[7] Madness
--------------------------------------------
Courtney's POV
Kung hindi ka nga naman malas--este, malas naman talaga ako. Walking disaster nga daw ako eh.
Okay, back to me. xD
Kakatapos lang ng practice namin ngayon para sa Intrams. Oo na, napapayag na nila ako. Ano pa ba magagawa ko, diba? Extra curicular din to. Tataas grades ko. Hahaha!
Yung sa malas.. Na-sprain kasi yung kanang paa ko. -.- Sasayaw kasi kami at may part na iikot dun, eh sa hindi ako sa sanay eh. Kaya, boom! Putol paa. De joke, masakit lang siya. Pero kaya ko pa naman.
"Bye, girls." Paalam samin ng Moderator namin.
Hindi niya--nila alam na may sprain ako sa paa. Magaling akong magtago eh, astig kaya ako.
"Astiiig~ Ang sakiiit~" Bulong ko sa sarili ko habang pinipilit kong tumayo at maglakad ng normal.
Nakalabas naman ako ng gymnasium ng normal. Masakit yung paa ko pero wala akong magagawa dre. Kasalanan ko to at alam kong walang makakatulong sakin dahil umuwi na mga kaibigan ko. -.-
"Asar kasing Intrams yan. Pauso ng hindi uso. Yan tuloy na uso." Naupo muna ako sa sahig, yaan na kahit madumi. Hindi ko na kaya yung sakit ng paa ko, parang pinuputol. OA ba? Astig ako eh.
Next week na kasi tong contest na to. Alam niyo kung anong theme?
Sports. -.-
Hindi ako mahilig dyan bukod sa pag-i-skateboard, wala na kong alam. Ahh. Meron pa pala, marunong akong mag-bike. Pero sports ba yun? -.-
Hanggang ngayon nga, wala pa rin akong plano sa sarili ko eh. Sinubukan kong tawagan si Mama pero di ko siya macontact. May pera naman ako para sa sarili ko pero kulang yun. -.-
Mahirap talaga maging mahirap. Jusmiyo. Nakakabobo mag-isip ng paraan kung pano ka magkakapera. Lalo na ngayon, wala akong trabaho dahil hindi na kami nag-uusap ni Buwan. Hindi niya na ko nauutusan kaya wala akong sweldo.
"Asar talaga!" Sigaw ko, wala na namang ibang tao dito. Malaya me.
"I know right." Biglang may nagsalita sa tabi ko.
Si Dylan dre.. Jusmiyo. *u*
"Bat ka pa nandito?" Umupo siya sa tabi ko.
"Eh bat ka naaasar?" Di ko pinansin yung tanong niya.
"Natamaan. Bola. Ulo." Sagot niya habang hinawakan yung ulo niya.
Wooooo!? Sinong may gawa nun!? Bubugbugin ko kung sino man yun!
"Tara, resbakan ko na." Natawa siya sa sinabi ko at ginulo niya buhok ko.
"Bat ka pala nandito?" Tanong niya ulit sakin. Teka, anong sasabihin ko sa kanya?
Yumuko muna ako at nanahimik.
Nag-iisip ako noh! Tulungan niyo ko. Ayokong umasa kay Dylan na pag sinabi kong may sprain ako, eh ihahatid niya ko pauwi sa bahay.
"Nagpapahinga lang. Pero uuwi na din ako ngayon.. Maya pala ng konti." Palusot ko at tumango lang siya. Ibig sabihin naniwala siya sa sinabi ko.
Tska ayoko pang umuwi. Kasama ko pa siya oh, sayang moment kung aalis ako dito. Minsan na lang kaya to, minsan na lang kami magkasama. T-T
Ang drama ko. Wala eh, crush ko siya at syempre namimiss ko moments namin. xD Lol, drama ko na talaga. Wahahaha! xD
BINABASA MO ANG
Hatred (EXO FF) (FINISHED)
FanfictionI hate her. I hate her so much; to the point that I'll do everything for her.. For her to be happy. Even if I sacrifice my own happiness just for her.. I hate it. I hate this. I HATE THAT I LOVE HER.
