Chapter 22

654 18 2
                                    


MARIEL'S POV

          Alas 7 na ng umaga at bukas ng gabi, sasalubungin na ang bagong taon. Kaya isinama ako ni nanay sa pamamalengke.

          "Anak! mabuti pa, maghiwalay tayo. Oh ito, ikaw ang mamili ng mga prutas at pang salad. Ako naman maghahanap ako ng isda at manok."

          "Mabuti pa nga ho nay!" Madami-dami kaming bibilhin ngayon ni nanay dahil magdadatingan daw ang mga kapatid ni tatay at mga pinsan ko mamayang hapon dahil dito daw nila gustong salubungin ang bagong taon.

          Maya-maya, naghiwalay na kami ni nanay. Napakaraming tao sa palengke ngayon. Nang makabili na ako ng apple, orange at ubas, sunod ko namang hinanap ang mabibilhan ko ng pakwan.

          Maya-maya pa, biglang may nakasagi sa dala-dala kong basket at biglang nahulog yung dalawang apple. Pinulot ko na yung isa at nang pupulutin ko na yung isang apple, nagulat ako ng may makasabay ako sa paghawak nito. Nang iangat ko ang aking ulo, ay nagulat ako sa aking nakita.

          "E-eduard?" Gulat na gulat ako at hindi pa rin makatayo. Ngayon lang uli kami nagkita ni Eduard matapos nung gabing sinagot ko siya.

          Ngumiti lang si Eduard sabay pinisil ang ilong ko ng isa niyang kamay habang yung isang kamay niya ay nakahawak pa din sa apple.

          "Thart!" wika ni Eduard na tila ba pinapaalala sa aking thart dapat ang itawag ko sa kanya. Napangiti na lang din ako.

          "Oo nga pala! Ginulat mo kasi ako eh!" wika ko naman at nagsabay na kaming tumayo. "Namamalengke ka din?"

           "Oo. Masama kasi ang pakiramdam ni nanay eh. Kaya ako na ang namalengke. Teka mukhang ang dami nyong handa ah. Madami bang bisita? Patingin nga." saad ni Eduard ng makita niya ang hawak kong listahan ng mga bibilhin.

          "Oo eh. Magdadatingan kasi yung mga pinsan ko pati yung mga kapatid ni tatay. Alam mo na. Parang reunion."

          "Ah! oo nga ang dami! Pero mabigat 'to thart. Gusto mo tulungan na kitang mamili? Ooops! huwag ka nang mag-isip. Mabigat 'to kaya tutulungan na kita"

          Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi ang pumayag na din sa gusto niya.

         "Thart namiss kita!" wika ni Eduard habang naglalakad kami. Bakit ba parang nakikiliti ako sa tuwing tatawagin niya ako ng thart?

          "Hmmp. Kulang pa ba ang mga text natin?" saglit na natahimik si Eduard saka sumagot.

          "Kulang na kulang eh. Ayaw ko sana ng ganito. Yung tipong parang sa text lang kita nililigawan. Pero wala na akong magagawa dahil ito lang naman ang paraan para malaya tayong makapag-usap eh."

          "Hayaan mo thart! Balang araw magiging legal din tayo at magiging malaya. Pasensiya ka na sa tatay ko ha."

          "Wala 'yon Mariel. Alam kong pinoprotektahan at sobrang mahal ka lang ng tatay mo kaya ganoon ka na lang niya higpitan."

          "Mahal ba 'yun kung nakakasakal na 'yung paghihigpit niya?"

          "It's for your own good. By the way, sa january 2 na ang alis ko pabalik ng Bulacan."

          Sobrang nalungkot na naman ako sa nalaman ko. Bakit kasi ganito pa ang kapalaran namin. Bakit kailangang magkahiwalay kami palagi. Nahihirapan tuloy ako sa tuwing aalis na naman siya.

          Napabuntong hininga na lang ako bago nakapagsalita muli. "Hay! Ang hirap naman!" bigla ko na lang naramdamang tumigil si Eduard sa paglalakad kaya tumigil din ako. Hinawakan niya ang isang kamay ko at humarap sa akin. Hindi ko alam kung bakit tila nakukuryente ako sa paghawak niya sa aking kamay. 

          "Thart nahihirapan din ako. Pero lalo akong mahihirapang umalis kapag nakikita kong nagkakaganyan ka. Smile na mahal ko! I love you!"

          "I love you too thart! Sana huwag mo naman akong ipagpalit sa iba kapag nandoon ka na."

          "Hindi ba dapat ako ang magsabi nyan. Hindi mo alam kung gaano ako nababalisa kapag naiisip kong anumang oras pwede kang malapitan ni Philip!"

          Oh God! Nagseselos siya kay Philip? Pero naiinis pa rin ako kay Philip dahil sa nabasa kong usapan nila ng tatay ko. Hindi ko pa nga pala siya nakakausap.

          "Thart! Kaibigan ko lang si Philip."

          "Lalaki din ako kaya alam kong yung lalaking 'yon, may gusto 'yon sa'yo!" Naaninag ko ang tila pagka-inis sa mukha ni Eduard.

          "Hayaan mo! Hindi ako gagawa ng mga bagay na ikaseselos mo." saad ko kay Eduard upang mapagaan ang loob niya.

          Bahagya namang ngumiti si Eduard sa sinabi ko. "I love you!"

          Napangiti din ako. Sa umpisa lang kaya ganito? Ilang beses ba namin sasabihin 'to sa isa't-isa? Ang sarap naman kasi sa feeling eh! "I love you too!"

          "Mariel!" tinig 'yon ng isang pamilyar na tao. OMG! oo nga pala, kasama ko nga pala si nanay sa palengke ngayon! Nakalimutan ko na. Paano si Eduard.

          "Po nay?"

           Tumingin lang si nanay kay Eduard ng may pagtataka dahil naabutan niya kaming nag-uusap at nag-ngingitian pa ni Eduard.

          Nagulat na lang ako sa ginawa ni Eduard. Kinuha niya ang kamay ni nanay at saka nag-mano. Si nanay naman, nahalata kong naiilang dahil alam kong malangsa pa ang kanyang kamay dahil sa pamimili niya ng isda at karne.

          "Ay! nako hijo! Malangsa pa ang kamay ko." wika ni nanay na mukhang hiyang-hiya.

          "Sus! Okay lang po 'yun nay!" tugon naman ni Eduard. "Ahm... mukhang mabigat ho yang dala nyo ah. Tulungan ko na ho kayo." dugtong pa ni Eduard.

          "Sige nak! Mabuti pa nga! Makikisuyo na lang. Kahit ihatid mo lang kami sa tricycle mamaya kasi madami pang kulang eh. Bibili pa nga pala ako ng isang sako ng bigas." Nagulat naman ako sa tugon ni nanay. Seriously? Si nanay hindi galit?

          "Uy! diba mamamalengke ka din? Baka matagalan pa kami." Pabulong kong sabi kay Eduard habang nauna nang maglakad si nanay.

          "Maiintindihan naman ako ni nanay. Tsaka, ayaw mo ba nun? Mas matagal tayong mag-kasama?" Kinindatan pa ako ng mokong. Tuwang-tuwa.

           At nung umagang iyon ay naging napakasaya ko dahil sa di inaasahan at mas matagal na pagkikita namin ni Eduard.

P.S.
Abangan nyo po ang mga pasabog na magaganap!
happy reading! :)


Worth Waiting Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon