[40] More Questions

23 2 0
                                        

[40] More Questions

--------------------------------------------

Stephanie's POV (Courtney)

"Sagutin mo ako." For the third time, tatanungin ko ulit siya. Tatanungin ko siya kung sino ba talaga ako; kung sino ba talaga si Courtney.

"Umuwi kana. Baka hinahanap kana ni Tita." Tinalikuran niya lang ako at naglakad papalayo.

Shit-- Hindi ko maintindihan pero bakit nasaktan ako ng bigla niya kong tinalikuran? Bakit pakiramdam ko.. Naiinis ako sa ginawa niya?

Dinala ko yung picture at inilagay sa bag ko. Tch. Kung ayaw niyang sagutin ang tanong ko, kay Keith or kay Mommy na lang ako magtatanong. Mas maayos na yun, sila na mas kilala ko ang makakasagot ng tanong ko.

"Bakit ka ba pumunta dito?" Walang emosyon na tanong niya.

"Bakit? Ayaw mo?" Inirapan ko siya. Ang kapal ng mukha niya para tanungin ako! Eh hindi ko rin naman ginusto na pumunta dito. Mabait lang ako.

"Gustong-gusto.." Rinig kong pagkakasabi niya. Alam kong hindi ako bingi kaya malinaw ang pagkakasabi niya.

Pero ang hindi malinaw.. Yung ibig sabihin ng sagot niya. Kanina, pinapaalis niya ko. Tapos ngayon, ano to? Tinanong ko siya tapos sasagutin niya ko ng ganun?

"Wag mo kong lokohin." Tatalikod na sana ako pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko.

Ano ba tong ginagawa niya?

Hindi ako komportable dahil pakiramdam ko.. Iba.. Iba yung nararamdaman ko.. Iba yung pakiramdam.. Hindi ko maintindihan..

"Sorry.. Sa lahat.. Sorry sa lahat ng ginawa ko, sa lahat ng pagsisinungaling ko sayo.. Hindi ko na kaya.. Hindi ko na kayang mag-tiis.." Hindi lang yan ang nakakagulat, bigla niya kong niyakap.

Holy shit! Abnormal ba to? Ano bang pinag-sasasabi niya?

"Bitawan mo ko. Uuwi na ko, baka hinahanap na ko ni Mommy." Matigas na sabi ko sa kanya pero lalo lang niyang hinigpitan yung pagkakayakap.

"Courtney.. Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan.. Pero patawarin mo ko.. Sa lahat-lahat.. Patawad.." Inilayo niya ko tska tinitigan ako sa mata.

Ano ba to? Hindi ko alam kung anong mga pinagsasabi niya. Pero.. Yung mata niya.. Yung mga tingin niya na parang may gustong iparating.

"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi Courtney ang pangalan ko. Ano ba?" Hangga't maaari dapat maging kalmado lang ako. Hindi dapat ako maapektuhan ng mga sinasabi niya. Tama, yun dapat.

"Courtney, please naman.. Mag-usap tayo ng maayos.. Ganun ba ko kasama para maging ganto ang trato mo sakin? I'm sorry.. Sorry na.." Sa totoo lang, naaawa na ko sa kanya. Naaawa ako sa itsura niya na parang sobrang laki ng naging kasalanan niya.

Tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa balikat ko at tiningnan ko siya ng seryoso. Huminga ako ng malalim bago ako magsalita.

"Alam mo, hindi ko alam kung anong mga pinag-sasasabi mo. Sa pagkaka-alala ko, wala ka namang kasalanan sakin. Isa pa, ngayon lang kita nakilala. Kaya imposible lahat ng mga sinasabi mo sakin ngayon." I tried my besy to explain all my thoughts. I mean, oo lahat ng alam ko.

Yumuko siya saglit at hindi siya nagsalita. Ang weird. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Everybody's calling me Courtney, sinasabi nila na kilala nila ako kahit na hindi ko naman sila kilala. Is it posible.. Na may nakalimutan ako?

Hatred (EXO FF) (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon