[8] Practice
--------------------------------------------
Courtney's POV
"Okay. One and two.. And one and two.."
Nagpapataya po ako sa lotto kaya may nagbibilang. De joke, moderator namin yan. May practice kasi kami.. With partners.
At malamang sa malamang, sino pa bang partner ko? Si Budoy? -.-
Pero hindi pa namin turn ngayon. Isa-isa kasing tinatawag at tinuturuan, at mamaya pa kami. Buti nga yun. Pero may sasabihin ako.. Marunong palang sumayaw tong Buwan na to?
Tss. Pero hindi yun ang importante ngayon. Yung gagawin namin, yung para sa talent portion. Magkahiwalay kasi yung sa talent portion, pero hindi ibig sabihin nun na hindi na kayo iju-judge ng magkasama.
Tska yung sa pagrampa pa at kung ano-ano. Yung mga churvavels~ Di ko alam ang gagawin dun. Wala pa nga kaming costume eh, tas dapat parehas pa. PARTNER NGA EH.
"Asdfghjkl." Wala na kong masabi.
"We need to go somewhere." Biglang sabi ni Buwan sa tabi ko.
Kinakausap niya na ko, nag-uusap na kami. Pero galit pa rin siya, alam ko yun. Ramdam ko eh.
"Bakit? May sweldo ba ko dyan? Hoy ah. Ang dami mo nang inuutos pero wala kang binibigay na sweldo ko." Sabi ko sa kanya. Normal lang ang pagkasabi ko, no hate. xD
Tiningnan niya ko ng seryoso. Seryoso naman siya parati. Minsan galit pa. Hindi ko pa nga--
"Could you just shut up your mouth?" Tanong niya at inirapan niya ko ng bongga. Bading talaga.
"Bading ka talaga eh, noh? Tska san tayo pupunta? Hoy ah! Baka kung saan na yan!" Tumayo ako para ayusin yung uniform ko, para na kong inararo ng toro sa itsura ko. -.-
"Your mind.. Geez. Stupid." Sagot niya ng hindi nakatingin sakin. Sa mga lalaki siya nakatingin.
Hahahahaha! Bading talaga to. xD
"Your mind.. Geez. Stupid." Panggagaya ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako ng masama sa ginawa ko pero dinilaan ko lang siya at inirapan. Blee~
Tinawag na kami nung moderator namin. Turn na daw namin para magpractice. Sus, ako lang naman kailangang magpractice dito. -.-
DANCING IS NOT MY STYLE. English yan ha! Oh ha, may natututunan din ako kahit minsan boplaks ako sa klass namin. xD
"Your feet. It's supposed to be there not here." Turo ni Buwan sakin. Aba malay ko kung anong sayaw to.
Kung siguro si Dylan partner ko edi sana gagalingan ko, pero hindi eh. Minalas ako--este malas pala ako. -.-
"Edi ikaw na sumayaw ng part ko. Partnerin mo sarili mo." Bulong ko sa kanya. Di pwdeng marinig ng moderator namin. Dapat daw kasi, focus kami. Walang daldalan, walang usapan.
"As if." Sagot niya at sumayaw ulit kami.
Sa totoo lang, gets ko naman eh. Hindi ko lang ala kung bakit parehas kaliwa paa ko, tska okay na din yun. Naiinis ko si Buwan, naaapakan ko paa niya. xD
"Jesus! Ouch!" Lumayo siya sakin at tiningnan ako ng masama. Napalakas ata yung apak ko sa paa niya, di ko sinasadya na lakasan. xD
"Anong nangyari dito, ha?" To the rescue ang bakla naming moderator. Naamoy nila ang isa't isa ah? Hahahaha!
"Naapakan ko po siya." Sagot ko at tiningnan din ako nung moderator namin ng masama. May galit yan sakin eh, pake ko.
"Ano!? Na naman, Ms. Roxas!? Wala ka ng ginawang tama dito! Lahat na lang palpak! Nagkamali talaga ang adviser niyo sa pagpili sayo, dapat si Chloe na lang. Maganda na, may talent pa!" Tapos nag-walkout siya pagkatapos niya kong ipahiya. Hiya? Di uso sakin yun.
BINABASA MO ANG
Hatred (EXO FF) (FINISHED)
FanfictionI hate her. I hate her so much; to the point that I'll do everything for her.. For her to be happy. Even if I sacrifice my own happiness just for her.. I hate it. I hate this. I HATE THAT I LOVE HER.
