[1] Her Family

130 3 0
                                        

[1] Her Family

--------------------------------------------

Courtney's POV

"Ma pano kami pupunta dyan? Sama ko pa sila Tita Mei?" Tanong ko kay Mama over the phone.

["Oo. Hindi mo naman alam papunta dito kaya magpasama na lang kayo. Bilisan niyo, baka mamaya wala na kayong maabutan, may lakad ka pa mamaya, diba?"]

"Meron nga. Sige na, babye~"

["Okay. Bye."]

Huhuhuhu. Kamusta naman ang buhay ko ngayon. Para na kong katulong dito sa bahay namin, halos ako na lahat ang gumagawa tas pasaway pa yung kapatid ko.

Alam niyo yung feeling na kapag baby pa yung kapatid niyo, sasabihin niyong hindi kayo mag-aaway lagi kayong bati pero kapag malaki na.. Wala na!

Pangakong napako na! Lagi na kayong mag-aaway tapos ikaw pa palaging pagagalitan. Kahit di ikaw may kasalanan.

*bogsh*

"Mommy! Si Ate CJ inaaway ako!"

Asdfghjkl. Kung hindi lang ako good mood ngayon, nabatukan ko na tong batang to.

Aba! Isumbong ba naman ako na inaway ko daw siya? Siya kaya tong naglalaro tapos natapon niya yung bote ng efficascent oil!

"Luh? Hindi kaya ako. Tsh. Tabi nga! Lilinisin ko yan!" Pag-eexplain ko tapos kumuha na ko ng pamunas at walis.

"You're lying, Allea. Wag mo pahirapan si Ate mo." Sabi naman ni Tita Mei sa kanya.

"Hindi kaya, Mommy. Siya kaya may gawa niyan." Sagot ng kapatid ko.

Mommy ang tawag niya kasi nung bata pa yung kapatid ko, si Tita Mei na yung nag-babantay sa kanya hanggang ngayon din naman.

Wala kasi si Mama. Laging nasa trabaho yun. At si Papa? Malay ko ba kung saang lupalop ng mundo siya ngayon.

Nangungupahan lang kami. Medyo malaki na din yung bahay. Tska marami kaming nakatira dito, kasama namin yung ibang tito at tita ko.

"Kasi, sinungaling pa." Inirapan ko yung kapatid ko at dinilaan niya lang ako.

Oh diba? Ang sweet naming magkapatid.

"CJ, Allea. Tara na." Tawag ni Tita Mei samin sa labas.

"Allea. Bilisan mo!" Tawag ko sa kapatid ko, ang dami kasing arte sa katawan. Daming churva.

Lumabas na kami ng kwarto at dala-dala ko na rin yung mga bubog na nilinis ko kanina. Buti nga di ako nagkasugat eh. Bwahahaha!

Syempre hindi ako tanga tulad ng ibang babae na kapag nagpupulot ng bubog, mag-eemote tapos biglang masusugatan at sisigaw ng-ouch tas may darating na prince charming para magligtas sa kanila.

Ang luma na kaya ng scenario na yun. Marami ng nakagawa nun. Buti na lang ako, safe and sound. Choss.

"Tita Mei kayo na lang kaya pumunta? May kukuhain pa ko sa school tska mag-eenroll na din ako." Sabi ko.

"Hinihintay tayo dun ng mama mo ah? Sige, ikaw bahala. Sabihan na lang namin si Mama mo." Sagot niya at umalis na sila ng kapatid ko.

Wala. Kakain lang naman sila dun eh. May party kasi sa office na pinapasukan ni Mama at nakakahiya naman kung pupunta lang kami dun para makikain.

Sila na lang. Kahit alam ko sa sarili kong matakaw ako, may hiya pa rin naman ako sa sarili ko noh.

Kinuha ko na yung bag ko at yung wallet ko. Nandun yung pera na binigay ni Mama pang-enroll ko.

Hatred (EXO FF) (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon