Chapter 30

830 14 0
                                    

EDUARD'S POV

          Alas 9 na ng umaga nang magising ako. Pagmulat ko ng aking mga mata, nakita ko agad ang mala-anghel na mukha ng girlfriend ko. Hindi ko na pala siya naihatid sa kanila kagabi.

          Oh God! Napakaganda talaga niya! Ang himbing ng tulog ng prinsesa ko.

          Napangiti na lang ako ng ubod ng laki ng maalala ko ang mainit na pinagsaluhan namin kagabi. Gusto kong mag-sorry kay Mariel dahil sa hindi ko na napigilan ang pangangailangan ko bilang isang lalaki. Siguro dahil na rin sa kalasingan kaya ganoon. Pero hindi ko pinagsisisihan ang ginawa namin kagabi

          We made it because of love and not because of lust. At handa akong managot sa kung anuman ang maging bunga ng ginawa namin. Hindi ko alam kung bakit kay Mariel lang ako nakaramdam ng ganito pero sa tingin ko, siya na talaga! Siya na talaga ang babaeng paglalaanan ko ng buong buhay at lakas ko. Siya yung babaeng dapat kong ingatan at hindi ko dapat saktan. Siya lang at wala ng iba. Siguro nga masyado pang maaga pero desidido na akong maging tapat sa kanya.

          Naalala ko pa yung mga sinabi niya sa akin kagabi na "Gusto lang naman kitang makita, makausap at makasama palagi eh. Bakit kasi hindi tayo tulad ng iba. Malaya at suportado pa ng mga magulang ang relasyon nila. Bakit?!" My God! Hindi niya lang alam, parehong-pareho kami ng nararamdaman.

          Marahan ko siyang hinalikan sa kanyang mga labi. Ayaw ko siyang magising dahil mukhang sobra ata siyang napagod kagabi.

          Napapangiti na naman ako dahil sa mga naiisip ko. Pero hindi talaga siya dapat magising para makabawi siya ng tulog dahil pinuyat ko siya kagabi. Mahirap na, baka sumakit pa ang ulo ng mahal ko.

          Dahan-dahan akong bumangon sa kama. Nagbihis na ako upang makapaghanda na ng umagahan namin.

          "Good morning kuya!" masayang bati ni Eunice nang pumunta muna ako sa tindahan para maghanap ng pwedeng ipang-almusal.

          "Good morning! Nasaan si nanay?"

          "Maagang namalengke kuya eh. Pero kuya mukhang may problema si nanay." napakunot noo na lang ako sa sinabi ni Eunice. "Kausap niya kanina si tito Arman sa cellphone. Pero hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila. Mukhang malungkot si nanay eh."

          "Tsismosa ka talaga!" yun na lang ang sinabi ko sa kapatid ko. Nag-aalala din ako pero mamaya ko na tatanungin si nanay pag-uwi niya.

          "Kuya kelan kaya ulit kami magkikita ni ate Mariel?"

          "Nandyan pa ang ate Mariel mo sa kwarto ko."

          Nanlaki pa ang mga mata ng kapatid ko. "Talaga kuya?! Ibig sabihin, dito siya natulog? Pwede ko ba siyang gisingin?"

          "Huwag! Yan ang huwag mong gagawin. Hayaan mo munang matulog ang ate mo. Napagod yun kagabi." napapangiti na lang ako sa isipan ko.

          "Napagod? Bakit? Ano bang ginawa nyo kagabi? Nag-gala pa ba kayo? Ang daya nyo naman, hindi nyo ako isinama." Hays! Ang dami agad kumento ng makulit at madaldal kong kapatid.

          "Ang dami mo naman agad sinabi. Hayaan mo! Paggising ng ate mo, magdaldalan ulit kayo. Pero may time limit na. Kailangan ko pa siyang maihatid agad sa kanila mamaya eh."

          "Sige kuya!"

          "Oh sige! Magbantay ka muna dyan sa tindahan. Magluluto lang ako ng almusal."

MARIEL'S POV

          Pagmulat ko ng aking mga mata, naalala kong wala pala ako sa sarili kong kwarto. Nasa kwarto ako ngayon ni Eduard. Pero wala siya sa tabi ko. Nasaan kaya ang mokong na 'yon?

         Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa kwarto ni Eduard. 9:30 na pala! Napasarap pala ang tulog ko. Sobra ata talaga akong napagod kagabi.

          Shocks! Naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi ng maalala ko ang nangyari sa amin kagabi ni Eduard. Bagay na hindi ko pagsisisihan dahil para sa akin, bahagi 'yon ng pagmamahal ko sa boyfriend ko.

           Akmang tatayo na sana ako ng mapadaing ako sa sakit ng nasa pagitan ng mga hita ko. Grabe! Ang sakit naman! 

          Pagtanggal ko ng kumot, shocks! wala pa rin pala akong saplot! Dali-dali kong hinanap ang mga damit ko at nakita ko itong nakapatong sa bedside table ni Eduard.

          Kahit masakit ay pinilit ko nang tumayo at magbihis. Maya-maya pa ay lumabas na ako ng kwarto. Nang marinig ko ang boses ni Eduard, tinungo ko naman ang pinanggagalingan noon. At nang malapit na ako sa kusina, pakiramdam ko nanigas na lang ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang sinabi ng nanay ni Eduard.

          "Anak bakit naman ganoon? May Mariel ka na pero magkakaanak na pala kayo nung Daphnie!"

          Jusko! Problema na naman ba ito? Ay hindi! Hindi ito problema, mukhang ito na ang tuldok ng relasyon namin ni Eduard. My goodness!

Worth Waiting Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon