[18] He Cares

38 2 0
                                        

[18] He Cares

--------------------------------------------

Courtney's POV

"Let's go."

Sumunod na ako sa kanya palabas dito ng ospital. Oo, ngayon na ako lalabas. Okay na naman ako eh. Sadyang OA lang yung mga doctor at mga tao dito. -.-

At sinong kasama ko?

Si Buwan. Hindi siya pumasok kasi susunduin niya daw ako. Hindi na ko magrereklamo kasi siya naman nagbayad lahat charges ko dito.

Hindi ko pa rin siya kinakausap ng maayos. Ewan ko ba? Naiinis pa rin ako eh. Pero siya? Maayos niya na kong kinakausap. Na-guilty siya mga dre. Alam ko. -.-

"Don't stress yourself--"

"Wag mo kong sumbatan dahil ikaw rin naman ang dahilan." Inunahan ko na siyang sumakay ng taxi.

Sasabihan niya pa ko na-- DON'T STRESS YOURSELF!? Eh kung siya kaya ang sabihan ko ng-- THEN STOP STRESSING ME!? Jusmiyo akala mo kung sinong walang kasalanan.

Painosente pa. Hindi naman bagay.

Nakarating na kami sa bahay ng wala pa ring nagsasalita. Pero maya-maya ay nagsalita na siya at sinabing umalis daw si Manang dahil dinala niya si Cola sa Clinic. Check-up daw.

Hindi ko na lang pinansin yun at kinuha ko na yung gamit ko para dalhin sa taas. Pero inagaw niya at siya na daw magdadala. Halata mo talaga sa tao pag guilty noh? -.-

"What do you want to eat?" Tanong niya pagkalapag niya nung mga gamit sa kama ko.

"Hindi ako gutom. Lumabas kana." Sagot ko.

Hindi ko siya tiningnan at dumiretso lang ako sa kama ko at humiga. Yaan na kahit nandito pa siya sa loob ng kwarto ko. Bahala siya dyan.

"I'm being nice here--"

"Wag. Baka makalimutan kong may kasalanan ka pa sakin." Nilingon ko siya at tiningnan ng masama.

"Okay. I'll buy foods for our lunch then we'll meet Manang and Cola at the park. That's a command." Sabi niya at tumalikod na palabas.

"Ayoko. Ikaw na lang." Sagot ko at pumikit. Inaantok pa ako. -.-

"No." Rinig kong sagot niya.

Narinig na sumara na yung pinto sa kwarto ko kaya alam kong wala na siya dito. Mabuti na yun. Naiinis ako sa presensya niya.

Naiinis talaga ako. Alam niyo yung halos gusto ko ng makasakit sa sobrang inis? Tsh. Pero kailangan kong magpigil kasi ako lang din naman ang masasaktan.

*ring*

Bumangon ako at tiningnan kung sinong tumatawag sakin. Unknown number.. Ah basta.

"Hello?"

["Courtney? Si Dylan to."]

Wooo!? Tinatawagan ako ni Dylan? Pano niya nakuha number ko!? Ahh.. Baka binigay nila Jasmine.

"Dylan? Bakit?"

["I.. I'm worried, Courtney. Okay kana ba? Sorry kung hindi kita napuntahan kahapon tska nasundo ngayon."]

Nag-aalala pa rin siya hanggang ngayon? Waaah! My feels~ *u* Kinikilig tuloy ako sa Dylan na to. Hahahaha!

"Okay lang, Dylan. Hahaha! Wala kayong teacher? Baka mapagalitan ka."

["It's fine with me basta makausap lang kita at malaman na okay kana."]

"Tama na!!"

Hatred (EXO FF) (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon