[48] Broken Hearts

43 1 0
                                    

[48] Broken Hearts

--------------------------------------------

Stephanie's POV (Courtney)

December 24, 20xx

9:27 p.m.

Noche Buena na mamaya. Halos naghahanda ang lahat para salubungin ang ito. Yung mga kapit-bahay ko, yung iba, sobrang lakas na magpatugtog ng mga Christmas songs. Yung iba pa, nagsisimula nang mag-handa para sa sa salu-salo nila mamaya. Pero ako? Heto, nandito sa kwarto ko. Pinagmamasadan ko lang siya habang natutulog nang mahimbing.

Wala daw siyang tulog kagabi at puyat siya dahil sa kaiisip. Ewan ko ba kung dapat ba kong kiligin o mainsulto sa kanya. Tingnan mo, parang siya ang may-ari ng bahay. Like a boss kung umasta eh. Sa kwarto ko pa talaga natulog at hindi sa guest room. Talaga nga naman.

"Arf! Arf!" Umupo ako sa kama katabi niya at kinarga si Baby Cola. Nagi-guilty ako kasi di ko siya sinama kanina at! Pinagalitan pa ko ng lalaking to kasi di ko nga raw sinama. Kesyo baka daw manakaw siya dito sa bahay. Sus.

"Shh.. May tulog, Baby Cola. Wag ka maingay." Pero pagka-sabi na pagka-sabi ko nun ay biglang may tumunog na Christmas song sa kapit-bahay na sobrang lakas. SOBRANG LAKAS.

Napa-iling na lang ako. Ang epic naman nang araw na to. Kakaiba yung mga nangyayari. Yung mga hindi mo inaasahan, dumarating o nangyayari. Pero yung mga expectations mo, limitadong mangyari at yung iba ba ay hindi talaga nangyayari. Sabi nga nila, "Less expectation, less pain."

Noche Buena na, pero wala man lang akong handa dito sa bahay. Wala man lang akong ginagawa. I know how to cook pero para san pa? Ako lang naman ang kakain.. Kung aalis si Bryle dito. At kung hindi naman siya aalis, well kaming dalawa lang kakain. And it's like.. Err.. Nevermind.

Biglang tumalon si Baby Cola at bumaba sa akin. Siguro nagugutom na siya, iniwan ko nga siya kanina diba? Tsk. Bababa muna kami tutal tulog pa naman--

"Stay here." Ramdam ko yung braso niya sa bewang ko. Nanlalamig na ata ang mga kamay ko dito. "Courtney.." Tawag niya sakin.

"B-bakit?" Napapalunok ako ng wala sa oras. Bwiset!

"Come closer." Nag-hand gesture siya na parang pinapalapit niya ako pero nakapikit pa rin siya.

Lumapit ako at dun ko lang natitigan na sobrang gwapo pala niya sa malapitan. Ang kinis ng mukha at ang puti niya. Gatas.

Napa-kurap ako nang bigla siyang ngumiti pero nakapikit pa rin siya. "Here." Bigla niya kong hinatak palapit sa kanya kaya napasandal ako sa dibdib niya. Siguro nakaramdam siya na ang awkward, kaya umusog siya para bigyan ako ng space at makahiga ako ng maayos sa tabi niya.

"Bryle.." Thank God! Hindi ako nanginig nang tinawag ko ang pangalan niya. Bigla niya ba kasi akong yakapin ng mahigpit. Imagine this, naka-diretso ako ng higa habang siya ay naka-tagilid na naka-harap sa akin.

"Hmm?" Kinilabutan ako nang maramdaman ko na nilapit niya ang mukha niya sa leeg ko. At, mas lalo ata akong nanlalamig ng maramdaman ko ang hininga niya. Oh shit!

May kiliti ako sa leeg!

"Uh.. Ano kasi.." Pinipilit kong lumayo sa kanya pero mas binabaon niya ang mukha niya sa leeg ko. Ano ba! "May kiliti ako sa leeg." I sighed. Nakakahiya.

Alam kong napamulat siya dahil sa sinabi ko. Gusto ko nang malusaw sa pwesto ko ng bigla niya kong tawanan. Nakakainis at nakakahiya! Bakit kasi dito ang kiliti ko? Pwde namang wala na diba! Aish. Nakakainis--

Hatred (EXO FF) (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon