[24] His' Thoughts III
--------------------------------------------
Bryle's POV
"Buwan naman! Akala ko ba bati na tayo!? Ano na naman ba to!? Mag-aaway na naman tayo!? Wala na nga sakin yung ginawa mo eh! Pinipilit ko na ngang kalimutan yun eh! Bat ganto na naman ngayon!? Mag-uusap lang oh! Mag-uusap!"
-___________-
Alam niyo na kung sino yan.
Oo, si Courtney. Sigaw siya ng sigaw ngayon, siguro dahil pinipigilan niyang mainis sakin dahil hindi ko siya pinapayagan na kausapin yung Dylan niya. Mahirap na, baka maagaw pa siya.
"Ayoko nga! Basta ayoko!" Nahawa na rin ako sa pag-sigaw niya. Dati tahimik lang ako pero.. Bad influence talaga tong babaeng to.
"At bakit!? Ano ba kita!? Oo na! Ikaw na boss! Ikaw na amo! Ikaw na lahat! Leche naman! Parang mag-uusap lang kami! Ano bang iniisip mo!? Na magiging kami!? Hahaha! Alam mong hindi na mangyayari yun! Hindi na! Alam mo kung bakit!? Kasi dahil.."
Napansin kong nag-iba yung aura ng expression niya. Siguro kung kanina nagpipigil siya ng galit.. Ngayon ganun pa rin kaso lang parang may iba pa. Hindi ko maintindihan.
"W-wala na nga! Nevermind na lang. Sige, itetext ko na lang siya na hindi muna kami pwdeng mag-usap. Ge!" Umakyat na siya sa kwarto niya at naiwan naman ako ditong mag-isa sa sala.
Nakakakonsensya man pero.. Ayoko lang talaga. Ayoko siyang kasama yung lalaking yun. Naiinis ako. Naiinis ako kapag magkasama sila nun. Basta, nakakainis lang.
At isa pa, kakailangan ko pa si Courtney kaya hindi pwde na malayo siya sakin. Hindi pwde.
Binuksan ko na lang yung tv at tska umupo sa sofa. Ewan ko ba, pero these past few days parang naiisip ko na, na dapat na kong magdesisyon para wala nang madamay at masaktan pa.
Pero hindi ko rin alam kung ano bang pumipigil sakin. Dapat nga nung isang araw, pipirmahan ko na yung mga kailangan ng tatay ko eh. Pero hindi ko tinuloy. Hindi ko alam kung bakit. At nakakainis yun.
"Bryle, iho? Nahihilo na naman si Courtney. Hindi mo pa ba siya dadalhin sa ospital?" Biglang sulpot ni Manang.
Napansin ko nga rin. Kung hindi siya nahihilo, mabilis naman siyang mapagod. She's healthy and I can see it. Walang nagbabago bukod sa mga nararamdaman niyang hilo at pagka-pagod.
"Sasabihin ko po." Tumayo na ko para puntahan siya sa kwarto niya.
I'm damn concern about her. Kasi ako rin naman ang malalagot kung may mangyari na namang masama sa kanya. Nadamay lang siya dito at hindi tama na masaktan ulit siya.
Kumatok ako pero walang sumagot. Kinakabahan ako ng hindi ko alam. Kinakabahan ako dahil baka may mangyari na naman na hindi maganda. And it will be blamed to me.
Binuksan ko na yung pinto kasi wala namang sumasagot. Pumasok ako at nakita ko siyang nakaupo sa kama niya, nakatalikod sa kung nasaan ako ngayon.
"Sinabi ni Manang--"
"Hindi. Okay lang ako." Hindi niya agad ako pinatapos.
Baka galit siya sakin dahil hindi ko siya pinayagan na makausap si Dylan. What the heck? Nahilo ba siya dahil masyado niyang dinamdam yung sinabi ko? Fine!
"Kausapin mo na siya. Kausapin mo na si Dylan." I expected na haharap siya at magpapasalamat dahil pumayag na ako.. Pero hindi.
She stayed sitting beside her bed. Nakatalikod pa rin siya. Ano ba? May problema ba siya? What?
BINABASA MO ANG
Hatred (EXO FF) (FINISHED)
Fiksi PenggemarI hate her. I hate her so much; to the point that I'll do everything for her.. For her to be happy. Even if I sacrifice my own happiness just for her.. I hate it. I hate this. I HATE THAT I LOVE HER.
