[32] Real Mother

24 2 0
                                    

[32] Real Mother

--------------------------------------------

Keith's POV

Nandito ako ngayon sa Starbucks malapit sa hospital kung san nagtatrabaho si Daddy. Kung itatanong niyo ko kung bakit nandito ako, dahil kay Mrs. Cortez. Siya yung totoong nanay ni Courtney at mamaya, magkikita na sila.

"Sorry, I'm late." Tumayo ako ng makita ko si Tita na kararating lang.

"Okay lang po, Tita." Dapat magalang para dagdag pogi points din to. Hahaha.

"Thanks. So, what's up? Nasan ang anak ko?" Tanong niya agad.

"Alam niyo po ba ang pangalan ng anak niyo?" Itatanong ko kung ano ba talaga yung totoong pangalan ni Courtney.

"Uhm.. Hindi ko alam kung anong pangalan niya ngayon pero.. When she was with me, I named her Stephanie. Stephanie Flair Cortez." Sagot ni Tita habang nakangiti.

Stephanie Flair Cortez. Grabe ang layo nun sa Courtney Jade Roxas. Tska Cortez pala ang totoo niyang apelyido. Ang alam ko kasi, maimpluwensyang mga tao ang Cortez in terms of businesses.

Edi mayaman pala si Courtney? I-- I mean, Stephanie? Err.. Weird.

"Tita asan na po ba ang asawa niyo?" Kasi nung pinahanap ko yung mga magulang ni Courtney, Courtney na lang kasi mas sanay ako.

Okay, back to topic. Nung pinahanap ko mga magulang niya, si Tita Claire lang ang nahanap ng mga taong inutusan ko. I'm curious, asan kaya si Mr. Cortez?

"He's dead. 5 years ago because of Leukemia." Nag-sorry naman agad ako sa sagot ni Tita. Leukemia rin? So, namana yun ni Courtney sa Daddy niya?

"I see. Namana po ata ni Courtney yun sa Daddy niya." Sagot ko.

"Courtney? Is that her name?" Tanong agad ni Tita sakin.

"Opo. Courtney Jade." Tumango-tango naman si Tita na parang nag-iisip ng malalim.

"Sounds familiar. Kelan ko ba makikita ang anak ko? Alam na ba niya ang totoo?" Tanong ulit ni Tita.

"Alam niya na po. And, nasa condo ko po siya. Wala na po kasi siyang ibang matutuluyan sa ngayon." May binilin sakin si Courtney na wag ko daw sasabihin kay Tita yung tungkol sa mga nangyari sa kanya, tulad yung kay Bryle.

"Pwde-- Pwde ko na ba siyang makita? Gusto ko na siyang makasama." Tumango lang ako. Maybe it's the right time, sinabi ko na rin kay Courtney na dapat na siyang magsimula ng panibago.

Tinext ko si Courtney, sinabi ko sa kanya na pauwi na ko with her Mom. Nandun pa rin siya sa condo ko, sinabihan ko kasi siya na wag aalis ng hindi ako kasama. Baka kasi kung ano pang magyari sa kanya.

From: Courtney

Oh talaga!? Yiie~ Makikita ko na Mama ko! Keith, salamat ha? Thank you talaga, sa lahat. :))

Hahahaha. Natatawa na lang ako sa sinabi niya. Ewan ko, nababaliw na ata ako. Sa kanya. Joke lang!

Walang nagsasalita samin ni Tita hanggang sa makarating kami sa condo ko. Ramdam ko na kinakabahan si Tita na makita ang anak niya. Sino ba namang hindi? Kahit siguro ako yung nawawala niyang anak, kakabahan din ako.

****

Courtney's POV

"Wait lang!" Sigaw ko ng may biglang mag-doorbell.

Tumayo muna ako saglit sa harap ng pinto at pumikit. Masaya ako na makikilala ko na yung totoo kong nanay pero, syempre nandun din yung kaba.

"Kaya ko to.. Aish!" Napaupo ako. Nangingig yung kamay ko. Hindi ko kasi alam kung anong irereact ko kapag nagkita na kami ng totoo kong nanay.

Hatred (EXO FF) (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon