[27] Sick
--------------------------------------------
Courtney's POV
9:37 am. Saturday.
May lakad ako ngayon. Check-up, appointment sa doctor kung itatanong niyo. Ako lang din mag-isa. Hindi ko sinabi kahit kanino, kay Manang ko lang sinabi na aalis ako at magpapa-checkup dahil hindi ko na kaya yung sakit.
Hindi ko sinabi kay Buwan. Bakit? Ewan ko lang. Malalaman niya rin naman diba? Marami kaya siyang alam kaya. Magaling siya eh. Tss.
Mamaya pang 10 ang check-up ko kaya lang gusto ko ng umalis ng maaga. Wala lang, ayoko munang basta magkulong lang dito sa bahay.
Nagpaalam na ko kay Manang at sinabi ko na rin na wag sasabihin kay Buwan na may check-up ako. Kunyari nakila Bei lang ako, ganun.
Naglakad na ko papuntang sakayan ng jeep. Mas mura dito kesyo magta-taxi ka pa eh sa dadaan din naman to sa ospital. Tska para ma-enjoy ko na rin to. Tagal na rin kaya na hindi ako gumagala mag-isa.
Magte-ten na nang makarating ako ng ospital. Hindi ko alam pero parang bigla akong kinabahan at parang gusto ko ng umatras at umuwi pabalik ng bahay.
Bakit nga ba ako pumunta dito?
Dahil iniisip ko na may sakit ako kahit wala naman? Dahil nahihilo ako ng walang dahilan? Dahil bigla-bigla akong nasusuka? Ganun ba?
"Tsk." Umiling ako tska tumalikod palabas. Uuwi na lang ako tutal alam ko naman sa sarili kong wala akong sakit--
"Miss?" Bigla akong kinalabit ng isang nurse.
"Bakit po?" Tanong ko nang bigla niya kong abutan ng tissue.
"Nagdudugo ho kasi yung ilong mo." Automatiko kong tinakpan ng tissue yung ilong ko. Eto na naman, sa sobrang init.
"Saan po yung cr niyo?" Tinuro naman niya kaya tumakbo agad ako.
Sa pagmamadali ko ay may nabunggo ako. Nahulog yung mga drinks na dala niya, buti na lang at hindi babasagin kaya wala namang naging problema--
"Jade?" Tiningnan ko siya ng bigla niya kong tawagin sa second name ko.
"Oh!? Ikaw pala." Iniabot ko na sa kanya yung isang bote at tska nagtangkang umalis pero pinigal niya ko.
"Bat ka nandito? Kasama mo kuya mo?" Yan. Alam kong magtatanong na naman yan.
"Wala. Makiki-cr lang. Mag-isa lang ako." Sabi ko at nagkibit-balikat na lang siya.
"Malayo pa yung cr. Samahan na kita--"
"Hindi okay lang." Naglakad na ko palayo sa kanya at tska hinanap yung cr.
Nagtanong ako kung nasan yung cr dito pero wala na daw dito sa baba. Sa taas daw at 3rd floor pa. -.- Ang boba naman nung nurse kanina. Baka bago lang siya? Tss.
"Sabi sayo, samahan na eh. Kulit." Sumulpot na naman si Singkit sa tabi ko kaya hinayaan ko na lang siya na samahan ako.
"Bat ka pala nandito?" Tanong ko.
"Doctor tatay ko dito." Sagot niya. Wow, bigtime si Koya.
"Ikaw ba? Yung totoo ha." Ngumiti pa siya.
Kaibigan ko na rin siya kaya sasabihin ko na rin. Tska malay niyo, maging doctor ko pa yung tatay niya diba? Edi astiiiig!
"Ngayon lang ako pumunta dito. May itatanong lang sana." Sagot ko at tumango lang siya.

BINABASA MO ANG
Hatred (EXO FF) (FINISHED)
FanfictionI hate her. I hate her so much; to the point that I'll do everything for her.. For her to be happy. Even if I sacrifice my own happiness just for her.. I hate it. I hate this. I HATE THAT I LOVE HER.