[17] Confused
--------------------------------------------
Courtney's POV
"Aba hoy! Courtney, abuso ka! Magpagaling kana para makagala na tayo!" Sigaw sakin ni Jasmine.
"Sino bang nagsabi na bantayan niyo ko dito?" Tanong ko at inirapan niya lang ako.
Hindi sila pumasok ni Gayle kasi babantayan daw nila ako. Si Bei naman, masipag yun kaya siya lang yung wala dito at pumasok ng school.
Oo. Bati-bati na kami. Hahaha! Sabi ko sa inyo eh, di nila ako matitiis. De joke, kasi nag-aalala na daw talaga sila sakin. Hindi ko alam na alam pala nila ang mga nangyayari sakin.
Kaya ngayon, masyado na silang nag-aalala sakin. Todo bantay sila kasi baka daw mamaya kung anong mangyari sakin na mas grabe pa.
Abnoys. -.-
"Hindi namin katiwa-tiwala yang Bryle na yan." Umupo si Gayle sa tabi ko. Nakaupo lang ako dito sa kama ko, dito sa ospital.
Bukas pa ko lalabas. Kahapon lang nila ako dito dinala ng walang malay daw. Para daw talaga akong patay nun kasi ang lamig ko na.
"CJ okay ka lang talaga? Kapag kasama mo siya?" Nag-aalalang tanong ni Jasmine.
"Yung totoo? Hindi talaga. Pero ang dapat.. Oo." Sagot ko at kumagat ako sa apple na dala nila.
"Alam mo bang pinagsabihan ni Gayle si Bryle kahapon?" Tanong ni Jasmine sabay turo kay Gayle.
"Peace." Nginitian niya ko.
"Tange. Anong sinabi mo? Patay ako. Baka mamaya kung ano--"
"Subukan niya na galawin ka! Mapapatay ko siya!" Sigaw ni Gayle sabay lipat dun sa sofa at humiga.
"Matutuwa ako sana ako sa sinabi mo kaso lang.. Yung term na galawin.. Kadiri namang pakinggan." Tiningnan ko siya na parang nasusuka.
"Che! Basta yun! Di ko na siya bati." Para siyang batang nagmamaktol. Hahaha!
Nginitian ko lang sila at tska kumain ulit ng apple. Alam niyo yun? Yung feeling na kahit may nagawa kang masama sa kanila, nandyan pa rin sila para sayo. Nandyan sila para alagaan ka dahil nag-aalala sila sayo.
Dahil totoo silang kaibigan. <3
"Ay tang--"
"Bibig mo, Gayle." Saway ko agad.
Alam kong magmumura na naman yan eh. Saming apat, siya yung pinaka-grabeng magmura. Parang ginawa na niyang normal na salita para sa kanya.
"Hay, CJ kung alam mo lang kahapon.. Wagas yang magmura sa sobrang pag-aalala sayo." Sabi ni Jasmine na nanunuod sa laptop niya.
"Aww. So sweet, Ate Gayle~" Panunukso ko sa kanya. xD
"Tigilan mo ko Courtney Jade." Inis na sagot niya.
"Tigilan mo ako Daniel Gayle." Panggagaya ko sa kanya at tiningnan niya ko ng masama.
Ayaw na ayaw niyang binabanggit yung first name niya. Panglalaki daw kasi. Hahaha! Pero pare-parehas lang kaming apat na pangalang lalaki.
Si Bei, ang totoo niyang pangalan ay Beatrice Chann Santos. Nickname niya lang yung Bei. Si Jasmine naman ay Kheil Jasmine Cortez. Tapos etong si Gayle ay Daniel Gayle Torres.
Oh diba? Pare-parehas kami! Pwde na nga ata kaming maging F4 eh. Hahaha!
Jade.. Daniel.. Chann.. Kheil..

BINABASA MO ANG
Hatred (EXO FF) (FINISHED)
Hayran KurguI hate her. I hate her so much; to the point that I'll do everything for her.. For her to be happy. Even if I sacrifice my own happiness just for her.. I hate it. I hate this. I HATE THAT I LOVE HER.