. Unti-unting lumapit si Eduard sa aking harapan.

          "Mariel I'm sorry kung hindi kita mareplyan o masagot man lang ang...."

          "Alam ko na ang dahilan Eduard." Pagputol ko sa pagsasalita niya. "Si Philip, madalas niya akong minamanmanan at siya ang nagsabi kay tatay na maghapon tayong nagkasama sa school. Kaya kinabukasan, binantayan ka ng tatay ko sa gate at nang dumating ka nga, binalaan ka niya!"

          "A-ano? Si Philip?!!!" Gulat na gulat si Eduard sa kanyang narinig,

          "Oo. Aksidente kong nabasa ang usapan nilang dalawa sa cellphone ng tatay ko." Napabuntong hininga na lang si Eduard, "kaya naiintindihan na kita. Pero Eduard.... hindi mo alam kung gaano ako nasaktan nang malaman kong may girlfriend ka na!" Hindi ko na napigilan ang rumaragasang mga luha sa aking mga mata.

          "Mariel!" Tanging na sambit ni Eduard na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.

           "Nung huling gabing sinubukan kong tawagan ka, yung girlfriend mo ang nakasagot. I'm sorry Eduard pero sobra akong nasaktan! Mahal na kasi kita Eduard! Mahal na mahal!" Natutop ko ang aking bibig dahil sa gulat sa sinabi ko.

          "Oh my God! Hindi ko ineexpect na sa akin pa magmumula ito. Pero tama ang narinig mo Eduard! Mahal na mahal kita kaya ganoon na lang kasakit para sa akin nang malaman kong may girlfriend ka na. I'm sorry dahil inisip kong mahal mo din ako at inantay kong sa'yo magmula 'yon pero malabo pala 'yon! Sino nga ba ako para....."

          "Shhh!!! Mariel stop it!" Marahang inilagay ni Eduard sa aking mga labi ang kanyang hintuturo para patigilin ako sa pagsasalita.

          "Hindi mo kailangang mag-sorry. In fact, ako ang dapat na magsorry sa'yo. Sorry kung naging mahina ako. Noon pa lang, mahal na kita Mariel pero natakot akong aminin sa'yo. Pagkatapos nang pagkabigo ko kay Nicole, wala na akong sineryosong babae. Minsan pinagsasabay ko pa sila. Pero Mariel noong nakilala kita, gusto kong ituring kang iba. Yung mas espesyal kaysa iba. Naging duwag nga lang ako! Natakot akong magaya lang kita sa mga babaeng dumaan sa buhay ko. Ang gusto ko, kung aamin man ako sa'yo, dapat siguradong sigurado na ako at may mapapatunayan na ako sa tatay mo. Mahal na mahal kita Mariel. Hindi mo alam kung gaano naging mahirap para sa akin ang pigilan ang sarili kong sagutin ang tawag mo o replyan ang mga text mo." Wika ni Eduard na ngayon ay lumuluha na rin.

          "Oo nga Eduard! Naging duwag ka! Eduard yung laman ng puso mo, pakiramdam lang 'yan! Pero meron kang isip para tingnan kunp tama ba ito o mali at pumili ng desisyon."

          Tumango-tango naman si Eduard. "Yeah! Tama ang lahat ng sinabi mo. Naging mahina ako. I'm sorry! Lahat ng tao ay may kahinaan at yun ang kahinaan ko pero Mariel mahal kita! Tulungan mo ako! Lumaban tayong pareho." Saad ni Eduard habang hinahawakan ng mahigpit ang aking mga kamay.

           "How about your.."

          "Nothing to worry about her." Pagputol ni Eduard sa aking pagsasalita. Ipinaliwanag niya sa akin ang lahat ng tungkol kay Daphnie at nalaman kong matagal na pala siyang nakikipag-hiwalay dito pero nagpupumilit lang si Daphnie. "Mariel masaya akong malaman na we do have mutual feelings to each other. Willing akong ipaglaban ang pag-ibig ko sa'yo." dugtong pa niya.

           "Sabi mo, nahahabag ka lang kay Daphnie kapag nagmamakaawa siyang huwag mo siyang hiwalayan? Eduard kaya mo ba ginagawa sa akin 'to ay dahil naaawa ka lang sa akin dahil may sakit ako?"

         "No!" Mabilis na sagot ni Eduard. "I love you so much at gusto kong patunayan sa'yo 'yon at maging sa tatay mo, na sincere ako sa nararamdaman ko sa'yo. Maniwala ka naman sana!"

          "Thank you Eduard. I love you too! Sige, huwag kang mag-alala. Pareho tayong lalaban okay? Kahit si tatay pa ang humadlang sa atin."

          "Does it mean, you'll accept me as your....... as your boyfriend?" Jusko! Ang bilis naman Eduard! Pero sa bagay, kung titingnan eh, panliligaw na rin naman ang mga ginawa mong effort dati. Hindi ka nga lang umamin kaya akala ko wala lang 'yon at ano pa bang magagawa natin? Eto na tayo oh! We both fell in love with each other.

          Nginitian ko si Eduard ng ubod tamis sabay tumango-tango bilang sagot sa tanong niya. "Yes Eduard!"

          Kitang-kita ang kinang sa mga mata ni Eduard at ngumiti din siya ng ubod tamis. "Pwede ba kitang yakapin?"

          Sineswerte ang mokong! Pero mahal ko naman ang gwapong mokong na 'to kaya pagbigyan na. Mabuti nga at nagpapaalam pa. Tumango na lang ako. At nang yakapin niya ako, doon ko naramdamang meron pala talagang lalaking magmamahal sa akin. Naramdaman kong ligtas ako sa piling niya at ayaw ko nang mawala pa siya sa tabi ko.

          Pareho kaming lumuluha sa saya ngayon. At nang maghiwalay kami mula sa pagkakayakap, hinawakan naman niya ang kamay ko at nagsabing, "Tara doon sa kusina. I prepared something for you."

Worth Waiting Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon