1 year later....
Alexis POV
Naging masaya ako ulit ng naging kami ulit ni Alexer. Bumabawi sya sa mga oras na na wala sya.
Kung saan saan kami pumupunta. Pumunta na kami sa Spain,France, Italy and Korea at bumalik kami sa lugar na dahilan ng pagkahiwalay namin noon sa lugar kong saan sya pinanganak. Sa California
Isang taon na nga ang lumipas at di ako binigo ni Alexer sa sinabi nya.
Ngayon nasa cafe ako at nagtratrabaho ulit. Dumami na nga ang mga customers ko.
Si Alexer naman sya ang namamalakad sa bagong branch ng kompanya nila dito sa pinas.
Ang mga kaibigan ko naman busy sa mga trabaho nila.
"Zia una na ako sa inyo kayo na magsarado ng cafe ha" maaga kasi akong aalis ngayon. Ilang araw na din kaming di nagkikita ni lexer dahil pareho kaming busy.
Pupuntahan ko sya ngayon sa condo nya. Binenta nya na ang bahay nya noon bumili naman sya ng condo nya.
Umalis na ako at nag drive papunta sa condo ni lexer.
Nong nakarating na ako pumunta na kaagad ako sa elevator. Halata namang nagmamadali ako dahil maaga daw syang uuwi ngayon.
Nong nakapasok na ako sa condo nya of course i know the password. Naghanda na kaagad ako ng lulutuin ko ang paborito naming dalawa beaf steak.
Magaling ako sa baking pero di ako magaling sa cooking. Mas magaling syang magluto.
Nong natapos ko ng maluto ang beef steak naghanda na ako sa mesa. Dali dali akong naghahanda dahil malapit ng mag seven.
Nag ayos na din ako nagbihis pa nga ako at nagpaganda.
Bigla namang bumukas ang pinto kaya pumunta ako sa may pintoan.
I miss him. Pagod ang mukha nya di pa nga nya yata ako napansin dahil alam kong pagod sya.
"Love" tawag ko sa kanya.
"Love?!" Nagulat talaga sya at ngumiti sa akin. Tinatago nya ang expression nyang pagod sya pero kilala ko sya.
Niyakap ko sya kaagad I kiss him on the lips.
"I love you love and I really miss you isang week tayong di nagkita" sabi ko sa kanya
"Sorry busy kasi ako bago palang kasi ang branch namin" pag ra rason nya.
"Love ako din naman busy din ako kaya wag kang mag sorry okay"
"Teka sabay na tayong mag dinner pano magluluto pa ako" natataranta talaga sya.
"Magbihis ka nalang nagluto na ako" gulat naman sya.
"Talaga? You cook for me?" Di pa talaga sya makapaniwala.
"For you nga kaya mag bihis ka na" nginitian nya ako tas ginawaran ng matamis na halik sa labi.
Uuwi ako ngayon. Balak kong bisitahin ang pamilya ko na masa probinsya.
May pagtitipon tipon kasing magaganap dadalawin ko rin ang lolo at lola ko.
Na meet na din ni Alexer ang angkan namin. Gusto nga sya ng lolo at lola ko.
Si Alexer may business trip daw sya kaya di kami nagkasama for 3 days.
Nagsimula ang reunion kasabay ng business trip ni Alexer. Ngayon lang ako nakapunta dahil busy ako.
Mga kaibigan ko naman nagbakasyon din daw.
Malayo ang probinsya namin kaya nag bus nalang ako kesa mag drive ako.
Sigurado akong malapit na mag gabi pag karating ko don.
Andito na nga ako sinalubong ako nila mams at paps. Nagkamustahan kami sa mga pinsan ko at syempre sa lolo at lola ko.
Madilim na sa labas sa ngayon. Mansyon ang bahay ng lolo at lola ko kaya walang problema dahil ang laki laki ng pamilya ko. Marami kasing kapatid si mams.
"Anak may naghihintay nga pala sayo sa paborito mong lugar" sabi ni mams sa akin.
"Sino po?"
"Puntahan mo nalang apo kanina pa yun doon" si lola
Pumunta naman ako sa paborito kong lugar kung saan kitang kita mo ang mga bituin sa kalangitan.
Papalapit palang ako ang nakikita ko lang ay lalaking naka upo. But familiar sya saakin.
Nang nakalapit na ako nagulat ako akala ko ba may business trip sya.
"Love akala ko ba may business trip ka?" Sabay upo sa tabi nya. Niyakap nya ako pagka upo tas nong bumitiw sya inakbayan nya ako.
"Dito ang business trip ko at ikaa ang business ko" napangiti naman ako sa sinabi nya.
"Binobola mo na naman ako" sumandal ako sa balikat nya at pinatong ko ang ulo ko.
"Alam mo this is my favorite place. Makikita mo kasi ang mga bituin and when I was a kid pangarap kong makasama dito ang lalaking mamahalin ko habang buhay" sabi ko sa kanya. Ang daming bituin ngayong gabi.
"Sana ako yong lalaking yun. Pangarap din kita Alexis. Thank you sa lahat lahat sa pag aantay at sa pagtitiis. I'm sorry kong ang tanga tanga ko noon. Mahal na mahal kita ayokong mawala ka na sa buhay ko" nilingon ko sya at ilang inch nalang ang mga mukha namin.
"I love you Alexer with all my heart and soul. Di ka dapat nag so sorry dahil lahat ng nangyari ginusto ko alam ko namang worth it ang lahat ng sacrifices ko" ilang minuto din kaming di nagsalita fene feel lang namin ang malamig na hangin.
"Sabi ng lolo at lola mo nais mo raw na maka kita ng fireworks kasama ang lalaking mamahalin ka habang buhay" bigla namang umilaw ang paligid at ang ganda ganda.
Bigla namang may pumutok sa kalangitan napatayo ako. Nilingon ko sya at i mouthed thank you.
Lumingon ako sa paligid ang daming tao andito ang mga barkada namin tas yung angkan namin sina lolo at lola mams at paps.
Anong nangyayari?
Tumingin lang ako ulit sa magagandang fireworks. Nang biglang nag form ito ng mga words.
'Will you marry me Alexis Loraine Mendez?'
BINABASA MO ANG
Dear Ex
Teen FictionBat hanggang ngayon mahal ko parin ang ex ko? hanggang ngayon mahal ko parin sya. Sana nagka amnesia nalang ako nang sa ganon makalimutan ko na sya. At di na ako masaktan pa ng paulit ulit. I am Alexis Loraine still inlove with my dear Ex!