[42] Past Memories

35 2 0
                                    

[42] Past Memories

--------------------------------------------

Stephanie's POV (Courtney)

6:03 am.

Kakagising ko lang. Hindi rin ako nakatulog ng maayos kaya medyo nahihilo ako. Anong oras na ba ko nakatulog kagabi? Siguro mga 1 am na rin. May naririnig akong ingay sa labas pero hindi ko na lang pinansin.

Tiningnan ko yung may mga text sakin si Mommy and, yes. There were lots. Nagwo-worry daw siya kung san ako pumunta at natulog. But in the end, sinabi niya na she already know where I am at mag-ingat na lang ako daw ako.

Napa-ngiti ako kung pano mag-alala sakin si Mommy. Hindi ko lang talaga maintindihan yung tanong sakin ni Bryle kung ako daw.. Kilala ko ang sarili kong nanay. Ano bang meron sa kanya at ganun siya makapagsalita? Na parang may kung anong atraso sa kanya si Mommy.

I shake my head and all the thoughts. Umagang-umaga, kung ano-anong bagay ang iniisip ko. Di ko dapat hayaan na masira ang araw ko ngayon. Why? Because from this day until tomorrow and so on, I should be happy.

Dahil birthday ko na bukas!

Naalala ko lang kasi. Diba nga, December 14 birthday ko? At bukas na yun. Di ko lang maintindihan kung bakit hindi sinasabi sakin ni Mommy. May surprise kaya siya? Ganun ba?

"Gising kana?" Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may mag-salita sa labas.

"Uhm.. Oo!" Di ko muna binuksan yung pinto. Baka mukha pa kong bangag neto, nakakahiya naman kapag ganun.

"Handa na yung pagkain sa baba. Sumunod kana lang and.. May damit ka dyan sa drawer. Yun na lang gamitin mo." Hindi na ko sumagot dahil alam kong umalis na siya.

Ang weird noh? Bigla na lang akong nagkaroon ng damit dito. Tiningnan ko yung drawer at yung mga damit na nakalagay dun. Konti lang siya pero parang nakita ko na tong mga to dati.

Pumasok ako sa bagong bahay. Maganda siya, malaki ng konti. Tska malinis pa.

"Yung kwarto mo nasa taas. May pangalan na yun." Sabi sakin ng isang lalaki.

Ahh. Magkahiwalay kami ng kwarto? Aba dapat lang! Baka manyakin pa ko ng gatas na yun.

Gatas. Kasi maputi siya at nahiya naman ako sa balat niya. Edi siya na makinis at maputi. Basta ako, astig.

"Okay." Sagot ko at umakyat na sa taas para hanapin ang kwarto ko.

Pumasok ako dun sa kwarto na may nakalagay na "CJ" yun naman nickname ko eh. Wala ng ibang CJ dito sa bahay, siguro. Ay ewan nga.

WOW. Ang ganda ng kwarto ko!

Mas malaki at mas may space kesa sa dati kong kwarto. Na-doble ata yung kwarto ko dati. Hahaha!

Inayos ko na yung mga gamit ko at pagkatapos ay humiga ako dun sa kama ko.

Napa-iling na lang sa mga naaalala ko. Ano kaya yung mga yun? Ngayon ko lang nakita ang mga yun sa utak ko. At.. Hindi ko malalaman na birthday ko na bukas kung hindi ko lang bigla naalala. Hay.

Naligo ako at nagpalit ng damit. Siguro nga nagpunta na ko dito noon. Hindi ko nga lang maalala. Tska yung mga damit kasi.. Size ko talaga kaya hindi ako pwdeng magkamali na hindi to akin.

"Good morning." Bati ko sa gatas na to. I wonder, may alam kaya siya sa mga nangyari dati na hindi ko maalala or alam?

"Kumain kana." Ang cold naman niya. Samantalang kagabi, akala mo nanalo sa lotto dahil naka-ngiti siyang parang aso.

Hatred (EXO FF) (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon