[29] The Saying

37 2 0
                                    

[29] The Saying

--------------------------------------------

Courtney's POV

"Buwan."

"Tara na nga!"

"Isa mo pang salita at babatukan na talaga kita!" Sigaw ko sa kanya na ikinatigil naman niya sa pangungulit.

Kelan pa ba to natutong mangulit ha? Tss. Sa pagkakaalam ko, hindi pa rin kami bati. -_______- Pero ano to? Wala. Kinakausap ko na agad siya.

Tiningnan ko siya na ngayo'y nilalaro si Cola. Nandito kami sa sala at nanunuod ng tv. Walang pasok pero mamaya, magkikita kami ni Keith. Alam niyo na, therapy daw.

Sa totoo nga lang, sasabihin ko mamaya kay Keith na wag na lang naming ituloy tong therapy na to. Hindi na naman kasi sumasakit yung ulo tska.. Gastos lang.

"Courtney.." Tawag niya sakin pero hindi ko siya pinansin at nanuod lang ako.

Gusto niya daw gumala kasama si Cola. Eh bakit kailangan kasama ako!? Ako ba si Cola!? Kamukha ko ba si Cola!? Hindi naman ah! Tska mabigat yung pakiramdam ko. Gusto ko lang na magpahinga.

Tss. Ang hirap talaga pag may sakit. San ko ba nakuha to? Wala naman akong bisyo. =__________=

"Sige na.. Cola wants to go out."

"Edi palabasin mo siya." Sagot ko nang hindi pa rin siya tinitingnan. Epal talaga to.

"Meron ka ba ngayon? Bakit ang sungit mo? Hindi ka naman masungit ah." Sabi niya.

Kaya tumayo ako at tinuro-turo ko siya gamit yung remote.

"Gago ka ba? Bat mo ko tinatanong? Gusto mong malaman? Pwes! Wala! Epal ka eh noh? Tss. Oo na! Sasama na! Manahimik ka lang!" Malakas lang yung boses ko pero hindi ako sumisigaw. Ano daw? Basta, yun.

Tumayo naman siya at binuhat si Cola. Pinatay ko yung tv at pagharap ko sa kanila ay nakangiti lang siya sakin. =________= Edi siya na masaya. Budoy ampusa.

"Thanks. Tara na?" Pinauna niya kong lumabas ng bahay. Wala si Manang eh.

Nakakainis talaga. May sira na ba to sa utak? Bakit ang kulit niya eh hindi naman siya ganito. Buiset talaga. Hindi ako sanay. =________=

Naglakad lang kami. Buhat niya pa rin si Cola at naghaharutan lang silang dalawa. Akalain mo yun? Gusto niya ng aso, samantalang ako.. Hindi masyado. Di ko alam yun ah?

Pero naalala ko yung sinabi ni Yvette sakin.. Na kilalanin ko daw ng maayos si Buwan. Eh para saan? Tska kilala ko na naman siya ah? Hindi kami strangers noh.

"Hoy. May tanong ako." Tawag ko sa kanya.

"What is it?" Umupo muna kami sa isang upuan. Yung sa harap ng isang sari-sari store? Ganun.

"Kayo na ba ni Yvette?" Tiningnan ko siya. Nilalaro niya pa rin si Cola.

"No." Ewan ko kung galit o masaya siya sa sagot niya. Pero chismosa ako kaya magtatanong pa ko.

"Bakit naman? Sayang kayo eh. Bagay pa naman kayong dalawa. Alam mo yun?" Umiling siya sa sinabi ko at ngumiti.

"We're not meant for each other. Teka, bat mo ba ko tinatanong?" Oo nga naman. Bat ko ba siya tinatanong? Ano bang pake ko sa buhay nila ni Yvette?

"Ehh.. Wala lang. Nangungulit lang din tulad mo. Bakit ba? Walang basagan ng trip." Inirapan ko na lang siya. Tss, di ako papatalo sa kanya noh.

Hatred (EXO FF) (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon