Last Hatred

95 3 0
                                        

Last Hatred

--------------------------------------------

Stephanie's POV (Courtney)

"I don't have to do this. Ano na lang ang sasabihin niya pag nakita niya ako dun? He wants me to let go of him.. At itong pag-iwas ko na lang ang ngayo'y kaya kong gawin.." Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya at tiningnan na lang ang reflection ko sa salamin.

I admit it na maganda ang pagkagawa ng white long dress na suot ko, isama mo pa ang ayos ng buhok at make-up ko. Ngayon ko lang na-appreciate ang pagiging model ko. Oh my God! Ayokong mag-mayabang! Pero para akong natitibo sa sarili ko. Ew. And it's gross.

"But you can't turn your back now. Kakailangan ka dun. You know, isa ka sa mga importanteng tao na kailangan na present dun." Sagot ni Bei habang inaayos ang suot niya ding white dress sa harap ng salamin. Mas mahaba ang dress ko at parang nasobrahan ang ayos ko kaya lumalabas at nahahalata ko sa sarili ko na model nga talaga ako.

"Hindi ko naman hiniling yun." Umupo ako at huminga ng malalim. Tiningnan ko ang hawak kong invitation at binasa ang pangalan kong nakasulat doon. "Hindi ko naman hiniling na maging made of honor. Ni ayoko ngang makita ang kasal nila eh." Pumikit ako saglit. Di ko maiwasang maluha. Sabihin na nating hindi pa ako nakaka-move on. Mahirap eh.. Masakit dito.

"Courtney.. Sinubukan mo ulit na magpaliwanag sa kanya.. Pero hindi siya nakinig, diba? It's not your loss anymore. Tinalikuran ka niya for the second time, Courtney. Dapat naka-move on kana." Hinawakan ni Jasmine ang balikat ko. Kasama ko silang tatlo dito. I've missed them so much. At napatawad na namin ang isa't isa sa mga paglilihim namin.

"Alam mong mahirap mag-move on, Jas! Tsk. Papahangin muna ako sa labas. Hindi na kita ma-take, CJ. Kukutusan na talaga kita, naku." Natatawa na lang kaming tatlo kay Gayle. Hindi talaga siya nagbago kahit kelan. Siya pa rin ang pinaka-matapang sa aming apat.

"But after this, sabihin mo na kay Bryle. Kahit sapilitan pa! Para malaman niya lang na naaalala mo na lahat ng nangyari noon. Malay mo, manghinayang siya tapos makipag-hiwalay siya--"

"Bei!"

Tumaas ang kilay niya at tumawa ng mahina. "I was carried away. Alam niyo namang hindi ko expected na si Chloe pala. Though I don't really care about her, napansin na rin siya ng mata ko." Umirap siya na parang asar na asar. Natawa na lang ako sa inasal niya.

Oo, tama siya. Naaalala ko na lahat. Alam nilang lahat na naaalala ko na.. Well, except him. Dahil pagkatapos noong pag-uusap namin nung dumating ako, hindi muna siya nagpakita sa kahit na sino man sa amin. Na-postponed pa nga ang kasal nila dahil nawala siya ng isang linggo.

At nung bumalik siya, I tried my best na sabihin sa kanya na naalala ko na lahat ng mawala siya. Pero for the second time, humindi siya. Tinalikuran niya ako. At hindi na muling nilingon at kinausap kailanman.

-Flashback-

"C-can we talk?" Nanginginig na tanong ko sa kanya. Pansin ko na parang puyat siya at pagod na pagod. San ba kasi siya pumunta at nawala siya ng isang linggo?

"What for?" Hinarap niya ako. Andito ako sa office niya at sinadya ko talaga siyang puntahan dito. Sabi kasi ni Tito Vince, dito agad si Bryle tumutuloy. "What do you want now? Me? Come back to you? What?" Sobrang lamig ng pananalita niya sa akin. Alam kong galit pa rin siya at hindi agad huhupa yun.

"H-hindi naman yun.. A-ano lang.. Gusto kong malaman--"

"Get lost. Ayaw na kitang makita kahit kelan. Let go, Courtney. Hindi na kita kailangan. I don't love you anymore." Tinaluran niya ako at lumabas siya ng office niya. Napa-singhap na lang ako at hindi na mapigilang mapa-luha.

Hatred (EXO FF) (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon