[33] Forgotten
--------------------------------------------
Bryle's POV
"Asan na ba si CJ!? Tangina oh! Ilang linggo na siyang hindi pumapasok at nagpapakita! Puta! Ano bang mga pinag-gagagawa niya!? Wala ba siyang balak na magpakita!?"
"She's gone." Sagot ko.
"Aba't gago ka!" She punched me on my right cheek. And I deserve it. "Hindi mo man lang siya pinigilan!?" Umiling lang ako at nakita ko silang tatlo na parang nagpipigil ng inis.
"Tapos na ang kontrata namin. Sinabihan ko siyang pwde na niyang gawin lahat ng gusto niya. A-at.. Gusto niya daw na umalis. I promise! I tried stopping her! I tried pero hindi siya nagpa-pigil--"
"Tama na! Wag ka ng magpaliwanag.." I hate seeing girls crying.
"Bei, Jas tara na. Puntahan na lang natin siya sa bahay ng parents niya." Akmang tatalikod na sila pero pinigilan ko si Gayle at hinawakan yung braso niya.
"Wag mo kong hawakan!" Pangatlong beses niya na kong suntukin. Fuck, it hurts.
"Wala siya dun.. Hindi siya pupunta sa kanila." Hindi ko na sila tiningnang tatlo.
"Wag kang mag-magaling! Wala kang alam! Wala kang--"
"Ampon si Courtney! Ampon siya at hindi na siya uuwi sa kanila! Asan siya!? Nandun! Nandun sa kaibigan niyang negro!" Hindi ko natiis dahil naiinis na rin ako. Naiinis na rin ako sa sarili ko.
Dumiretso na agad ako sa kwarto ko. Tss, fucking life. Wala na kong nagawang tama. Dammit!
Sinuntok ko yung pinto sa sobrang inis ko. Ano bang mali dun!? Oo, alam ko na mali na nagsinungaling ako pero.. Mali ba na gawin ko yun para sa kanya!?
Alam niyo naman yun diba!? Alam niyo na may kapalit yun! Kapag pinirmahan ko na yung mga gusto ni Dad, makakawala na si Courtney sa kontrata at hindi na siya madadamay.
Oo, nung una ayoko yung gawin. Ayoko dahil.. Dahil siguro gusto ko na si Courtney at ayoko siyang malayo sakin. Pero mali! Mali dahil nadamay lang siya dito at niloloko lang namin siya!
Kaya nga ginawa ko na yung gusto ng magaling kong tatay eh. Ginawa ko yun para wala na kong tinatago kay Courtney. Ginawa ko yun dahil ayoko siyang mapa-sakin dahil sa isang kontrata lang.. Nang dahil sa nadamay lang siya..
"Bryle! Bryle! Sino yung kaibigan niya!? Sino!?" Rinig kong sigaw nila sa labas. Hindi ko kilala yun pero Keith ata yung pangalan.
Binuksan ko yung pinto at tiningnan sila isa-isa. Hindi ko rin naman sila masisisi na galit sila sakin dahil ako rin naman may kasalan. Tss, sinaktan ko na naman yung kaibigan nila.
"Keith. Yun lang alam ko." Isasarado ko na sana yung pinto ng biglang iharang ni Gayle yung kamay niya.
"Salamat. Salamat sa lahat ng nagawa mo sa kaibigan namin. Salamat sa lahat nang pagpapahirap.. Pananakit at panloloko sa kanya. Salamat dahil hindi mo na siya kasama. Salamat dahil.. Hindi na siya mapapasayo." Pagkasabi niya nun ay umalis na silang tatlo. Naiwan akong nakatulala at iniisip yung mga sinabi niya.
"Salamat. Salamat sa lahat ng nagawa mo sa kaibigan namin. Salamat sa lahat nang pagpapahirap.. Pananakit at panloloko sa kanya. Salamat dahil hindi mo na siya kasama. Salamat dahil.. Hindi na siya mapapasayo."
"Salamat dahil.. Hindi na siya mapapasayo."
