[2] New Home
--------------------------------------------
Courtney's POV
"Mama! Mama naman!"
"Sige na. Ayos na lahat ng gamit mo. Lumabas kana hinihintay kana dun ng Papa mo."
Nanahimik na lang ako dahil sa sinabi niya. Ang lungkot naman, parang pinagtatabuyan niya na ako.
Kinuha ko yung mga gamit ko pero hindi pa rin ako umaalis. Ayoko silang iwanan dito. Ayokong umalis.
"Ma naman.. Wala na nga akong ginawa tapos parang pinagtatabuyan niyo pa ako.." Sabi ko kay Mama habang nakayuko.
Pumayag na nga ako sa pesteng kasal na yan tapos gusto pa nila akong isama sa lalaking yun? Na magsasama kami sa iisang bahay? Ano ba talaga!
Sinabi din nila sakin na wala na kong poproblemahin sa lahat ng gastos ko sa school dahil sagot na nila lahat. At! Magkasama pa kami sa iisang school. -.-
Anak ng tokwa na sunog.
"Sige na. Pupuntahan kana lang namin dun." Sabi sakin ni Mama kaya lumabas na ko ng bahay namin.
Tinulungan naman ako ni Papa sa mga gamit ko. Inayos niya lahat at tska kami umalis.
Hindi naman siya masyadong malayo sa school at sa bahay. Pwde ko pang lakarin papasok ng school. Masipag kaya ako.
Tinulungan ulit ako ni Papa na magdala ng mga gamit ko papasok ng bagong bahay. -.- Maganda siya, malaki ng konti. Tska malinis pa.
"Yung kwarto mo nasa taas. May pangalan na yun." Sabi ni Papa sakin.
Ahh. Magkahiwalay kami ng kwarto? Aba dapat lang! Baka manyakin pa ko ng gatas na yun. -.-
Gatas. Kasi maputi siya at nahiya naman ako sa balat niya. Edi siya na makinis at maputi. -.- Basta ako, astig.
"Okay." Sagot ko at umakyat na sa taas para hanapin ang kwarto ko.
Pumasok ako dun sa kwarto na may nakalagay na "CJ" yun naman nickname ko eh. Wala ng ibang CJ dito sa bahay, siguro. Ay ewan nga.
WOW. Ang ganda ng kwarto ko! *u*
Mas malaki at mas may space kesa sa dati kong kwarto. Na-doble ata yung kwarto ko dati. Hahaha!
Inayos ko na yung mga gamit ko at pagkatapos ay humiga ako dun sa kama ko. Ang lambot dre~ Heaven na ituu~! xD
"Hoy."
"Ay lambot!" Napatayo ako bigla ng biglang may nagsalita.
Si Gatas pala. Teka, ano ulit pangalan neto? Bryle? Bryle ano?
Yun.. Yung.. Yunga.. Yunge.. Yungi.. Yungo.. Yungu..
Pisti! Di ko matandaan!
"You. Cook." Sabi niya at umalis na. Hanudaw?
Anong sinabi niya? Ako? Magluluto? Yaya niya ba ako? Aba. Aba. Aba. Di ata tama yun.
"Bahala siya. Mag-gatas na lang siya tutal kulay gatas naman siya." Sabi ko sa sarili ko at dumapa ako sa kama ko.
*u* Ang lambot talaga! Gusto ko na tuloy matulog at wag na bumangon dito.
"Alam kong maputi ako pero gutom na ko at magluto ka."
"Trespassing ka!" Binato ko siya ng suklay. Akala niyo unan noh? Wag, sayang. Madumihan pa noh!
"This is my house." Sagot niya.

BINABASA MO ANG
Hatred (EXO FF) (FINISHED)
FanfictionI hate her. I hate her so much; to the point that I'll do everything for her.. For her to be happy. Even if I sacrifice my own happiness just for her.. I hate it. I hate this. I HATE THAT I LOVE HER.