[46] A Threat
--------------------------------------------
Bryle's POV
"Taken na pala siya! Di ko alam!"
"Sayang si Kuya. TToTT"
"Pero bagay naman sila. Parehas may itsura tska mayaman."
"Kahit na! Ultimate crush ko yan eh tapos ikakasal na? Huhuhu~"
Kahit siguro naka-earphones ako, rinig ko pa rin ang mga pinag-uusapan ng mga kaklase ko. No, halos lahat na ata ng istudyante ako o kami ang pinag-uusapan.
What the hell.
Hindi ko alam na ganto na agad ang sasalubong sakin pag-pasok ko. Oo, hindi na nga kami magka-sama sa iisang bahay, eto naman ang ipinalit niya. Nakakainis.
Hindi nga talaga kita kilala, Chloe.
"Good morning, class." Bati ng teacher naming 25 minutes late na. Grabe talaga. Pati na pala mga teacher, nagpapa-late na din.
May ibang bumati ng pabalik at meron ding hindi, isa na ko dun. Naiinis ako at wala sa mood na mag-aral. Pero kung tutuusin, dapat maging masaya ako pagkatapos ng lahat ng nangyari.
Hindi na nga ako pumasok kahapon kasi pinatawag ako ni Dad sa office niya para sa kasal daw. Tsk. At ngayon ko nga lang nalaman na may mga invitations na pala at naibigay na. Tangina.
"Mr. Gomez." Tiningnan ko yung teacher namin ng tinawag ako.
I waited for another word pero itinaas niya lang ang papel na hawak niya at ngumiti. He mouthed, 'Congrats to you'. At dun ko lang narealized na invitation pala yung hawak niya.
What the fuck.
Yung ibang kaklase ko ay nakigaya rin sa teacher namin at binati rin ako. Tsk. Ako lang ang mababati nila kasi wala dito si Chloe. Imi-meet daw designer niya. Pakealam ko dun.
"I always thought it was her." Kahit hindi ko siya tingnan, alam kong ako ang kausap niya. "But I was wrong. Hindi ko alam ang nangyari pero I'm thankful na hindi pangalan ni Courtney ang nandyan." I clenched my jaw dahil sa sinabi niya.
Thankful, huh? Dahil hindi si Courtney ang engaged sakin at hindi siya ang ikakasal sakin?
Well, fuck him.
Akala niya ba makukuha niya si Courtney ng ganun-ganun lang? Tch. Sa tingin ko, hindi siya kilala ni Courtney. Oo, ramdam ko yun.
"I'm also thankful na wala siya dito." Sagot ko sa kanya.
Thankful ako dahil hindi alam ni Courtney to. I have plans to tell her pero ewan. Hindi ko ata kaya. I mean, kaya ko pero hindi ko magawa. Ewan ko. Pakiramdam ko masasaktan siya sa gagawin ko.
Aish! Bakit naman diba? Wala naman siyang nararamdaman sakin kaya hindi dapat siya maapektuhan. Tsk. Ang gulo.
"It's always you." Automatiko na atang kumunot ang noo ko. "The one pretending to not care about anything." Fuck him.
"You know nothing, Dylan." Ni hindi ko siya matingnan. Bakit? Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na sapakin siya.
"Yeah.. I know nothing but I feel like I know everything--"
"Asshole!"
Hinawakan ko ang kuwelyo ng uniform niya at itinulak siya sa pader. Ang sarap. Ang sarap basagin ng pagmumukha niya.

BINABASA MO ANG
Hatred (EXO FF) (FINISHED)
FanfictionI hate her. I hate her so much; to the point that I'll do everything for her.. For her to be happy. Even if I sacrifice my own happiness just for her.. I hate it. I hate this. I HATE THAT I LOVE HER.