"Salamat dahil.. Hindi na siya mapapasayo."
"Salamat dahil.. Hindi na siya mapapasayo."
That hit me.
Oo nga. Imbis na makuha ko siya in my own ways.. Napalayo ko siya sakin. Dahil sa mga desisyon ko, dahil sa mga ginawa ko. Lalo lang siyang napalayo sakin..
Wala na.. Hindi na siya babalik.
****
Keith's POV
"Tita how could you do that!?" Nakakainis.
"Lower your voice, Keith." Saway sakin ni Dad. Puta, nagsanib-pwersa pa sila!
"Pano ko hihinaan ang boses ko!? Tingnan niyo nga! Inoperahan niyo yung tao ng walang kamalay-malay! Oo! Lahat tayo gustong gumaling siya pero bakit ganito!? Hindi niyo man lang siya hinintay na magbigay ng opinyon!" Singhal ko sa kanila. Walang galang na ako pero.. Nakakainis talaga.
Pagbalik ko kasi dito sa ospital ay nabalitaan ko sa isang nurse na nag-undergo na pala si Courtney sa isang operasyon. Yung tatanggalin yung tumor sa utak niya.
Naiinis ako dahil wala akong kaalam-alam sa mga ginawa nila. Hello!? Kaibigan ako ni Courtney pero hindi ko alam yun!? Puta talaga!
"Alam mong matigas ang ulo ng anak ko. Kaya ginawan na namin ng paraan na maoperahan siya as soon as possible dahil alam nating lahat na kokontra lang siya." Nanahimik na lang ako ng magsalita si Tita.
"Pero dapat--" Magsasalita pa sana ako ng may tumawag saming nurse. Gising na daw si Courtney.
Nauna akong pumunta ng kwarto niya dahil tumakbo ako. Ewan, gusto ko siyang makita agad-agad. Gusto kong masigurado na okay siya after ng operasyon.
Nasa may pinto pa lang ako, tiningnan ko si Courtney na tulala lang na nakahiga at nakatitig sa kisame. May mga kasama siyang nurse na chini-check yung kalagayan niya.
"Doc, the patient is awake and doing fine." Tinanguhan lang ni Dad yung isang nurse at pinalabas na.
Hindi si Dad ang nag-opera kay Courtney, ni-recommend lang siya ni Dad sa isang specialist. Pero all in all, nag-insist si Dad na siya ang magiging Doctor ni Courtney.
"Co--" Lalapitan ko sana siya ng maunahan ako ni Tita Claire.
"Stephanie! Anak.. Kamusta ka? Do you want something?" Tanong ni Tita, pero tiningnan lang siya ni Courtney.
Oo nga pala. Na-ayos na ni Tita lahat ng papeles ni Courtney. Napalitan na din agad yung pangalan niya at legal na siyang Cortez ngayon.
"A-anak.." Naiiyak na si Tita ng hindi siya sagutin ni Courtney at umupo lang ito at tumingin saming lahat na nandito sa loob.
"Dad, what's happening?" Tanong ko pero nagkibit-balikat lang si Dad, meaning hindi niya alam.
"Hi, hija. Are you feeling well?" Nilapitan siya ni Dad. Pero ganun pa rin, hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya kay Dad.
I.. I think may mali dito.
Hindi ko na natiis na basta panuorin na lang sila. Lumapit ako kay Courtney at umupo sa tabi niya. Tiningnan niya lang ako, nginitian ko lang siya.
Magsasalita na sana ako nang maunahan niya ako. Ewan ko pero natahimik kaming lahat sa sinabi--tinanong niya..
"Sino kayo? Sino ako?" Tanong niya.
Shit. I mumbled to myself. May mali talaga. Hindi ko maintindihan pero.. Alam kong mali.

BINABASA MO ANG
Hatred (EXO FF) (FINISHED)
FanfictionI hate her. I hate her so much; to the point that I'll do everything for her.. For her to be happy. Even if I sacrifice my own happiness just for her.. I hate it. I hate this. I HATE THAT I LOVE HER.