[38] Confession

33 2 0
                                    

[38] Confession

--------------------------------------------

Keith's POV

"Good afternoon, Tita. Si Steph po?" Tanong ko kay Tita. Susunduin ko kasi si Steph ngayon, may lakad kami. Is it a date? I don't know.

"Good afternoon, Keith. Nasa kwarto niya. Puntahan mo na lang dun." Tinanguhan ko na lang si Tita at umakyat na ko papunta sa kwarto ni Steph.

Ngayon na lang ulit kami magkikita. Naging busy ako sa mga paperworks ko sa school eh. Alam niyo na, sabay kami tumigil ni Steph. Actually, hindi ko na naman kailangan na ayusin eh. Wala lang, gusto ko pa rin namang grumaduate like normal teens do.

"Steph?" Kinatok ko yung kwarto niya at agad naman niyang binuksan. Nakangiti agad siya sakin.

"Hi! Matagal ba ko? Kakarating mo lang ba? Okay lang sayo?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Hindi. Kakarating ko lang. Tska bakit naman hindi magiging okay? Hahaha. Tara na nga!" Nauna siya saking maglakad at nagpaalam siya kay Tita.

I get the chance to look at her.

Kahit iba na yung pangalan niya, kahit lahat nagbago na sa kanya, isa pa rin ang hindi nagbabago para sakin.. Crush ko siya. No, more of.. Gusto ko na siya?

"Keith! Tara na!" Nasa may pinto na siya at tinanguhan ko siya kaya nauna na siyang lumabas.

"Tita, mauna na po kami." Paalam ko kay Tita.

"Okay. Take care of her, Keith. Please, help her not to remember anything." Nginitian ako ni Tita. Pero alam kong malungkot ang ngiting yun.

"Don't worry tita, I will." Sagot ko at lumabas na ako.

Naabutan ko si Steph na nakasandal sa kotse ko. She's wearing a summer dress tska flat shoes. Nakakapanibago lang, hindi naman kasi siya ganyan dati. Siguro kung walang nagbago, baka tingin ko sa kanya hanggang ngayon ay isang.. Lesbian.

"Alam kong maganda ako, wag mo na kong titigan." Okay, parang hindi naman nagbago ugali niya. Astig pa rin. Hahaha.

"Astig ka kaya." Nagulat ako sa nasabi ko. Shit! Nadulas ako!

"Oo na lang." Sagot niya habang umiiling. Sumakay na agad siya sa kotse ko at naiwan naman akong tulala.

Buti na lang hindi niya binigyan ng meaning yung sinabi ko. Buti na lang hindi siya nagtanong.

Sumakay na rin ako at nagsimula ng mag-drive. San nga ba kami pupunta? Mall na lang. Para, parang date to. Hahaha. Wala kasi akong alam na ibang pupuntahan eh.

Pinagbuksan ko siya ng pinto at ngintian niya lang ako. Taena! Gusto ko na talaga tong babaeng to. Asar, men. Hindi ko lang alam kung ganun din feeling niya for me.

Baka kasi siya ang gusto niya..

Naglakad lang kami papasok ng entrance. Hiwalay ang entrance ng babae sa lalaki, at mahaba pa yung pila. Nu ba yan, kung alam ko lang edi sana di na lang kami dito.

Medyo nauuna na ko sa kanya. Alam niyo naman na maraming chinicheek sa mga babae diba? What I mean is, yung mga bags na dala nila.

Pansin ko na may kumakausap sa kanya pero hindi niya lang pinapansin. Tama yun! Don't talk to strangers nga eh! Pansin kong napatingin siya sakin. Ngumiti siya na parang nagsasabi na okay-lang-ako-kahit-pangit-ng-katabi-ko. Nginitian ko na lang din siya at tumingin na sa harap.

Ewan ko pero automatik na napatingin ako sa katabi ko ng may kumalabit sakin. Hindi ko kilala tong babae. Stranger.

"Kuya? Anong pangalan mo?" Tanong ni Ate.

Hatred (EXO FF) (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon